Chapter 7

208 5 0
                                    

A/N:  Hello lovely readers! Sorry po if kakaupdate palang. Busy po ang author sa studies. Pansensya na po. And please do continue reading and voting. xoxo

"What are you two doing?" Nanlalaking mata na tanong ni Jess.

"Hey I got foo--woah!" Napairap naman ako sa reaction ni Caleb. Ang OA lang. "Can't you people at least get a room?"

Dali dali naman akong umayos ng tayo at sinuklay ang mala-Rapunzel kong buhok gamit ang aking mga daliri.

"Are you teaching chubchubahah, brother?!" Wika pa ni Caleb. Pakiramdam ko tuloy kasing pula na ng sili ang mala-Dyosa kong mukha. Lalong lalo na kasama pa niya si Jess na animo'y kasing laki na ng tarsier ang mata.

"Is it part of your curriculum, Amanda?" Dagdag pa nito habang linalapag sa kusina ang pagkaing dala nila.

"Stop with the nasty words, Caleb." Go my yummy hubby! Ipagtanggol mo ko sa bastusing batang yan. Love before blood ika nga!

"Whatever bro. Anyways, may kukunin lang ako sa taas. Paki-entertain naman tong bisita ko. By the way, her name is Jess." Sabay talikod nito at pumanhik na pa-kwarto.

"Bakit magkasama kayo?" Chorus namin sa isa't-isa ng makaalis na si Jacob upang ihanda ang mga platong kakainan namin.

"Nanghihiram lang ako ng libro sakanya." Tipid nitong sagot. Sus, kung alam ko lang nagdedate na ang dalawang to. Nakakajelly tuloy. Kami kaya ni Jacob? Kailan kaya kami magdedate? In bangungot nalang siguro.

"Sandali lang nga Mandy, damit ba yan ni Jacob?" Turo niya sa suot ko. Akalain mo yun napansin pa ng bruha.

"Hindi ah. Sa kapatid ko to!" Depensa ko naman sakanya. Uto-uto naman to e, malamang maniniwala yan kaaagad. Bwahahaha!

"At kailan ka pa nagkaroon ng kapatid!?" Ay tangeks! Gamitin din kasi ang isip, Amanda.

"Kapatid sa labas, Jess." Ew. Huwag naman sana yun mangyari.

"Okay, sabi mo e. Pero, if I know Amanda, something's going on between you and Sir Jacob." Ganun na ba kami kahalata? I mean ako lang pala?

"Nice, sandali lang akong nawala, close na kayo kaagad. Ang friendly naman talaga nitong si Babe." Akbay ni Caleb kay Jess. Ano ba talagang meron sa dalawang to?

"Actually Caleb, magkaibigan at magkaklase kami nitong si Mandy." Sabay alis ni Jess sa nakaakabay na braso nitong si Caleb.

"Ooh, small world." Nakangiting sabi pa nito. Ibinigay na rin niya kay Jess ang hinihiram nitong libro.

Matapos nga naming pagsaluhan ang biniling meryenda ni Caleb ay nagpaalam na rin si Jess na umuwi na. Ihahatid naman rin siya ni Caleb. Bale, solo ko nanaman ngayon si yummy hubby!!!

"Jacob, bakit nga pala pagtuturo pa ang naisipan mong profession? Pwede namang nag-chef ka nalang, magaling ka naman magluto, o kaya'y architecture, artistic ka rin naman. Or pwede rin namang model ng brief, sa katawan mo ba namang yan, malamang kikita ka ng bonggang bongga at swak na swak." Pagbabasag ko sa katahimikan na namamagitan sa aming dalawa. Pareho na kasi kaming busy sa pag-rerearrange ng mga appliances nila sa kusina. Konting push na nga lang matatapos na kami.

"Brief?" Bingi lang?

"Brief nga. Ay hindi! Ang sabi ko DAMIT! Ikaw ha nabibingi kana diyan. Hehehe." Maghulos dili ka Amanda. Napaghahalataan na yang kamanyakan mo.

"Hmm, I see." Saad nito na may nakakaloko pang ngiti. Juice colored! Pigilan niyo ko baka may magawa akong hindi kaaya-aya at karumaldumal na krimen sa lalaking ito!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon