Secret Affair

603 10 1
                                    

Prologue

Nagising ako dahil sa malakas na ingay sa labas. Binuklat ko ang mga mata ko at napansing wala ng ilaw. Teka bakit madilim? Brown out? Bigla akong kinilabutan. Huhu mama ayoko sa dilim.

Tumayo ako at nagmadaling lumabas. Nasaan na ba ang mga tao? At kung minamalas ka nga naman umuulan pa. Napatalon ako sa gulat ng may marinig akong ingay sa likuran ko. Hindi ako makagalaw. Diyos ko po Loooord patawad, pagkat ako'y makasalanan, makasalanang nilala-"Ay patawad!"

Halos himatayin na ako sa takot dahil may naramadaman akong kamay na humawak sa likod ko. Oh no! Ito na ba ang fridyeder? Pero saan galing eh wala namang refrigerator sa library?

"Hey." Hey? Kailan pa naging hey ang pangalan ko?

"Kuya wag po. Cup 19 lang po ako. Hindi ako masarap at hindi ka din mag-eenjoy. Kung gusto mo irereto nalang kita sa aso-este kapitbahay namin."

Pagmamakaawa ko. Sinubukan kong lumingon pero hindi ko makita ang mukha ng lalaki dahil madilim.

"Are you on drugs?" Narinig kong tanong ng lalaki. Lumayo siya at naglakad. Hanggang sa nagliwanag ang paligid. Hindi ko alam kung dahil sa ilaw o dahil sa lalaking kaharap ko.

My goodness. Nasa heaven na ba ako? Kailan pa nagkaroon ng anghel sa lupa?

"You better go home miss. All the people already left. There's a typhoon coming." Hindi ako nakasagot agad. Syete, boses palang yummy na. "Hey. Are you deaf or just plain stupid? Do you want me to translate it in tagalog? Ang sabi ko umuwi ka na, tanga."

Wow lang ha? Kung maka-tanga si kuya.

"Excuse me sir. Can you mind your own business? FYI, I'm waiting for someone." Mataray na sagot ko. Ngumisi naman ang loko.

"Talaga? May hinihintay din ako. Dito nalang ako hanggang sa dumating ang hinihintay natin." Sumandal pa siya sa pader. Oh nose, paano ko makakauwi nito eh wala naman talaga akong hinihintay? huhu. Umalis ka na please para makauwi na din ako.

Nakaupo na ako ngayon sa sahig at napatingin naman ako sa aking relo. Almost thirty minutes na pala ang nakalipas. At hanggang ngayon kasama ko parin tong lalaki. Tuloy parin ang buhos ng ulan sa labas.

Naramdaman ko ang pagtayo ng lalaki at may inilabas sa kanyang bag. Nagtaka ako ng inabot niya ito sa akin.

"Aanhin ko yan?" Taas kilay kong sabi.

"Try mong kainin, mabubusog ka." Pilosopong sagot nito at saka inihagis sa akin. Muntik pang tamaan ang mukha ko, mabuti nalang magaling akong sumalo kundi patay siya sakin.

"Gamitin mo kung sakaling hindi dumating yung kasama mo."

Sabay suot nito ng hood sa kanyang ulo at sinuong ang ulan sa labas. Ayun naman pala,may kabutihan din palang taglay si Kuya.

Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon