CHAPTER EIGHT

1K 27 1
                                    

Natapos ang selebrasyon ng may ngiti pa rin sa labi si Mayet. Sobrang napasay siya sa araw na yun. Hindi niya alam na kaarawan na niya pala sa dami ng nangyari sakanya.

Biglang tumunog ang telepono niya na agad naman niyang sinagot.

"Hello?"

" This is Mrs Sandoval, ikaw ba si Mayet? Kailangan lang sana kitang makausap sa office ko. Someone is waiting you." bungad nito sa telepono.

" Hmm bakit po? Anong kailangan ninyo sakin?"

"Basta pumunta ka nalang sa ibibigay kong address ha? Osya i gotta end this call na." agad nitong binaba ang tawag.

"Oh ate saan ka pupunta?" biglang sulpot ni Kenji na may dalang baso ng tubig.

"May tumawag kasi sakin gusto raw akong makausap. Ikaw na bahala sa kuya at kay Myka ha? Mauna na ako pakisabi nalang sakanila na may kailangan akong puntahan." bilin niya kay Kenji na agad naman tumango.

Mabilis siyang pumunta sa address na binigay nito. Pagdating niya bumungad sakanya ang napakaraming bantay kasama nito si Sophie.

Nakaarko ang kilay nito at mas lalong nagtaray ang hitsura ng makita siya. Kasama nito si Mrs. Sandoval, ang tumawag sakanya.

" I can't imagine na ang isang babaeng walang patutunguhan ay kapatid ng puppet ni Myka. Akalain mo nga naman, ang small ng world no? Sa dinami dami pa ng dapat pakisamahan ng kapatid ko, kayo pa! Mga walang kwenta! Hindi bagay si Myka sa kapatid mo, ano nalang ang ipapakain niyo sakanya? Itlog? Like arghh!" mahaba nitong lintanya at halos mapunit na ang lalamunan nito sa kakasigaw sakanya.

"Tama. Mahirap lang kami pero hindi naman tamang husgaan mo kami. Atleast kahit hindi kami mayaman mabuti naman ang kalooban, hindi mo katulad. Mayaman ka nga pero napakasama naman ng ugali mo. Nilamon kana ng yaman Sophie." sagot niya. Hindi naman porke mayaman ito ay pwede ng apak-apakan at maliitin ang pagkatao nila.

" How dare you!" mukhang sasabog na ito sa galit pero pinigilan lang siya ni Mrs. Sandoval.

" Kaya ka namin pinatawag para kasuhan si Keneji Santos sa ginawa niyang pagtanan sa kapatid ni Ms. Sophie Barcelona." sabi nito ng ikinagulat niya.

" Akala mo bang di ko alam ang pinanggagawa ng kapatid mo sa kapatid ko ah? Alam ko ng nabuntis na niya ito! At hindi pwedeng malaman nina mom and dad to! Kaya kailangan pagbayaran ng kapatid mo ang lahat! It can affect our name at ayaw namin mangyari iyon!"

" Ma'am Sophie, parang awa mo na. Hindi lang naman ang kapatid ko ang may gusto nito. Ginusto rin ng kapatid mo ang ginawa nila kaya wala kang karapatan na ipakulong siya!" kahit na natatakot siya hindi siya dapat magpakita na apektado siya ng sobra. Natatakot siya sa posibleng mangyari. Kahit na ginusto din ni Myka wala siyang/silang magagawa kapag nagsampa na ito ng kaso.

Mayaman sila at wala silang kakayahan. Pwedeng kumampi sakanila ang mga pulis at wala silang laban don.

" Awa? Are you out of your mind?naawa ba ang kapatid mo sa posibleng mangyari para sabihin mo sakin yan? Sa ayaw at sa gusto mo, we will file an case and you can't do anything about it. Sisiguraduhin kong mabubulok sa jail yang kapatid mo." sabi pa nito saka na siya iniwan.

Napaupo nalang siya sa sahig. Hindi na niya kaya.. sobra sobra na. Hindi niya akalain na hahantong sa ganito ang lahat.

Akala niya matatapos na ang lahat ng problema pero dumagdag nanaman. Mabuti pa siguro kung umuwi nalang muna siya at ipaalam kina Myka ang nangyari. Baka mapakiusapan nito ang ate na wag nang ituloy ang kaso.

" Don't worry ate Mayet, Keniji. Ako ang bahala kay ate. Maybe ayaw niya lang akong mapahamak pag nalaman nina dad kaya gumawa na siya ng paraan.. but i will not let that happened. Mahal ko si Keneji, ibinigay ko sakanya ang lahat, ginusto ko to, namin kaya paninindigan namin. Salamat sa advice mo before ate. You save my angel kaya utang na loob ko sayo yun kaya hayaan mong ako ang bahala." sabi ni Myka na ikinagaan ng loob niya. Mabuti naman, dahil hindi niya kakayanin na mabulok sa bilangguan ang kapatid niya ng walang kasalanan.

MAAGANG NAGISING si Mayet para maghanda ng agahan ng mga kapatid. May usapan kasi sila na magkita ni Harry ngayon. Nag-iwan nalang siya ng note sa mesa para hindi na mag alala ang mga ito pag nagising na wala siya.

"Hmm for you." bungad ni Harry ng magkita na sila. Ibinigay nito ang isang chocolate bouquet.
Kuminang ang kanyang mga mata, it was her favorite chocolate ferrero!

" Salamat." nahihiya niyang tugon. Dahil sa nangyari sakanila bigla tuloy siyang nahiya sa binata. Nag-iinit na tuloy ang pisngi niya.

"Are you shy about what happened to us last night?" puna nito ng may nakakalokong ngiti.

" Ah hmm hindi ah! Pwedeng wag nanatin pag usapan yun? Ano ba kasing kailangan mo sakin ngayon?" pag iiba niya ng usapan.

" Well gusto lang kitang ipakilala kay dad. Since parang magiging successful naman tayo mukhang sooner or later mabubuntis kana. So para di naman siya mabigla, ipakilala na kita as my girlfriend."

" Pero wala naman sa usapan natin yun."kontra niya. Dahil alam niyang pag nabuntis siya at nanganak, puputulin na nila ang communication at magpapakalayo layo na siya. Kung ipapakilala siya nito sa dad malamang ay hahanapin pa siya pagkanganak nito.

"Hmm you worrying about sa payment? Don't worry, here's your check. As i promised, down payment ko yan." inilahad nito sa kamay niya ang cheke. Hindi siya makapaniwala! Napakalaking halaga nito parang nabili na ang buong pagkatao nila.

" Salamat sir ha malaking tulong ito samin pero pwede bang pag isipan ko muna? Kahit hindi ko na muna tanggapin itong bayad mo." tanggi niya saka binalik ang cheke sa binata.

" Bakit ba ayaw mong ipakilala kita kay dad?"sa halip ay sagot nito.

Sinabi niya ang reason sa binata." Don't worry, ako ang bahala okay? Ako ang nag insist so i am the responsible for this. Hindi ko hahayaang mangyari ang pangangamba mo. Gusto ko lang ngayon ang tiwala mo."

Tumango nalang siya at pumayag saka na tinahak ang mansion nina Harry.

ACCIDENTALLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon