CHAPTER SEVEN

1.1K 31 0
                                    

Pagkatapos ng pangyayari, umalis na agad si Mayet sa condo. Pawisan siyang umuwi sa bahay. Nandoon na rin si Kenji.

"Ate, nakwento na sakin ni Kuya Keniji ang nangyari. Laking tulong mo talaga. You're the best ate ko. "sabi ni Kenji at yinakap si Mayet.

"Ate, saan ka nga ba galing? Bakit para kang pagod na pagod? "Tanong ni Kenji sakanya.

"Ah wala ito, Si Keniji?di pa ba siya nakakauwi? "tanong ni Mayet pagkatapos ay sinimulan ng lutuuin ang kakainin nila.

"Hm kasama niya ate Si Myka ate. "sabi ni Kenji at saka na siya tumulong sa paghahanda ng kakainin nila.

"Alas onse na ah, alam ko may curfew eh. "sabi ni Mayet at tumingin sa labas.

"Saan na naman kaya nagsusuot ang batang yon! "

"Ate, wag kang mag alala ha? Kaya niya yan. Siya pa."kumpiyansadong sabi ni Kenji.

"Alam mo, kanina pa kita napapansin. May something  eh!
bahala ka nga! "inis na sabi ni Mayet na para bang isa siyang teenager.

"Ate naman wag kang magtampo ng ganyan hindi mo bagay. "sabay tawa nito.

"O palamig ka muna ate. "sabay abot nito sa isang baso, na may nakadikit na maliit na sticky  note.

Kinuha iyon ni Mayet at binasa.

Nakasulat doon ang "HAPPY BIRTHDAY ATE ILOVEYOU"

"HAPPY BIRTHDAY ATE! "sabay yakap ni Kenji sakanya. Bigla nalang may pumutok na confetti  sa harap nila.Naroon nakatayo si Keniji kasama si Myka.

Hawak ni Myka ang cake, samantalang si Keniji ay may hawak na kung anong envelope.

"HAPPY BIRTHDAY  ATE! "sigaw nito saka siya yinakap.

Hindi mapigilan ni Mayet ang lumuha. Napaka-Sweet kasi ng kapatid niya. Hindi niya akalain na birthday na niya pala. Sa sobrang dami ng iniisip, hindi na niya naalala ang kaarawan niya.

"Salamat sainyo. May pa surprise pa kayo sakin. Pero sobrang saya ko ngayon! Makasama ko lang kayo sa birthday ko, yun na ang pinaka the best na regalo na matatanggap ko. "nakangiting pasasalamat ni Mayet.

Maya maya ay naghanda na ng mga pagkain sina Keniji, mayroon na pala silang nakahanda.

"Maraming salamat talaga! Lalo na sayo Myka. "sabi ni Mayet.

"Your welcome  te. Basta, para sa magiging bayaw ko. By the way,gusto mo na bang makita yung gift sayo ni Keniji? For sure na magugustuhan mo yun. "sabi ni Myka sabay tingin kay Keniji na handa para sa videoke na inarkila nila kani-kanina lang;para sa kanilang munting selebrasyon.

"I'm sure talaga matutuwa ang ate ko dito. "sabi ni Keniji at lumapit na kay Mayet.

"Ano naman yan. "mababakas kay Mayet ang pagkatuwa sa nangyayari o mangyayari pa.

"Ate, buksan mo na. "sabi ni Kenji at halata din sa mukha nito na na eexcite siya sa magiging reasksiyon ng kanyang ate.

PAGKALIPAS NG ILANG SANDALI..
Sobrang tuwa,Maiiyak,samut saring emosyon ang nararamdaman ni Mayet. Pero mas nangibabaw sakanya ang kaligayahan.

"Pinasaya mo ako Keniji. Kahit munting promotion  lang yan, at least masaya ako! May extra income kanang darating. I'm happy for you! "

"Ohhh. Sali na nga tayo! Group hug guys! "sabi ni Myka.

Masaya lang sila sa araw na iyon, pero ang Hindi  nila alam may susunod pang manyayari sakanila. Kapalit ng kaligayahan ang pag iyak at pag tangis.

ACCIDENTALLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon