Chapter 03

13 2 2
                                    

"Keith? Hala bakit ka andito?" Nabigla si jamie dahil nakita nya si keith na andoon sakanilang sala habang kausap ang mama nya, nabigla sya dahil hindi pa sya nakakapag ayos ng damit pamasok dahil medyo maaga pa naman

" haha susunduin kasi kita:) saka nagtanong tanong din ako kung saan ka nakatira:)" sabi pa nito sabay hila saakin pababa sa hagdan, iniupo nya ako sa may tabi nya, sabay may inilabas na isang maliit na box

" oh, ano yan?" Pagtatanong ni jamie habang tinitignan yung maliit na kulay pulang box, ngumiti ng malaki si keith sabay bukas nung box

" an angel necklace"







" Sir, eto na po yung breakfast mo"

" salamat, pakilagay nalang dyan" mariing sabi ni jin sakanyang butler, dinalhan sya ng almusal sakanyang kwarto dahil ayaw nyang nag aalmusal sa may dining room, ang palagi nyang dahilan, wala naman syang kasabay dahil wala palagi ang mga magulang nya

Ng makapag ayos sya ay agad syang lumabas at pumasok sa university " tsk, bakit ba nila ako tinitignan? Ganun na ba ako ka gwapo?" Mahina nyang usal sa sarili sabay kamot sa ulo, bigla syang napahinto sa may tapat ng music room ng matanaw nya ang babae na nakausap nya noong nakaraang araw

" anong ginagawa nya?" Nakita nya kasi itong umupo sabay hawak sa may violin, hinawakan nya ang bow nito sabay tumugtog, nanlaki ang mata nya ng marinig ang pyesa na tinutugtog nito " akala ko hindi ka marunong tumugtog ng violin?" Sabi ni jin sakanya, bigla syang napahinto at napatayo dahil sa biglaang pagpasok nito sa kwarto

" oo..pero ito lang kasi ang alam kong pyesa na tugtugin dahil tinuro toh ng kaibigan ko" ng sabihi  iyon ni jamie ay biglang lumapit pa sakanya si jin dahilan para mapaurong bigla si jamie " anong pangalan ng kaibigan mo na yun?" Nagtinginan sila ng diretso sa isat isa, habang si jin ay naghihintay ng sagot galing kay jamie

" sya si.."

" jamie! Malapit ng mag start ang klase ka.." Biglang napatigil si jamie sa pagsasalita ng madinig nyang tawag na sya ni keith, napatigil din ito ng makita si jin na kausap si jamie, namula ito ng bahagya dahil kay jin

" si..sigeh, maiwan na kita" ng maglalakad na papaalis si jamie ay bigla syang hinawakan ni jin sa may braso dahilan para matigilan sya " this friday, 7 am, at the rooftop"

" ha?" Ng matapos nyang sabihin iyon ay bigla na syang lumabas ng music room, nakita kong babatiin sana sya ni keith pero nilagpasan nya lang ito, dahilan para malungkot si keith, nilapitan ito ni jamie para sabihing pumunta na sa room







Keith's POV

Habang nag didiscuss si sir sa harap, ako lutang ang utak dahil sa mga nakita ko kanina,..nakita ko silang dalawa na napakalapit sa isat isa,..anong meron sakanilang dalawa? May gusto ba si jin kay jamie? Pero..hindi pwede..si jin na ang gusto kong lalaki! Wala ng iba pa!

" keith? Ok ka lang?" Mabait si jamie,..kaya naman im sure naman na maiintindihan nya ako

" ahmm medyo"

" sir! Sasamahan ko lang po si keith sa clinic, masama po yung pakiramdam nya eh"

" sigeh, sigeh"

" salamat po sir"

Habang papalabas kami ng room nakita ko si jin na nakatingin saamin,..saamin nga ba? O kay jamie lang?..haist! Habang naglalakad kami ay akay akay nya ako, totoo namang sumama ang pakiramdam ko eh kaya naman pagdating ko sa clinic, iniupo agad ako ni jamie sa isang kama

" salamat sa pag sama ha"

" wala yun:)" paano ko ba toh sisimulan?

" teka ikukuha kita ng inumin"

" sandali lang!"

" bakit? May iba ka pa bang ipapabili?" Hoo..sigeh ...sasabihin ko na..

" keith?"

" jamie,..pwede mo bang layuan si jin para saakin?"

My Angel [ ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon