Chapter 12

1 0 0
                                    

" Jamie, eto na nga pala yung kwintas mo oh, wala akong makitang kaparehas na design kaya nagpagawa nalang ako:)" sabi ni keith habang nasa cafeteria silang dalawa, hindi na nagpalibre si jamie dahil binigyan naman na sya ng pera ng mama nya, sahod kasi nito sa factory pero alam ni jamie na kulang na kulang parin ang kinikita ng ina kaya naman hindi na nya sinasabi na masyadong mahal ang bilihan sa cafeteria nila  " ok" mahinang sabi ni jamie, akma ng isusubo ni jamie ang tinapay na kanyang kinakain ng bigla syang akbayan ni Clarence

" uy! Mag date tayo:)" biglang napatingin si Keith sakanilang dalawa, samantala si jamie naman ay nanlaki ang mga mata habang si Clarence at tila abot tenga ang ngiti " hoy! Clarence! Wag ka ngang bastos! Kumakain kami eh! Saka anong date sinasabi mo dyan?! May klase pa kami!" Masungit na bulyaw sakanya ni keith, pero nginitian lang sya nito " sinabi ko bang ngayon? Wag ka ngang sumabat, hindi ikaw ang kinakausap eh, inggit ka lang kasi mag dadate kami bukas, eh kayo ni jin hindi hahaha" pang aasar pa nito, kaya naman itong si keith ay kinuha ang kutsara saka ibinato kay Clarence

" may date din kami bukas noh!"

" oo, may date kami bukas " biglang dumating si jin, na syang ikinatingin ni jamie, nakita iyon ni Clarence kaya inalis nya ang kanyang braso sa balikat ni jamie at inilipat iyon sa bewang, napatingin si jamie kay Clarence at nginitian ito. Umupo si jin sa tabi ni Keith, agad na hinawakan ni keith si jin sa kamay " keith, pwede ka ba bukas?"

" oo naman:) teka, may naisip ako, Clarence diba may date kayo bukas? Mag double date nalang tayo para masaya!:) diba jin?"

" oo sigeh, payag ako"

" oh paano ba yan, pumayag na si jin, eh kayo?" Nagtinginan sina Clarence at jamie, nag usap sila gamit lamang ang kanilang mga mata, ng makita nyang kinakabahan si jamie ay hinawakan ni Clarence ng mahigpit ang kamay nito saka ngumiti " sigeh, payag kami" mahinahong sabi ni jamie, nagkasundo na ang apat na magkakaroon sila ng double date kinabukasan

Pagkatapos ng klase ay agad na umuwi si keith, habang si jamie ay muling nagpaiwan dahil may kailangan pa daw syang gawin sa may music room kung saan  ing assign sya na maglinis ng kanilang teacher, habang papunta sa may music room ay biglang may nanghatak sakanya papunta sa isang madilim na sulok " ako toh, wag kang mag alala" napasandal sya sa pader ng makita kung sino ang biglang nanghatak sakanya " jin?" Hinawakan sya nito sa magkabilang balikat, at lumapit muli sakanya " totoo ba ang relasyon nyo ni Clarence?" Nabigla si jamie sa tanong ni jin kaya naman, bigla syang napaiwas ng tingin dito " please, sagutin mo yung tanong ko" pakikiusap ni jin, tumingin si jamie sakanya ng mata sa mata " oo, kayo ba ni Keith? Totoo ba ang relasyon nyo?" Ang mahigpit na hawak ni jin sa makabilang balikat ni jamie ay unti unting kumalas " oo" mahinang sabi ni jin, umatras sya ng kaunti palayo kay jamie " wag mo syang sasaktan, dahil kapag ginawa mo yun" napahinto sa pagsasalita si jamie dahil ramdam nya na mat kaunti ng luha ang dumaloy sakanyang mga pisngi " hindi kita mapapatawad" ng makita ni jin na umiiya na si jamie ay pinunasan nya ang pisngi nito at ngumiti

" wag kang mag alala, hindi ko sya sasaktan, saka, ikaw dapat maging masaya ka kay Clarence" pagtango lang ang isinagot ni jamie at saka ngumiti din " may gagawin ka pa ba? Hapon na"

" oo eh, pinapaglinis pa ako sa music room"

" tulungan na kita, baka kasi gabihin ka pa sa daan"

" nako wag na, mauna ka na, ako nalang maglilinis"

" wag ka ng umangal, kaibigan ka ng girlfriend ko kaya kaibigan na din kita"

Ng sabihin iyon ni jin ay hindi na umangal pa si jamie, tinulungan sya nitong maglinis kaya naman maaga silang nayari, pagkayari nilang maglinis ay agad na silang umalis ng campus, agad naman syang inihatid ni jin sakanilang bahay, " salamat sa paghatid "

" wala yun, sigeh aalis na ako"

" sigeh, ingat" hindi pumasok ng bahay nila si jamie hanggat hindi nya nakikitang tuluyan ng nakaalis ang kotse ni jin, ng makapasok na sya sa kanilang bahay ay nakita nya ang mama nya na nag aayos na ng makakain nila, kaya naman bago sya magbihis ay kumain muna silang dalawa, nagpaalam nadin sya na aalis kinabukasan kasama ang mga kaibigan, hindi nya pa sinasabi sa mama nya na sila na ni Clarence, matapos kumain ay agad syang pumasok sa kwarto nya para magbihis bago maghugas ng mga pinggan, bigla syang natigilan ng kinapa nya ang kanyang bulsa, kinalkal nya ang kanyang bag pero hindi nya ito makita,

" nasaan yung kwintas ko?!"...

My Angel [ ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon