Doble kayod, triple kayod. Basta may raket may pag-asa. Yan ang definition ni Mayet sakanyang buhay. Wala siyang pakialam kung wala na siyang tulog.Hindi niya inaaksaya ang panahon lalo na't malapit ng magkolehiyo ang dalawa niyang kapatid. Siya lang ang bumuhay kina Kenji at Keneji, Kambal ang dalawa. Ulila na sila kaya siya nalang ang tumatayong magulang sa dalawang kapatid.
She was now, 24 years old. 5 years ago nang mangyari ang sunog sa Antipolo City kung saan nagtitinda ang kanyang magulang sa building na iyon. Meron namang naligtas, nagkaroon nga lang ng diprensya sa utak dahil sa trauma, mga iba nagkaroon ng sugat sa katawan.
Pero mas gugustuhin nalang yata iyon ni Mayet dahil kung gaanon lamang, malamang buhay pa ang magulang nila.
Napilitang tumigil ni Mayet sa pag aaral na college na sana, kakatapos lang niya gumraduate ng highschool. Mas mahihirapan siya kung pagpapatuloy pa niya ang pag aaral, at hindi niya magagabayan ang mga kapatid sa pag aaral kaya napagdesisyunan nalang niyang tumigil at kumayod.
Umaga palang, agad nang umalis si Mayet sa bahay dahil naka schedule siya ngayon na maglinis sa isang condominium tower ng mga artista. Naglakad lamang siya hangga sa kanto, hangga't maari titiisin nalang ang sakit sa paa kesa mabawasan ang perang pang miryenda niya.
"Oh, Mayet, Bakit naglalakad ka? "tanong ni Aling Nena. Ang may ari ng inuupahang bahay nila.
"Wala po kasi pamasahe ale,kaya hangga't maari kakayanin ko nalang sakit ng paa kesa sa mabawasan ang pera na pang miryenda ko nalang. "nakangiti niyang tugon.
She's always smiling kahit na madami ng problema sa buhay. Lagi lang siyang Goodvibes.
"Sumakay kana dito, Ineng. "
"Salamat po."
Mabilis lamang silang nakarating sa destinasyon kaya laking pasasalamat ni Mayet sa matanda.
"Nawa'y pag palain ka ng Diyos, Ineng. "sabi ng matanda matapos niyang magmano at magpasalamat.
Agad lamamg siyang nakapasok sa loob at inumpisahan na ang trabaho.
Maya maya pa ay naging maingay na sa labas. Senyales na may paparating na kung sino. Sinikap niya parin na huwag makibahagi sa mga taong nakikiusyoso, Para matapos na agad.
Pagkatapos niyang mag mop, pumunta na siya sa stock room para ilagay ang kagamitan na ginamit niya sa paglilinis.
10am nang matapos ang duty ni Mayet kaya naghilamos muna siya ng kaunti at nagmadali ng lumabas.
"Mayet! "tawag ni Jules sakanya ang katrabaho na manliligaw niya. Pero aanhin ba niya ang tulad ni Jules na naghihirap din sa buhay? Ibig niyang sabihin, wala na siyang panahon sa lovelife baka mabaliw na siya at mahulog ng todo ika nga nila, wala na siyang magagawa nun kung di love, kung sana napapakain sila ng love na yan eh.
Kung magmamahal siya, dun na sa mayaman para maahon na sila sa hirap.
"Pahiram na muna kita ng bike ko. Kawawa ka naman alam kong wala kang pamasahe. "sabi nito.
Ngumiti lamang si Mayet at simpleng nagpasalamat. Gwapo naman si Jules.. Pero, Ah! Wala siyang panahon mag describe.
"Salamat talaga, Jules. O pano, Mauna na ako ha? "
"Mag iingat ka.. I love you.. "
"Haha! Baliw! "sabi niya at sumakay na sa bike. Binilisan nalang niya sa pagtakbo dahil may trabaho pa siya kung tutuusin,bilang labandera sa pamilya ng Anzuares.
Ng...
Mabilis lamang ang pangyayari. Hindi niya alam. Basta natumba ang isang model. Dumadaing ito sa sakit. Natapilok kasi dahil nabundol niya ang pwet sa bike sa sobrang bilis ng takbo niya. Hindi niya rin mapreno. Nataranta siya, Lalo na at ang daming pres, mga tao na nakikiusyo. Hindi niya alam ang gagawin. Ang sama ng tingin sakanya ng mga tao.
Grabe,pinagpapawisan siya ng malapot. Pwede naman iliko niya ang bike, para matakasan ang mga tao. Pero sa isang banda, sa yaman ng modelong ito, maaring mapa hanap siya.
Pero kung hindi naman... Siya ang mayayari.
"You bitchh!! "Sigaw nito saka umiyak. Hinawakan niya ang cellphone na nabasag.
"Arghh!! Help me asap grr!! "agad na may dumating na may dalang first aid kit.. saka mga nurses.
"Tumawag kayo ng ambulansya! Ako na ang bahala sa isang to!"
BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY
Fiksi RemajaHirap si Mayet sa buhay nilang magkakapatid. Ulila na sila at wala ng inaasahang pamilya. Kaya doble raket siya kung triplihen mo na hangga't kaya ng katawan! Pero tuloy tuloy pa rin pala ang kamalasan sa buhay niya. Nagkaroon siya ng atraso sa is...