Atlast, simula bukas ay ganap na kong Kolehiyala. New sorroundings, new classmates, new teachers, new admirers, new stalkers, at higit salahat new Kuya Guard. At dahil nga excited ang Lola niyo ay nakapag-advance study na ako. Akalain mo yun, sisiw lang pala yung mga 6 units na Major Subject. Haha! De, joke lang. Naniwala ka naman? BS in Medical Technology pala ang kinuha kong kurso. Siguro ay dahil trip ko lang humawak ng tae, I mean dugo!
"Mandy. Naayos mo na ba yung mga dadalhin mo para bukas? Nasa bag mo na ba yung binili nating notebook? Ballpens? Pinagsama sama mo ba yung lapis at sharpener sa binili nating Pencil Case?" Kahit kailan talaga mas excited pa tong Nanay ko sa akin.
"Ma, College na po ako. Letter C O L L E G E. Coll--." Aray! May mabuti bang Inang nambabatok ng ulo ng kanyang Anak?
"Anong kala mo sakin hindi marunong magispell?!" Kunot noong tanong nito.
"Ma! Ang ibig ko lang sabihin sainyo ay hindi na po ako bata. Hindi elementary school ang papasukan ko. Tertiary school po, Ma." Pagpapaliwanag ko sakanya. Minsan kasi hindi gumagana yung utak niya eh.
"Oo na gets ko na. Huwag mo ng ipamukhang hindi ko alam. Mas matalino ang Ina kesa sa anak. Tatandaan mo yan! Kaya nga Mother knows best." Napailing nalang ako. Labong kausap eh.
Kinaumagahan. Late na ko nagising. At sa aking pagmamadali ay naitulak ko ang mga estudyanteng nakaharang sa aking daan.
"Bitch!" Sambit nung babaeng nakabungguan ko. Masyado naman tong si Ate, aksidenteng nabunggo lang tinatawag na kong Bitch? Ganito ba pag-College?
"Hey, watch your step!" Tiningnan ko naman mula ulo hanggang paa ang babae. Maganda kaso parang may nasesense akong pagka-Brat. Humingi naman ako ng Sorry sakanya.
Tinungo ko na nga ang una kong klase. Buti nalang kamo at hindi ako nalate. Halos hiningal ako dun ha. Kung may elevator lang sana ang University, hindi mapapagod ng ganito ang estudyante.
"Good morning Class. Please take your seat. I would like to inform you that your permanent teacher on your Major Subject was not around. So I, Ms. Laarni, would be your temporary Prof and Adviser for the next 4 weeks. One month to be specific." Hindi ko na pinakinggan ang mga sumunod pa niyang sinabi.
"Miss, May nakaupo na ba dito?" Umiling lang ako bilang tugon sakanya. Ang unfair lang, dapat sa mga estudyanteng lagpas 30 minutes ng late ay hindi na pinapasok.
"Ako nga pala si Jess. Ikaw ano pangalan mo?" Nice, friendly!
"Amanda. You can call me Mandy!" Sabay shake hands ko sakanya. Ang creepy lang dahil malamig ang kamay niya. Hindi kaya patay na to at nabuhay muli? Chos!
Pagkatapos ng klase ay kasabay ko na si Jess pumila sa Canteen. Ewan ko ba kung pano kami agad naging close, basta magaan ang loob ko sakanya. Tapos.
"Ate, pautang naman akong piso? 11 daw kasi yung C2." Ang kapal naman ng bibwit na to. Yan ang tinatawag na FC. Feeling close. Nagulat nalang ako ng inabutan naman to ni Jess ng piso. Uto-uto rin!
Nang makabili na kami ay inilapag na nga namin ang inorder namig pagkain. Infareness nakakagutom maging College Student.
"Miss. Nakalimutan ko nga palang magpasalamat sayo kanina. Salamat dun sa piso ha! Ako nga pala si Kiana!" Masiglang wika nito.
"Ako naman si Jess." Pangiti ngiting sabi nito. Nakitabi na rin sakanya yung nagpakilalang Kiana.
"Hulaan ko apelyido mo," Tukoy nito kay Jess. "Robredo noh? Ikaw si Jessie Robredo di ba?!" Saad nito sabay tawa. Joker rin pala ang bibwit na ito eh!
"Ako huhulaan ko apelyido mo Kiana! Kiana Reeves diba? Haha!" Sabat ko sa usapan nila. Anong akala nila sakin magpapakafeel out of place. No way!
"Nakakatawa yun grabe! Anong name mo?" Sinabi ko nga ang pangalan ko at nagshakehands kami. Wow, unang araw palang may dalawa na kong kaibigan. Mukhang maganda to.
