Dumating na nga ang araw na kinasasabikan ko. Ngayon ay Sabado na kung saan tutulungan ko si Jacob mag-ayos ng gamit nila sa kanilang bahay. Hindi naman dahil naka-super very maong shorts ako at white tshirt ay ibig sabihin ay nagtitipid ako sa tela. Sadyang mainit lang po talaga ang panahon.
Palusot mo Mandy. Epal din tong konsensya ko e!
Nakadalawa na kong pindot sa buzzer pero wala parin sakin nagbubukas ng pinto ko. Nangangalay na nga ang mapuputi at makinis kong legs dito sa labas.
"Amanda? Ang aga mo naman ata." Bungad sakin ni Jacob na halatang kagigising lang.
"Ayaw mo niyan? Para maaga rin tayong matapos." Pinatuloy na nga niya ako sa loob ng bahay nila.
"Uhm. Maupo ka muna. Maliligo lang ako. Sandali lang to ha." Gusto mo isama mo pa ko e!
Napatango nalang ako sakanya. Naglakad na nga siya pataas kung saan ang kwarto niya. Sayang naman. May banyo naman kasi sila dito sa baba. Dapat dito nalang. Atleast dito paglabas niya ay makikita ko yung 99.99 packs abs niya!
"Tingnan mo nga naman, babae na pala ang nanliligaw ngayon." Wika ni Caleb na kababa lang sa hagdan. Bihis na bihis siya ngayon a. Mukhang may date ang mokong.
"Bakit bawal?" Mataray kong sagot sakanya.
"Hahahah. Ang cute mo talagang asarin Amanda! Anyways, kung hindi mo natatanong ay alas syete palang po ng umaga. Hindi ka naman masyadong excited no?" Tukso pa nito sakin.
"FYI, hindi ako cute. Maganda ako!" Sabay roll eyes ko sakanya.
"Sabi mo e. Sige una na ko." Tumalikod na nga ito at naglakad na palabas ng bahay. Buti naman at lumayas na siya. Masosolo ko na ngayon si Jacob. After 10 minutes ay nakababa na nga ng kwarto ang Prinsepe. He's wearing his normal black T-shirt and boxer. Ha! Kidding. Naka jogging pants naman siya.
"Nagbreakfast ka na ba? Kumain muna tayo." Dirediretsong lakad nito papuntang kusina. Sumunod naman ako sakanya.
"Makita lang kita Jacob, busog na ko." Bulong ko sa sarili ko.
"May sinasabi ka?" Tanong niya habang busyng tumitingin ng pagkain sa Ref.
"Ah! Ang sabi ko gusto ko ng tinapay mo..este yung banana mo, I mean gusto ko ng banana pancake!" Nakita ko naman ang pailing iling nito habang kumuha ng Itlog sa Ref.
"Hindi ka parin nagbabago, Amanda Lopez." Saad nito habang seryosong minimix ang egg at flour sa bowl.
"Anong wala?! Ang dami na kaya! Tumangkad ako, lumaki yung boobs ko, nadagdagan yung---." Napatakip ako sa bibig ng subuan niya ko ng grapes. San galing yun?
"Maupo ka na lang diyan, Amanda. Hindi ako makapagconcentrate sa ginagawa ko." Sabi niya na hindi man lang ako binigyan ng tingin. Napadako naman ang mata ko sa tenga nitong pulang-pula na. Ano kayang nangyari dun?
Pagkatapos namin pagsaluhan ang ginawa niyang napakasarap (halos kasing sarap na yata niya) na Banana pancake ay inumpisahan na nga namin ang paglilinis ng kanyang bahay. Inuna muna namin ang sala sumunod ang kusina.
"Abot mo ba, Amanda?" Tanong ni Jacob habang tinatanggal ko ang mga sapot ng gagamba sa kisame at pader gamit ang broomstick. Magpipintura kasi kami mamaya.
"Oo naman! Ako pa!" Pagmamayabang ko sakanya. Hindi rin naman masyadong mataas ang kisame nila kaya nakaapak lang ako sa wooden chair na binigay niya. Atsaka alam ko na ang kahahantungan nito. Maoout of balance ako, mahuhulog ako, at sasaluhin ako ni Jacob.
Actually, yun talaga ang plano ko kaya nagpresenta akong ako nalang ang gumawa ng task na to.
Nagulat nalang ako ng masyadong mabilis ang pangyayari at nagkatotoo nga ang plano ko. Except dun sa sinalo ako ni Jacob. Huhuhu. Ang sakit tuloy ng balakang ko!