Chapter 11

6 0 1
                                    

Clarence POV

" doon ka na sa room, ok na ako dito" tsk, ok daw eh sabi ng nurse masyado na mababa yung dugo nya! Kaya pala halos mahimatay na sya eh " wag kang makulit dyan, saka ayokong pumasok" umupo ako doon sa kabilang kama na halos tapat lang ng sakanya,kinuha ko yung unan saka ako humiga " bakit antigas ng ulo mo?" Grabe sya! Sya nga yung matigas ang ulo eh! " alam mo, ayaw lang kasi kitang iwan dito ng mag isa, baka mamaya kung anong mangyari sayo" hindi ko alam kung anong reaksyon nya ng sabihin ko yun, hindi ko kasi sya tinignan

" salamat ha" napatingin ako bigla sakanya at nakita ko ang matamis nyang ngiti:) nakita ko na nasinagan din ng araw ang buhok nyang straight at bouncy kaya naman mas lalo akong napahanga sa simpleng kagandahan nya:) " tsk, teka, sumakay ka talaga sa pakulo ko nung nakaraang araw ah:) ng sinabi ko na girlfriend kita" sa pagkakataong ito, umupo na ako at tinignan kung anong sasabihin nya, may gusto na kaya sya saakin? I wish na yun ang dahilan kasi ako, gusto ko na sya " hindi ko din alam" ayy..ano ba yan, wala lang pala sya sa sarili nya kaya nya nasabi yun " eh ikaw? Bakit mo sinabi na girlfriend mo ako?" Ano kayang isasagot ko sakanya?..yung totoo ba? O magpapanggap ako?..ilang minuto din akong nakatitig sakanya habang nag iisip..ok, sasabihin ko na " kasi yun ang gusto kong magyari" sana ma gets nya yung sinabi ko " ha?" Ano ba yan! Matalino ba talaga sya?! Ang slow ha! Lumipat ako doon sa kama na inuupuan nya  tumabi ako sakanya
" sabi ko gusto kita" ayan, sana naman nakuha nya na, yung reaksyon nya parang biglang bigla sa sinabi ko, bakit? Masama na bang umamin? Tinitigan nya ako at biglang umiwas ng tingin at yumuko

" bakit ako? Madami namang magaganda dyan at mayaman katulad mo" bakit ba isinisingit nya ang estado ko sa buhay, mas gugustuhin ko pa ngang magkaroon ng simpleng buhay kaysa sa ganito eh " basehan ba yun? Sa totoo lang, ayoko sa mga babae na mayayaman, maarte sila at mapagkunwari" sa nakikita ko, mukhang aalma sya sa sinabi ko, naiintindihan ko naman ang dahilan, si keith, mayaman kasi si keith kaya sa tingin ko, salungat kaming dalawa pagdating sa ganung bagay, bigla kong hinawakan ang kamay nya sa tila wala ng dugo, tinignan ko sya ng diretso sa mata

" ikaw ang gusto ko, kung hindi ka pa handa, maghihintay naman ako eh" seryoso ako sakanya, kaya naman ayaw ko ng palampasin toh, ngayon lang ako nagseryoso sa babae, dahil siguro, yung mga naging una kong girlfriend, pera lang ang habol saakin, pero sya, iba sya sa mga yun, may sensiridad sya at may pangarap sa buhay " Pero cla.." Hindi ko na napigilan ang sarili ko, bago pa man nya matapos ang sasabihin nya ay binigyan ko na sya ng isang halik,hindi ko yun maitigil dahil sa nararamdaman ko, nagulat ako ng hawakan nya ako sa may batok ko at suklian ang halik ko sakanya, wala na akong pakealam kung may makakita saamin, basta ang alam ko, mahal ko sya, hindi ko hahayaan na may magpaiyak ulit sakanya

Sya ang unang kumalas sa halik naming dalawa na tumagal ng halos limang minuto, nakita ko sakanya ang pagkabigla " pero Clarence... si Jin ang gusto ko" ng sabihin nya yun, bigla akong nanigas,..akala nya ba ako si jin kaya nya rin ako hinalikan ng ganun katagal?..

Bakit? Bakit si jin ang gusto nya at hindi ako?..- Clarence

My Angel [ ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon