Chapter 2
Lumipas ang linggo na silang lima parin ang kasama ko. Si Jess na may pagka-mysterious, si Kia na ang daming alam, kulang nalang maging magulang siya sa amin, sobrang mature na at the same time sobrang ingay, si Erith na halos umaga'y may eyebag dahil sa magdamag nitong aral tuwing gabi, si Sid na mukhang napaglipasan na ng panahon ang itsura, at si Chea na uber ang kakonyohan sa katawan. Nalaman ko ring classmate ko pala siya, Tinamad lang daw siyang pumasok nung Monday at nakipag-away naman siya nung Tuesday kaya hindi siya pumasok. Galing niya noh?
Ano kayang pwedeng ipangalan samin na grupo? Hmm, Mapagisipan nga mamaya!
"Kaninong bahay pala tayo bukas?" Tanong ni Pakbeth I mean ni Erith. Napagusapan kasi naming anim na sama sama nalang kami sa pagsagot nung take home laboratory manual.
"If you like sa bahay este mansyon namin." Suhestiyon ni Chea.
"Eh diba Chea, may kalayuan ang bahay niyo. Dapat doon tayo sa malapit." Napatango naman kaming lima sa sinabi ni Sid.
"Kung malapit lang at walking distant ang pag-uusapan, edi sa bahay nalang nila Mandy!" Aniya ni Kia. Sumangayon naman silang lima. Kung alam ko lang sana, hindi ko nalang sinabi sakanila yung Address ko.
"Okay then, sa inyo nalang Mandy! 1 pm sharp!" Wow kung makapagdesisyon naman tong si Chea parang siya yung may-ari ng bahay. Hindi nga nila naisip hingin yung aprobado ko eh!
"Bakit ba nagaalarm ka ng alas singko? Sabado naman ngayon ha!" Singhal ng Nanay ko ng magising ito sa malakas na kalabog galing sa kwarto. Pagminamalas nga naman, nauntog pa ko sa pinto. Napaghahalataang hindi ako morning person.
"Mag-gegeneral cleaning tayo Mama, may mga dararating akong bisita." Antok kong sabi. Dumiretso ako sa banyo at naghilamos.
"Bisita sa ganitong oras? Aba dapat sinabi mo para nakapagluto agad ako ng almusal!" Pagkatapos kong maghilamos ay kinuha ko kaagad ang dustpan at walis. Sorry naman, walang kaming vacuum cleaner.
"Mamayang ala-una pa naman po Mama." Aray! Kung makabatok naman tong si Mama. Naalog tuloy yung ulo ko. Balik bobo nanaman tuloy ako!
"Ala una? Tapos alas singko ka gigising? Anong pinaglalaban mo niyan? Atsaka, hindi naman gaanong madumi tong bahay ha! At kung totoong kaibigan mo nga sila tanggap nila kung ano ka, kung anong merong bahay ka." Hindi naman ako nakaimik sa sinabi niya. Lakas makapag-advice nitong Nanay ko ngayon ha!
"Infareness sayo Mama, gumagana ngayon yang utak mo. I'm so proud of you Mom!" Hahalikan ko sana siya ng takpan niya ng palad niya ang bibig ko.
"Baho ng hininga mo! Magtoothbrush ka nga!" Okay, binabawi ko na yung sinabi ko.
Sumapit ang ala-una ay nakarating na nga silang lima sa bahay. Except kay Jess na 1:30 dumating. Ano pa bang bago? Always late.
"Okay let's start na!" Saad ni Chea. Napatingin naman ako sa suot nitong pink na eyeglass. Aba, naghanda pa ng props. Nandito nga pala kami ngayon sa kwarto ko. Pasalamat nga at nagkasya kaming anim dito.
"Yey! Natapos din sa wakas!" Masayang wika ni Sid. Napangiti naman ako dahil nasagutan namin ang Act1-Act5 sa loob lamang ng tatlong oras.
"Eh parang si Erith lang naman ang sumagot nung lahat eh!" Natawa naman kaming lima sa sinabi ni Kia. Natigil ang happy moment namin ng pumasok si Mama sa kwarto at naghanda ng meryenda. Ilang sandali ay naistorbo nanaman kami ng ingay sa labas. Sabay sabay kaming lumapit sa bintana ay napatingin sa labas.
"New neighbors, huh." Taas kilay sabi ni Erith. Nakamasid kami sa mga lalaking nagbubuhat ng gamit papasok sa katabi naming bahay.
"Nakakamangha lang na may bumili pa sa bulok na bahay na yan!" Tawang tawang wika ni Kia. Ilang taon na rin kasing walang nakatira sa bahay na iyon.