Chapter 10

2 0 0
                                    

Jin's POV

" goodmorning:)" bakit ba palagi nya akong binabati ng goodmorning? Naiinis ako eh," same" maikli kong sagot sakanya, nakita kong nanahimik sya at nahalata nyang medyo mainit ang ulo ko kaya naman hindi na nya ako kinulit, hindi pa nagsisimula ang klase kaya naman medyo magulo pa dito sa loob ng room " Jamie!:) goodmorning" tsk, anlakas ng boses nya, napalingon ako at nakita ko si jamie na tila namumutla, anong nangyari sakanya?

" Jamie? Ok ka lang? Bakit ganyan itsura mo?"

" ewan ko nga eh, pero ok lang ako, mamaya wala na toh" ngumiti sya pero halata naman fake, bakit ba hindi nakakahalata itong si keith?! Tinitigan ko sya ng maigi, pale talaga ang mukha nya at ang labi nya, halos wala ng kulay, ng bigla syang tumingin sa direksyon ko ay bigla akong tumingin wari sa bintana, muntik na ako doon

Nagbago ang adviser namin kaya naman iniba din ang sitting arrangement namin, nalayo ako sakanila ni keith, nasa first row ako sa kaliwa, habang sila naman ay nasa dulo sa may kaliwa, kaya naman natatanaw ko sila. Habang nagkaklase kami ay nakikita ko syang papikit pikit habang nag didiscuss ang teacher, yung totoo? Nakakaantok lang ba yung subject oh totally inaantok talaga sya? " Mister Jin!"

" yes ma'am?"

" answer this equation" hayyy, ayan nahuli ata akong hindi nakikinig kaya pinasagot ako sa board, nakasagot naman ako kaagad, ng papaupo na ako ay nakita kong napatingin sya saakin,..bakit ganun sya makatingin? Parang may ibig sabihin?. " jin:)tara sa cafeteria" pag aaya saakin ni keith, napatingin saamin ang mga kaklase namin, hindi pa kasi nila alam na kami na ni Keith, simula ng malaman kong sya yung hinahanap kong first love, eh ayoko ng malayo sya saakin ulit

" ok" hinila nya ako at huminto kami sa tapat ni jamie

" oh, jamie! Sabay ka na saamin ni jin:)" napatingin sya saakin at inilipat ang tingin kay keith, nag aalangan pa sya kung anong isasagot nya " ahm..ka.kasi "

" hay nako jamie, sama ka nalang kasi" mabilis nyang hinila si jamie palabas ng classroom papunta ng canteen, habang ako nakasunod sakanilang dalawa, ng makadating kami sa cafeteria ay agad kaming kumuha ng pagkain, nakita ko na si keith ang nagbayad ng pagkain ni Keith, todo tanggi sya pero wala syang nagawa dahil sa kakulitan ni keith, habang kumakain kami ay halos si Keith lang ang nag iingay sa table, ako, nakikinig lang at sumasang ayon sa mga sinasabi nya, habang si jamie ay tahimik lang na kumakain " hey! Andito ka lang pala:)" tsk,..ito nanamang si Clarence, hindi ko alam pero bakit ang init ng dugo ko kay Clarence?! Kapag nakikita ko sya, nag iinit ang dugo ko

" eto oh, kumain ka nga ng gulay, ang putla mo nanaman" aba, ang sweet ha, sila ba talaga? Hindi kasi ako makapaniwala na magiging sila ni jamie, disenteng babae si jamie habang si Clarence? Ewan! Patapon ang buhay! Unang pasok ko palang dito, ayaw ko na ang awra nya, hindi naman tumanggi si jamie at kinain ang ibinigay ni Clarence,, etong si Keith, nainggit ata at binigyan din ako ng gulay sa plato ko, nginitian ko naman sya at to be honest, mabait naman si Keith, nakakaalow pero minsan , OA

" jamie?" Biglang sabi naman ni Clarence, may masakit ba sakanya? Napayuko sya at napapikit, may hinahawakan sya sa tagiliran nya, si Clarence naman, todo alalay sakanya, " ok lang ako, aalis lang ako saglit" halata namang may masakit sakanya eh, nakita ko ang mga titig ni Clarence, halatang may gusto sya kay jamie, hindi pa man ito nakakalayo ay bigla na itong tila nawalan ng lakas, akma na akong tatayo pero, nauna ng tumayo at pumunta sakanya si Clarence,,..inalalayan nya itong tumayo at inakay na din palabas ng cafeteria " palaging ganun si jamie, tinatanong ko naman kung may sakit sya sabi nya naman wala" mukha talaga syang may sakit, kagaya ng sinabi ni Keith, alalang alala din si Keith, kaya naman hinawakan ko ang kamay nya at nginitian sya

..sana ok lang sya..-jin

My Angel [ ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon