CHAPTER TWO

2.4K 61 2
                                    

"Ma'am.. Parang awa po ninyo. Wala akong pang pyansa. "pag mamakaawa ni Mayet. Wala siyang masaklolohan. Siya lang mag isa, nasa private office sila kasama ng manager  ng condominium  saka may dalawa ding pulis. Na isang mali niya ,pwede na siyang iposas ng mga ito.

"Alam mo ba kung sino ang pinuntirya mo? "may halong galit sa boses nito.

Maya maya'y may dumating na gwapong nilalang. "Tita, Sophie  is now on Hospital.Nabalian siya ng buto.. Pero tita don't  you worry. Gagaling din daw yun as soon as possible. Ang pinoproblema ngayon ni Sophie, iyong mga galos niya. "

"See? Anong nangyari sa sikat na model ngayon? At sa tingin mo, papalalagpasan namin ito sa pasensya mo lang? "panenermon nito kay Mayet. Hindi niya alam kung anong gagawin. Nandoon si Jules para aluhin siya pero wala rin itong magagawa.

"Ipapakulong kita! How dare you!! "galit parin ito. Sa tansya ni Mayet, kamag anak ito ng modelo.

"Wala po akong magagawa kung iyon ang desisyon ninyo. Sasang ayon nalang po ako bilang kabayaran. "pagsusuko niya. Wala na siyang magagawa  kundi sumuko. Kasalanan niya din naman kasi.

"Tita.. Wait a minute. Kaya ko naman sagutin lahat ng gagamutin ni Sophie. Papalitan ko nalang din ang phone nito. Wag naman sanang idala sa korte. Maraming proseso. Ako na ang bahala sakanya. "tutol ng gwapong nilalang. Maang na napatingin si Mayet dito.

Ngitian lamang siya ng isa pang modelo.

"Okay.. Wala na akong masasabi as long as, Harry can make it out this mess, excuse  me.. "sabi ng ginang. Tumango na lamang ang manager at nakipagkamayan dito."Guys let's go. "saka mamaya pa ay yinaya na niya ang mga pulis.

Dinala siya ni Harry sa isang unit. "Pasalamat ka at naawa ako sayo. "sabi nito.

"Maraming maraming salamat po talaga sir. Hulog kayo ng langit. "nakangiting sambit ni Mayet. Laking pasalamat niya na sinalo siya ng lalaking ito. She felt good now.

"Pero wag ka, may kapalit okay? "sabi nito at sinabi ang magiging kapalit sa pagliligtas nito sakanya.

Hanggang pag uwi ng bahay, pinag iisipan parin ni Mayet ang sinabi ni Harry. May malaking problema pala ito. Gusto ng kanyang ama na may sakit na magkaroon siya ng apo. Hindi naman literal na may asawa basta apo na tunay na Pascual! Hindi siya makapaniwala! Pero sa isang banda, naintindihan niya rin ang matanda. Wala na palang nanay si Harry, namatay sa isang car accident  12 years ago kasama ang mga kapatid nito.

Masaklap din pala ang buhay ni Harry, iisang insidente, 4 na tao ang binawian ng buhay. Kaya naman pala ganun nalang ang hiling niya sa anak na magkaroon ng apo para may makasama sa buhay. Wala na din daw pamilya ang tatay ni Harry kaya aasahan talaga ang apo.

Pero sadyang mahirap ipamigay ang moral.Kainis lang, para naman hindi siya tumatanaw ng utang ng loob.

Kung bakit ba naman sa dinami ng babae ang nagkakandarapa kay Harry at siya pa ang napagtripan nito? Bakit hindi nalang kaya siya nag gf at anakan ito? At least, tunay silang nagmamahalan. Di katulad niya na, halos kakakilala pa lamang at iniligtas lang siya sa paratang na ipakulong. Hay buhay nga naman.

" I will give you an award, once na may mabuo, 5 M ang downpayment for now, pag nanganak kana saka na ang another 5M. Kanya lang akin na ang bata pag luwal niyon at wala na tayong magiging communication  pa. Magpakalayo layo na kayo. aalagaan kong mabuti ang magiging anak natin. Sa totoo lang, ayaw ko naman. Pero pinagbibigyan ko lang ang daddy ko. besides, hindi niya ako pamamanahan kapag wala akong nabigay na apo sakanya. Tatanggalan ako ng shares, so it would be hard for me. "mahabang lintanya ni Harry.

"Hayss! Ewan ko ba, Kung pumayag ako, Makakaahon kami sa hirap. Mapapag aral ko ang mga kapatid ko ng walang kahirap hirap.. Pero paano naman ang anak ko? Paano ang pagkababae ko? Paano naman ang magiging asawa ko? Edi kawawa? Jusko naman. Anong gagawin ko.?"natampal ko nalang ang noo ko.

Sa isang banda, Mayet, Think positive  okay?

ACCIDENTALLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon