Jamie's POV
" Goodmorning Jamie!:)" kung ganito ka gandang bati ang sasalubong saakin araw araw sa school, eh magiging maganda ang araw ko, bakit kaya parang napakasaya ni keith ngayon? May nangyari kaya?
" oh? Bakit parang nakakita ka ng multo dyan? Angganda ko kaya ngayon oh:)" haha araw araw naman syang maganda eh
" alam ko naman eh, pero bakit ba napakasaya mo ngayon?" Imbis na sagutin ang tanong ko eh hinila nya ako papunta sa may locker's area ng school, ano bang meron? Ng makarating kami bumungad saakin ang locker nya na...teka..pinaayos nya ba toh? Iba na yung design, BTS, hayyy adik sya sa BTS ha
" angganda diba? Haha pinaayos ko yan kay dad:) kadadating nya kasi galing america kaya naman andami nyang dala na items ng BTS:)" hayy sarap talaga kapag mayaman ka..andami mong makukuha:) pero magiging mayaman din naman ako eh, hindi pa nga lang ngayon
After nyang ipakita saakin yun ay bumalik na kami sa room, napansin ko lang,..wala si jin sa klase ngayon, teka! Bakit ko ba yun napansin?! Hay! Focus ka nalang sa pag aaral jamie para maging mayaman ka din katulad ni keith! " jamie? Hindi ka ba kakain?" Sa sobrang pag iisip, hindi ko namalayan na lunch na pala, kaya lang kahit na mamalayan ko eh wala naman akong pera ngayon eh
" ahmm hindi eh, wala pa kasi akong pera" bakit ko ba sinabi sakanya yun?.nakakahiya tuloy
" ano ka ba, edi ililibre kita:) ayoko namang magutom ang bessy ko:) tara na" bakit ba anghilig nyang manghatak? Pero thankful ako at may kaibigan akong mayaman:) pero hindi ako namemera ha, ang ibig ko lang sabihin, in case ng mga ganitong sitwasyon, may makakatulong saakin
Pagdating namin sa cafeteria, kumuha kami ng pagkain at umupo na sa isang table, habang kumakain kaming dalawa, etong si keith, hindi mapigilang hindi magkwento about sa BTS, saka syempre, sa crush nyang si jin, nararamdaman kong talagang gusto nya yung lalaki na yun...sa nangyari kagabi..masasabi kong ok naman pala sya, minsan lang sya may topak
" ANO BANG GUSTO MONG MANGYARI HA!"
" TUMAHIMIK KANG GAGO KA! SA TINGIN MO HINDI KO ALAM NA KAYO NA NG GIRLFRIEND KO?! WAG MO AKONG GAGUHIN!"
Hala..anong meron? Napatayo ang lahat ng nasa cafeteria ng biglang may mag away sa na dalawang lalaki, actually nagsusuntukan na sila..ng dahil lang sa babae?..tsk, yung isa gigil na gigil habang sinusuntok yung lalaking kaaway nya, hanggang sa dumating ang security guard ng school, pero walang use, kahit na nandoon na ang guard eh ayaw mag paawat nung lalaki, teka...baka yung gagawin ko umepekto
" HOY!" Napalingon sila ng bigla kong batuhin yung lalaki na walang awat sa pag suntok sa kaaway nya kahit na nakahiga na itoh, mukhang umepekto, tumigil sya eh " ANO BA?!" Hala..nakakatakot naman toh! Bakit? Mas masakit pa nga yung suntok kaysa sa ginawa ko sakanta eh!
Tumingin sya saakin na para bang manlalapa na ng buhay, ibinagsak nya yung lalaking halos lantang gulay na saka mabilis na naglakad papunta sa harapan ko, napalunok ako bigla...bakit ako natatakot sakanya?!
" bakit mo ako binato ng tinidor ha.." Mahina yung boses nya pero ramdam ko yung pagdidiin ng mga salita nya...lumayo ako ng konti kas sobrang lapit nya" ka..kasi ayaw mong magpaawat eh! Saka bugbog sarado na yang kaaway mo oh! Pati yung dalawang guard nahihirapan kang pigilan kaya.."
" kaya mo ako binato sa ulo?" Napatingin ako bigla sa natamaan ko nung tinidor..hala! Dumudugo! ..pa..patay ako nito..anong gagawin ko ngayon?.. " sumama ka saakin, gamutin mo tong ginawa mong sugat!" Bigla nya akong hinila palabas ng cafeteria,.. Nakakahiya! Nakatingin silan lahat saamin! Ano bang kaltok meron tong lalaki na toh?! Ng makadating kami sa clinic ay kumuha lang sya ng medicine kit tapos hinila nya ulit ako kung saan, hala! Saan kami pupunta?! Kaasar naman oh!
" hoy! Ano ba? Saan ba tayo pupunta?! Andoon ang clinic oh! "
" just shut up! Kung hindi ikaw ang susuntukin ko!" Ayoko na ngang magsalita..,mukha kasing tototohanin nya yung sinabi nya eh,..hindi na nga ako maganda mababasag pa mukha ko.., ng matapos akong kaladkarin ng lalaking toh, pumasok kami sa science laboratory room, kumuha sya ng dalawang bangko saka nya ibinigay saakin yung medicine kit
" oh! Simulan mo ng gamutin ako" tsk! Kakainis, dapat pala hindi ko nalang sya pinahinto! Dapat pinabayaan k nalang syang magwala doon ng parang ulol na aso!

BINABASA MO ANG
My Angel [ ON GOING]
Teen FictionIsang simple student, nakipagsapalaran silang dalawa ng nanay nya sa manila para lang makapag aral ng college ang nagiisang anak na si jamie, half korean, half pilipina. Kahit na mahirap sila ay nagtyatyaga syang mag aral para sa kinabukasan nya at...