Salamat naman at nakumbinsi na niya si Myka. Ang problema nalang niya ngayon ay ang kasunduan nila ni Harry. Pagdating nila sa bahay, agad naman siyang yinakap ni Keniji. "Ate salamat talaga. Hulog ka ng langit. "tila kumikinang pa ang mga mata nito. Lahat ng lungkot na,nakikita niya noong nakaraang araw ay nawala. Napalitan nang kinang at saya.
"Wala 'yon. Obligasyon ko din naman. Saka, Promise mo na aayusin mo na ang Major subjects mo ah. Bagsak ka na daw. Nakakalungkot nga lang na uulitin mo yung semester na iyon, sayang naman ang mga pinagpaguran natin. "
"Ate, sorry na talaga. Promise ko na gagalingan ko. Hindi na talaga yun mauulit ate. "
Kinagabihan, naghanda na siya para sa isang pagtatrabaho sa bar bilang waitress .Wala pa naman silang kasunduan ni Harry kaya kailangan niya muna na extra income.
Pagdating niya sa bar, agad na siyang tumayo at naging alisto ang mata sa mga costumer. Nakakapagod din lalo na't ang daming command ng mga tao, pero keri lang.
"Waiter. "tawag ng isang familiar na lalaki. Parang familiar talaga sakanya ang presensya niyo kaya lang di niya mamukahan kasi nasa madilim itong parte. Agad niyang nilapitan ang lalaki. Nagulat niya ng makita si Harry.
"Ikaw? "gulat ito.
"Sir.. "sambit niya.
"Anong ginagawa mo rito? "parang nawala sa kalasingan si Harry ng makita siya. Agad siyang hinila nito palabas ng bar.
"Sir naman eh nasasaktan ako. "pabiro niyang sabi. Kahit medyo kabado.
"Bakit ka nandito? "ulit nito.
Napakamot siya ng ulo. "Sorry naman sir. Hindi ko kasalanan na dito ako nagtatrabaho. "
"Are you out of your mind??! Delikado dito! Saka isa pa, baka alukan ka ng kung ano ano ng mga uniinom dito! May tendency pa na mabastos ka o masangkot sa kung anumang gulo! Nag iisip ka ba? "sermon nito.Mahina pero may diin.
"Sir, trabaho ko ito. Hindi niyo naman ako kaano ano. Kaya wag kayong mag alaa saakin. Kaya ko naman ang sarili ko. Lakas ko kaya. Isa pa, habang wala pa naman tayong kasunduan sir, kailangan ko muna sumideline para sa extra income. "paliwanag niya.
"Speaking of kasunduan. Nandito na rin tayo. Bukas na bukas, kakausapin ko yung may ari ng bar. Kilala ko si Mr Aguas. Kaya ako na ang bahala. Mag reresign ka na. Isa pa, bukas na bukas din ibibigay ko na yung tseke ng down payment sayo. Mag ayos ka, magkita tayo sa condominium tower kung saan nangyari ang insidente. "mahabang lintanya nito.
"Doon natin uumpisahan. "pagkatapos ay bulong niya sa kanyang tenga dahilan ng pag iinit ng kanyang pisngi.
"Ate, aalis na kami. "pamamaalam ni Keniji at Kenji.
"Oh mag iingat kayo ha? Mahal na mahal ko kayo. "sabi niya at saka nginitian ang dalawa.
Saka na bumalik sa realidad.. Na ngayon na sila magsisimula ni Harry. Hindi niya alam kung ano ang dapat isipin. Hindi niya alam kung kaya ba niya. Wala siyang alam sa ganoong bagay.
Sa isang banda sabi ng maliit na utak, para sa kinabukasan nila, makakapag umpisa sila ng magandang simula. Sa isa naman parte ng kanyang utak, ibebenta niya ang pagkatao?
Ahh. Wala na siyang dapat isipin, Tinulungan siya ng lalaki sa isang insidenteng naganap, kung tutuusin napakalaking tulong nito. Habang buhay na kabilangguan ang akusa sakanya. Sakaling wala ang lalaki? Paano na siya? Hindi ito nagbibigay ng palugit na makalaya. Kung sakali man meron, saan nama sila kukuha ng pampalaya?
Kaya laking pasasalamat niya sa lalaki.
Pagsapit ng gabi, ayos na si Mayet, Naglagay siya ng kaunting make up, na binili niya kanina sa tiangge. Bahala na minsan lang naman. Agad nalang niya sigurong tatapon. Saka siya bumili ng pang kulot sa buhok. At nagsuot ng isang red strapless dress na tig 50 pesos sa ukay ukay. Pero ang ganda nito! Mukhang mamahalin ,original talaga.
Ang sapatos naman, nanghiram siya kay Jules, sa kapatid daw nito. Isang stilettos 5inches ang taas.
Suot naman niyang pang loob, push up bra Para lalo ng maenhance ang kanyang dibdib. Naisip niya na, hahawakan ito!! Oo. Naging bukas nalang ang kanyang isip. Na iyon talaga ang posibleng gawin. Hindi naman siya inosente para hindi alam yung gaanong bagay.
Kinuha na niya ang sling bag at saka na umalis ng bahay. Pinadalhan niya nalang ng message ang dalawang kapatid na sisideline siya.
Mamaya pa kasi silang 8:30pm makakauwi.Alam niya ang buong schedule nila.
Habang nakasakay sa taxi, nanood muna siya sa YouTube. Sana magawa niya!
BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY
Teen FictionHirap si Mayet sa buhay nilang magkakapatid. Ulila na sila at wala ng inaasahang pamilya. Kaya doble raket siya kung triplihen mo na hangga't kaya ng katawan! Pero tuloy tuloy pa rin pala ang kamalasan sa buhay niya. Nagkaroon siya ng atraso sa is...