" bakit ba ako nagising ng ganito kaaga?. 5 am palang ay" tumayo si jamie at pumunta sa kusina, kumuha sya ng isang baso ng tubig at umupo sa bangko " ano bang araw ngayon?" Napatingin sya sa may kalendaryo at nakita nyang friday na pala, bigla nyang naalala ang sinabi ni jin sakanya
Friday, 7 am at the rooftop
Napayukyok sya sa may lamesa at pumikit
" pupunta ba ako?"
" tsk,..bakit antagal nya?" Mahinang usal ni jin sakanyang sarili habang nakaupo sa may sahig ng rooftop, panay ang tingin nya sa orasan dahil hinihintay nya si jamie " jin" napalingon sya ng biglang may magsalita mula sa likuran nya, nakita nya na hindi si jamie ang babae kaya naman muli syang tumalikod at tinignan muli ang kanyang orasan
" hindi makakapunta si jamie" sabi ni keith habang naglalakad papalapit kay jin, hinawakan nya ito sa may balikat pero agad itong tinanggal ni jin " eh bakit ikaw ang pumunta dito? " malamig na sabi ni jin habang nakatayo at nakatalikod parin sakanya " may gusto lang akong sabihin sayo"
" bilisan mo" malamig na sabi naman ni jin, may kinuha si keith sakanyang bulsa at saka pumunta sa harapan ni jin, ipinakita nya ito kay jin at halatang gulat na gulat ito, samantalang si keith naman ay ngumiti ng malaki
" nahanap din kita...james"
" andoon na kaya sya sa rooftop?" Mahinang sabi ni jamie habang nasa harap na sya ng hagdan papunta sa rooftoop, huminga sya ng malalim saka nya tinahak ang hagdan papunta doon " bakit nya kaya ako pinapapunta doon?" Tanong nya sa sarili hanggang sa makarating sya sa may pintuan ng rooftop
" naalala mo pa ba tong kwintas na toh?" Bigla nalamang syang nakarinig ng boses na pamilyar sakanya, ng binuksan nya ng kaunti ang pinto ay nakita nya si keith habang hawak hawak ang kwintas nya, kausap nito si jin na tila hindi mapagkaintindihan ang mukha " anong pinapagusapan nila?"
" pagkatapos mong ibigay toh saakin, bigla ka nalang hindi nagpakita,..alam mo ba...kung gaano ako kasabik na makita ka ulit?" Sabi naman ni keith habang unti unting niyayakap si jin,..bigla namang napatulala si jamie sa mga narinig nya..bigla syang napaluha at napaupo sa may tabi ng pinto " i..ibig sabihin.."
" im sorry,..kung iniwan kita noon pero..pangako,..ngayong andito ka na, hinding hindi na tayo maghihiwalay" sabi ni jin habang niyakap ng mahigpit si keith, biglang napatayo si jamie at muling tinignan ang dalawa,..nakita nyang umiiyak nadin si jin pati si keith,.. Kumalas si jin sa pagkakayakap kay keith at marahan itong binigyan ng halik na binalik din naman ni keith,.nakita nya ang buong pangyayari,..bigla syang napaiyak at isinarado nya na ang pinto,..napaupo sya sa may hagdan, tulala at tila iniisip lahat ng kanyang mga narinig
" bakit?...bakit ka nagpanggap keith?"
" hayyy,dapat hindi nalang ako pumasom eh! Nakakaboring dito!" Sabi ni Clarence habang palakad lakad sa may garden ng campus, hindi sya pumasok sa dalawa nyang klase, habang naglalakad ay pinapagdiskitahan nya ang mga halamang nadadaanan nya, bigla syang napahinto ng makakita ng isang violet na bulaklak, umupo sya at pumitas ng isa nito
" tsk, ganito yung nakita kong bato sa kwintas nya" sabi nito habang nakangiti at pinapagmasdan ang kulay violet na bulaklak " asaan kaya sya ngayon?" Nagpalingon lingon sya sa paligid habang pinapaikot ikot nya yung bulaklak na pinitas nya, sa di kalayuan ay nakita nya ang kanyang hinahanap, nakaupo ito sa isang bato kung saan nakapaligid ang naggagndahang mga bulaklak
" HOY! MISS!" sigaw ni Clarence habang patakbong lumalapit kay jamie, nawala ang ngiti nya at napahinto ng makitang umiiyak ito, tulala at tila wala sa sarili,..ni hindi din ito lumingon ng tawagin nya ito ng malakas " hoy! Anong mukha yan ha! Wag kang sisibangot dahil lalo kang pumapangit!" Pabirong sabi nya sabay upo sa tabi ni jamie, ngunit hindi padin ito kumibo,kinatitigan nya ang mata nito at nakita nyang halos namamaga ang mga iyon dahil sa sobrang pag iyak, " ano ba, magsalita ka nga, para akong may katabing puno nito eh"
" tama ba na..magpanggap kang ibang tao..para lang makuha mo ang gusto mo?" Napatingin si Clarence ng biglang magsalita si jamie, nakita nya itong tuloy tuloy ang pagluha habang nakatingin padin sa kawalan,. " dapat kasi ako yun eh..ako yung andoon at hindi sya, pero hindi ko sya kayang awayin dahil importante din sya saakin" sa pagkakataong iyon ay humagugol na ng iyak si jamie, habang si Clarence ay tila hindi alam ang gagawin para patahanin ito,..hinawakan ni Clarence ang balikat ni jamie at inihilig nya ang ulo nito para maisandal sakanyang balikat
" wag ka ng umiyak..tama na yan" sabi ni Clarence habang tinatapik tapik ang balikat ni jamie para gumaan ang pakiramdam nito, hinalikan ni Clarence si jamie sa kanyang ulo at ikinalang nya ang kanyang baba dito
Bakit ba kapag umiiyak ka..naapektuhan ako?..-Clarence

BINABASA MO ANG
My Angel [ ON GOING]
Teen FictionIsang simple student, nakipagsapalaran silang dalawa ng nanay nya sa manila para lang makapag aral ng college ang nagiisang anak na si jamie, half korean, half pilipina. Kahit na mahirap sila ay nagtyatyaga syang mag aral para sa kinabukasan nya at...