Tinignan ko siya simula ulo hanggang paa. Naka-soot siya ng board shorts at white t-shirt. Napakagat-labi ako. Whew, konti nalang bakat na ang abs. May tuwalya din na nakasabit sa leeg niya na pinampupunas niya sa buhok niya. Isa lang ang description na sumagi sa utak ko.. Yummyyyy.
"Mandy?"
"Ay Yummy ka! Ano sino nga? Ah ako! O-oo nga ako si Mandy." Natatarantang sagot ko. Gusto ko nang iumpog ang sarili ko sa pader sa sobrang katangahan nang makita ko ang ngisi sa mapupulang labi ni Jacob.
"Kanina pa kita kinakausap. I was saying sorry, galing kasi akong banyo. Ano nga palang ginagawa mo dito?"
"Ha? Ako ah.. ano.. ito. Ipinapabigay ng nanay ko. Niluto niyang pagkain. Ano kasi.. uhm.. kami ang nakatira diyan. Yan oh bahay namin yan." Itinuro ko ang bahay namin. Inilabas naman ni Jacob ang ulo niya mula sa pinto para tignan ang tinuturo ko. Sa sobrang lapit niya, hindi nakaligtas sa akin ang mabango niyang amoy. Napapikit ako. Mmm, fresh na fresh. Humahalimuyak sa bango.
"Mabango?" Narinig kong bulong niya. Agad kong ibinuklat ang mga mata ko. Sa akin na pala siya nakaharap, ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. What the fudgee bar?! Pwede ko ba siyang halikan? Kahit isa lang pleeeease. Patay malisya nalang. Wooh, kaya ko tong pigilan.
"H-ha?" Biglang bumaba ang tingin niya. Nanlaki ang mga mata ko at gusto ko nang igalaw ang mga braso ko upang takpan ang hinaharap ko. Manyak din pala to.
"Sabi ko kung mabango yang pagkain na dala mo." Tumaas ang isang sulok ng labi niya, halatang nagpipigil ng ngiti. Alam kong hindi ako gaanong matalino pero, ganito na ba ko katanga ngayon? Hindi pala boobs ko ang tinitignan niya, yung dala ko.
"A-ah oo. M-masarap ako, este si nanay. I-i mean masarap magluto si nanay. Yun! Yun nga, masarap ang luto ni nanay." Ngumiti ako nang alanganin.
"Dang. I love it when you stammer because of me. Come in." Ano daaaw? Halos hindi ko na marinig ang una niyang sinabi. Pero malakas ang hearing powers ko kaya narinig ko parin. Ngumiti siya sakin bago buksan ng tuluyan ang pinto. Ako? Wala. Nganga. Hindi maka-move on sa sinabi niya. Lumingon siya nang maramdaman sigurong hindi ako sumunod sa kanya. "Are you coming in?"
"O-of course. Of course I'm coming in." Wala sa sariling sambit ko bago ako naglakad papasok. Okay Mandy, relax. Konting english lang yan. Makaka-survive ka.
Inilibot ko ang tingin sa paligid. Marami pang mga webb sa kisame at medyo maalikabok dahil may kalumaan na din ang bahay na ito. Wala pa din masiyadong gamit. May nakita lang akong isang kahoy na sofa sa sala at maraming mga malalaki at maliliit na kahon.
"Sorry about the mess. Busy pa kasi kami ng kapatid ko kaya hindi pa kami nakakapag-ayos." Sabi niya sakin habang iginigilid ang isang kahon na nasa harap.
"Okay lang. Napag-utusan lang talaga ako ni nanay na dumaan dito at dalhin tong pagkain sa inyo." Dinala niya ako sa dining area at nakita kong isang ref lang ang nandoon.
"Sit." Turo niya sa akin sa isang upuan nang makarating kami sa harap ng dining table. Pati ang kahoy na lamesa at upuan luma na. Yung dating nakatira pa yata ng bahay na to ang gumamit nito eh.
Nagulat ako nang imbes sa upuan siya umupo, doon siya sa lamesa at malapit sa akin pumwesto.
"Bakit itong bahay na to ang binili niyo?" Tingin ko habang tinititigan parin ang paligid. Medyo maliit lang ang kusina at sa gilid ng dining area may hagdan paakyat.
"This is the only available house closest to both my work and my brother's school." Sabi niya habang sinusundan ng tingin ang bawat sulok na tinitignan ko sa loob ng bahay niya.