Jamie's POV
" tama kaya ang mga naging desisyon ko ngayong araw na toh?"
Flashback
" gusto kong layuan mo sya" biglang sabi ni keith kay jamie, hindi kaagad nakapagsalita si jamie dahil sa sinabi ni keith sakanya, hinawakan nya ang kamay nito saka tumingin ng diretso kay keith " jamie..gusto ko si jin, at sa nakikita ko,..may gusto sya sayo"
" i..imposible na magkagusto saakin si jin, sa nakikita ko kasi iba ang tipo nya ng babae" napangiti si keith at niyakap si jamie " wag kang mag alala..lalayuan ko sya para sayo"
" salamat jamie"
Hayyyy.....bakit ko pa ba iniisip yun? Syempre tama ang ginawa ko, kaibigan ko si keith,..ayoko naman na ituring nya akong kaaway ng dahil lang sa lalaking yun, saka hindi ko naman gusto ang jin na yun, masungit sya at ang cold sa ibang tao, ni wala pa nga ata syang nagiging ka close sa university eh
" angganda nitong kwintas na ibinigay nya" isang angel necklace,.. Ito ang isinuot ko kasi sabi nya ito ang tanda ng pagkakaibigan namin,..pero hindi ko padin naman itinapon yung bigay saakin ng nauna kong kaibigan, itinago ko yun, sa may bag ko, gusto ko kasi, kahit na hindi ko na sya nasusuot,..dala dala ko padin sya kahit saan ako magpunta
Kahit kasi napakaimposible na naming magkita...ayaw ko namang bitawan ang pangako ko na aalagaan ko ang kwintas nya...
" bakit ba palagi silang ganun saakin?!"
* ayaw kong pumunta ng america*
* bakit? Ikaw lang ang nag iisang tagapag mana ng mga negosyo natin jin!*
* bakit ako?! Edi hanapin nyo nalang ang tunay nyong anak at sya ang kulitin nyo!*
" nakakainis!" Habang naglalakad si jin ay umupo sya sa isang bench na malapit lang sa park, kumuha sya ng isang chewing gum at isinubo iyon,ng iginala nya ang kanyang mata sa paligid ay may nahagip syang kilalang tao
" jamie?"
" bakit kaya naisipan ni mama na kumain ng mansana ngayong gabi?" Hayyy..napalabas pa tuloy ako ng wala sa oras, kagagaling ko sa palengke at naglalakad ako ngayon pabalik sa bahay, medyo malamig ang simoy ng hangin, wala pa naman akong dalang jacket:(
" hoy!" A..anong ginagawa nya dito?! Teka! Lalayuan ko sya! Lalayuan ko sya! Tutupad ako sa pangako ko kay keith!
" anong ginaga...hoy! Jamie! Tsk..bakit ba sya tumakbo? "
Tama lang yung ginawa ko..tumakbo ako palayo sakanya,..pero..baka magalit sya sa ginawa ko..hay!!! Jamie! Wag mo na ngang isipin yun! Ano naman kung magalit sya?! Wala na akong magiging problema doon! Pero..saan na bang eskenita tong napuntahan ko?!
" wag kang gagalaw..ibigay mo nalang ang pera mo para hindi ka masaktan" ...ti..tinutukan nya ako ng kutsilyo sa tagiliran...a..anong gagawin ko?! Katapusan ko na ba?!
" si..sir..wa..wala po akong pera, hindi po ako mayaman"
" kung ganun, yang kwintas nalang" hala! Ayoko! Wag yung kwintas ko!
" ayoko! Wag toh !"
" aba! Nagmamatigas ka ha!"
" HOY! AKO ANG HARAPIN MO!" Bumulagta sa tabi ko ang lalaki na nanghoholdap saakin kanina..binugbog sya ni...jin? Paano nya ako nahabol dito
" ok ka lang? Bakit ka ba kasi tumakbo ha?" Tsk..bakit ba ang manhid mo? Hindi mo manlang maramdaman na may gusto sayo si keith!
" wag mo nga akong titigan ng ganyan! Ikaw na nga tong tinulungan, ikaw pa tong galit!" Tsk! Bakit?! Sinabi ko ba na tulungan nya ako?!
" ok,..salamat, sigeh na uuwi na ako" te..teka.. Ba..bakit hindi ko maigalaw yung binti ko?!..
" masakit ba binti mo?"
" hi..hindi.. Dala lang siguro ng takot kaya ayaw gumalaw" bakit ba kasi ngayon ka pa nawalan ng lakas?!...
" sakay na"
" ha? Ano bang ginagawa mo?"
" babakayin na kita pauwi sainyo"
Kakainis! Ayaw ko sanang sumakay pero..wala eh, wala ng ibang paraan para makauwi ako, habang bakay nya ako sa likod nya, wala syang imik, naglalakad lang sya na parang walang kasama, hanggang sa makauwi ako saamin, walang nagsasalita saaming dalawa,.pero nagpasalamat ako sakanya bago sya makaalis, ipinahinga ko saglit ang mga binti ko para bumalik ulit ang lakas nito, pero..yung nangyari kanina..
Bigla kong naalala si james..
BINABASA MO ANG
My Angel [ ON GOING]
Fiksi RemajaIsang simple student, nakipagsapalaran silang dalawa ng nanay nya sa manila para lang makapag aral ng college ang nagiisang anak na si jamie, half korean, half pilipina. Kahit na mahirap sila ay nagtyatyaga syang mag aral para sa kinabukasan nya at...