Kanina pa ko paikot-ikot dito sa kama ko. Hindi ko alam kung natatae ba ko o talagang hindi maabsorb ng katiting kong utak ang sinabi ng kapatid ni Jacob. Malay natin may lihim din palang pagtingin o crush yung Yummy na yun sakin. And besides yummy rin naman ako!
"Mandy, anak. Okay kalang ba? Para kang sinapian ng masamang espiritu sa itsura mong yan ha?" Saad ni Mama na kakapasok lang sa kwarto.
"Hindi ako si Mandy. Ako si Sandy. Yung Squirrel friend ni Spongebob." Akmang lalapit ako sakanya ng tumakbo siya palabas. Sinapian pala ha. Haha. Maya maya rin ay bumalik rin naman ito.
"Mahiwagang malunggay, paalisin niyo ang masamang espiritu na pumasok sa katawan ng Anak ko! Lubayan niyo siya!" Sabi nito habang winawagayway pa ang malunggay sa harapan ko.
"Ma. Okay na. Si Mandy na to." lang brain cells lang kaya mayroon ang Nanay ko Mapacheck-up nga sa Neurologist.
"Buti naman. So, kumusta ang bagong kapitbahay natin?" Sabe niya sakin.
"Parang Coco Martin. Ang yummy Mama!" Sabay yugyug ko sa balikat niya. E sa kinakilig ako!
"Talaga? O edi, ibigay mo number ko! Ano ba siya smart o globe?" Tingnan mo nga naman may pinagmanahan din pala ang kalandiang taglay ko. Pambihira.
"Sorry Ma. Taken na siya. So back off and flirt another neighbor. Okay?" Aray! Kung makabatok naman tong si Mama! Walang awa!
"Tumayo ka na diyan at kumain na tayo. Gutom lang yan Mandy." O come on! Ba't ang sama sama ng Nanay ko sakin?
Pasalamat nalang ako ng gisingin ako ng matalino kong Nanay kundi malelate ako sa first class ko. Palibhasa'y nakalimutan kong mag-alarm kagabi. Papara na sana ako ng Trycicle ng makasulubong ko si Caleb.
"Goodmorning Amanda. Papasok ka na ba?" Wika nito na may nakakalokong ngiti sa kanyang labi. Napatango lang ako sa kaweirduhan niya.
"Gusto mo sumabay?" Turo nito sa nakapark na kotse sa labas.
"Caleb, bilisan mo na. Mahuhuli kana." Pagbubusina ni Jacob ng sasakyan. Bumaba nga ito ng sasakyam at kunot noong naglakad papunta sa amin.
"Sasabay daw si Amanda satin, brother." Hila sakin ni Caleb papunta sa kotse. Pero bago pa kami makapasok sa loob ay may humila na ng braso ko pabalik.
"She's taking the seat beside me, Caleb." Bukas nito ng pinto sa unahan. Pailing iling na Lang na pumasok sa likod si Caleb. Naramdaman ko nalang na may naupo na sa tabi ko.
"May dumi ba ko sa mukha?" Tanong ko kay Jacob na seryosong nakatingin sa akin. Nagulat ako ng dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Don't tell me my goodmorning kiss ako? Sige, gusto ko yan!
"Safety first, Amanda." Napasimangot nalang ako sa sinabi niya. Akala ko pa naman makakalandi points na ko, ikakabit lang pala yung seatbelt sa gilid ko. Paasa talaga tong si Jacob o!
"Ayos kalang Mandy? Kanina ka pa wala sa sarili mo ha!" Untag sakin ni Kia matapos ang first period ng klase namin. Sino ba namang malandi ang hindi kikiligin sa paghatid ng guro at future boyfriend slash husband niya sa school?
"Girls, Paano niyo ba masasabing crush ka rin ng taong crush mo?" Tanong ko sa lima. Buti naman at kumpleto kami ngayon. Mukhang behave na tong si Chea at hindi na napapatawag sa Detention Room.
"Sus! Asa mo pa Mandy!" Pagbabara nitong si Erith. Ang taray talaga ng babaeng to!
"Nagtatanong nga diba?" Kung mataray siya, aba mas mataray ako!
"Kapag nahuli mo siyang nakatingin sayo." Simpleng sagot ni Jess. Ilang beses ko na rin nahuling nakatingin or I may say nakatitig sa akin si Jacob.
"Kapag iba ang trato niya sa ibang babae kesa sayo." Dagdag pa ni Sid.
"Kapag may nararamdaman siyang hiya o kaba sayo." Aniya pa ni Kia. Napaisip naman ako kinakabahan ba si Jacob kapag kausap o kasama niya ko? Parang ako lang naman ata ang ganun e!
"Wow pag dating sa ganitong love-talk-thingy, ang dami niyong alam. Pero pag sa recitation, nga-nga." Nagtawanan naman kami sa sinabi ni Chea. Maya-maya ay dumating na nga si Sir Jacob. Inumpisahan na rin niya ang unang topic namin sa Zoology.
"Can someone differentiate the animals from plants?" Awtomatikong naman napataas ang kamay ko.
"Yes, Ms. Lopez?" Pano ko ba to sasagutin?
"Uhm, yung animals may brain...yung mga plants brainless?" Nagtawanan naman ang buong klase sa naging sagot ko.
"Okay class her answer is correct. Stop making fun of her." Sermon niya sa mga kaklase ko. Buti nga yan sakanila. Binelatan ko rin si Kia na panay tawa. Mapasukan sana yang bibig niya ng langaw! Kaasar.
Natapos ang araw ko na puro tukso ang nakuha sa mga kaklase ko. Atleast ako nagrerecite, sila nakaupo lang at nakatunganga. Mas lamang parin ako sakanila no!
"Nagpapaimpress ka ba kay Sir Jacob, Mandy?" Out of the blueng tanong ni Jess na kasabay kong naglalakad pauwi. Sus, gusto lang naman nitong madaanan ang bahay ni Caleb e!
"Hindi ha!" Depensa ko sakanya.
"Talaga? Eh ba't namumula ka?" Hanggang dito ba naman tukso parin ang aabutin ko?
"Ito lang ang maipapayo ko sayo Mandy. Never expect and never assume. Just let it be. If it's meant to be, it will happen..." Hays! Buti pa tong si Jess ang galing mag-english.
Tama siya. Ineexpect ko ngang magkatuluyan kami ni Jacob. Inaassume ko ngang crush rin niya ko. Pero hanggang dun lang naman siguro ako diba?
"Mandy! Anak." Yakap sakin ni Mama pagkarating ko sa bahay. Napatalon nalang ako sa gulat ng makita kong nasa sala na pala namin si Sir Jacob.
"Hindi mo naman sinabing teacher mo pala tong kapitbahay natin, Mandy!" Kinikilig na sabi ni Mama.
"Ah. Opo. Hello Sir Jacob!" Kaway ko sakanya.
"Hindi mo naman kailangan maging pormal Amanda, outside the campus naman tayo. Just be yourself. Anyways, pumunta lang naman ako dito para ibalik tong tupperware na dinala mo kahapon. Nagpasalamat na din ako sa Nanay mo. Ang sarap niya kasing magluto..." Nakita ko naman ang pamumula ng pisngi ng Nanay ko. Landi lang te!
"Uhm. Mukhang nakakaabala na siguro ako. Mauna na po ako Mrs. Lopez." Paalam nito. At dahil malandi ako ay hinatid ko siya palabas.
"May nakakalimutan ka ata, Amanda." Nakakalimutan? Hindi ko naman ata nakalimutan na mahal ko siya. Syeah. Pumipick-up line si Malandificent!
"Bakit yummy, este Jacob, may assignment ba tayo?" Kunot noo kong tanong sakanya. Wala naman akong natatandaan na nagbigay siyang Assignment e! Nagpepay-attention naman ako palagi sakanya. I'm so bright kaya.
"Not that Amanda. You oath me to help cleaning and renovating my house. Remember?" Saka ko lang napansin na 1/8 inch na pala ang pagitan namin sa isa't-isa. Naamoy ko na rin ang mabango at humahalimuyak niyang hininga.
"Anong flavor ng Listerine ang ginagamit mo?" Napasapo nalang ako sa noo sa sinabi ko.
"I mean, Oo naalala ko na tutulungan nga pala kita! Hehe." Kamot ko sa batok. Next time kailangan ko ng magtake down notes. Kung ano ano nalang kasi ang lumalabas sa bibig ko!
"Okay see you on weekend, Amanda Lopez." Sabay pahabol pa ng matching kindat and flying kiss niya! De joke lang. Sana mag-Sabado na. Excited ng lumandi ang mga osteoblast and osteocyte ko sa katawan e!
~
A/N: Pasensya na po sa short UD. Ito lang po kasi ang nakayanan ng medulla oblongata ni Author. Busy kasi sa pagbabasa ng Fifty Shades. Haha. Anyways, Happy Birthday Jess! :***
