Chapter 3

185 7 0
                                    

Kanina pa ako nagtatago sa likod ni Kia. Bwiset kasing bulilit na to, nahihirapan tuloy akong magtago.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ni Jess sa akin.

"Wala. Wala promise, wala talaga." Sunod sunod akong umiling kay Jess.

"O-kaaaay." Tinignan niya ako sa paraan na parang ang weird kong tao. Iniisip yata nito na mas weird na ako sa kanya. Asa siya.Makikilala kaya ako ni Jacob? Kung sabagay ako lang naman ang may crush sa kanya noon eh. Ni hindi nga niya ako tinitingnan. Hindi naman siguro niya maaalala na stalker niya ko noon.

"I'll check the attendance, then after that we can ask each other questions. Okay lang ba sa inyo?"

"Sure sir!" Kinikilig na sagot ng mga babae.

Nakatitig lang ako kay Jacob na nakangiti. Hindi naman siya palangiti dati. Ang sungit nga niya nung nagkita kami nung highschool eh. Napansin ko din kasing hindi lang mga babae ang approve sa kanya, cool siya sa mga kaklase kong lalaki. Siguro dahil teacher na siya ngayon kaya kailangan maging friendly siya.

Mas tumangkad na din siya ngayon at lalong pumuti. Pero yung nga mata niya gaya parin ng dati. Ang pungay at ang haba ng pilikmata. Gaya ng dati, ang gwapo parin.

Tinawag na niya isa-isa ang mga classmates ko. Natawag na din sila Erith, Chea, at Sid. Ngayon nasa letter L na si Sir. Please Lord, sana nabura ang pangalan ko sa class record ni Jacob.

"Paula Lemar." Tawag ni Sir sa kaklase ko.

"Present."

"Amanda...Lopez." Tumigil yata sa pag-function ang puso ko nang banggitin niya ang pangalan ko. Sa paraan kasi ng pagkasabi niya ng surname ko parang kilala niya ako.

Napansin kong nakatingin na sa akin lahat ng classmate ko. Problema ng mga to? Ngumiti ako ng alanganin at dahan-dahang tinaas ang kamay ko.

"Uhm.. Present?" Ilang segundo lang na nakatingin kami ni Jacob sa isa't-isa. Pero bigla siyang ngumiti at nagpatuloy sa pagbasa ng mga pangalan na parang wala lang.

Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa disappointment na nararamdaman ko. Ayan kasi Amanda. Ang assumera mo kasi. Feeling mo makikilala ka niya? Eh limang taon na ang nakakalipas. I sighed.

Natapos na sa pagtawag ng mga pangalan si Jacob. Pumunta siya sa harap at umupo sa table.

"So everyone, let's get to know each other. What do you want to know from me?" Nakangiting sabi nito sa lahat. Nagtaas ng kamay ang isa kong classmate.

"Sir sabi po single kayo, Ibig sabihin kahit girlfriend wala?" Natahimik sa buong classroom. Parang lahat ng kaklase ko nag-aabang ng sagot niya.

"Yes. I'm single at wala akong girlfriend." Hindi ko napansin na pinipigilan ko na pala ang paghinga ko hanggang sa narinig ko ang sagot niya. Nagtilian ang mga babae, napailing nalang si Jacob.

"Eh Sir, bakit ngayon lang po kayo pumasok? Pinagtiisan tuloy namin yung asungot na si maam." Natawa naman si Jacob.

"I was at States. Doon na kasi kami nakatira ng mga limang taon."

"Sir ano po bang type niyo sa babae?" Narinig kong tanong ng isa kong kaklaseng babae. Napahawak si Jacob sa baba niya na parang nag-iisip. Ako! Ako ang type niya. Wag na kayong umasa.

"Siempre ang type ni sir yung mga sexyng chiks!" Sagot naman ng mga lalaki.

"Ang type ni Sir mga virgin para masarap umungol." Nagtawanan ang mga kaklase ko. Napatakip naman ako sa tenga ko.Oh my gosh! My ever so virgin ears! Napo-pollute dahil sa mga kabastusan ng mga lalaking to!

Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon