Positive... Pilit na sinasabi ng utak ni Mayet.
Hindi siya makatulog sa kakaisip. Sabagay, May bukas pa naman. Saka nalang niya iisipin. Tumayo na muna siya at pumunta sa kusina para uminom ng tubig, nakaramdam kasi siya ng pagka uhaw, Ngunit... Parang biniyak ang kanyang puso. Ng makita si Keniji na may kahalikang babae. Natuptop niya ang bibig ng masaksihan ang ginagawa nila!" Bakit Keniji! Bakit mo nagawa ito! "sabi niya sa isip. Hindi niya magawang magsalita, magsisigaw, pagsusuntukin ang kapatid. Wala naman mangyayari. Ginawa ito ni Keniji.
Sabi nga nila, ang tao ay malaya pero may kaakibat itong responsibilidad. Ibig sabihin, malaya kang gawin kung ano ang gusto mo, pero kailangan mong gampanan o panagutan ang ginawa mo.
Sa halip na magsisigaw, pumunta nalamang siya sa kwarto at doon na nag iiyak.
Tama ba ang ginawa niya? Hinayaan niya lang ang kapatid? Ganun ba ang ginagawa nito, nagpapapasok ng babae tapos ganun ang ginagawa? Dahil alam na tulog siya dahil sa pagod?Kainis naman! Wala siyang magawa! Hindi siya makapagsalita.
"Ate? Gising kapa. "tugon ni Kenji, nagising siguro sa iyak niya. Pinunasan niya ang kanyan pisngi at "Ah wala. Wag kang mag alala. "
"Umiiyak ka ate? "tanong nito.
"Hindi, nanaginip lang ang ate. "sabi niya at pinilit ngumiti. Pinalawak niya lamang ang kayang isip. Nasa tamang edad na si Keniji.
"Tulog na tayo Kenji. Maaga pa ako bukas. Good night."Sabi niya at hinalikan sa pisngi ang kapatid.
"Goodnight din ate. "bati din nito at pumikit na.
Kinabukasan, agad bumangon si Mayet, na para bang normal ang lahat.
"Good morning! "masayang bati niya sa mga kapatid. Pansin niya na parang ang tamlay ni Keniji.
"Kenj, may problema ka ba? Baka naman mag share ka kay ate. "sabi niya at umupo na sa lamesa. Nahanda na niya ang almusal at kakain na sila.
"Wala po ate. "sagot nito at umupo na din.
"Keniji, alam ko na may problema kang pinagdadaanan. Pero sana naman, sabihin mo naman sakin. Hindi kita pinalaking nagsisikreto saakin. Magsabi ka. Diba, kailangan open tayo sa isa't isa? "sabi ni Mayet.
"Oo nga naman kuya. "sagot naman ni Kenji.
"Wala lang to. Tara kumain na tayo. "
Lumipas ang mga araw, mas nagiging matamlay na ang kapatid. Naiinis na siya lalo na ng nag home visit ang mga professor nito at sinabing bumabagsak na daw ito. At malabo ng pumasa sa ilang Major subject.
Parang napakasakit tanggapin ang mga pangyayari. Gusto lang naman niyang makapagtapos ang kapatid pero heto ang nangyayari, sabi na nga ba,walang magandang maiidulot ang pakikipag gf ng wala sa oras. She feel hopeless and pathetic at the same time. Wala lang siyang magawa para sa kapatid.
Alam niyang malaki ang pinagdadaanan nito--isang responsibilidad kaya kailangan niyang komprontahin ang kapatid. Para kahit papano, habang maaga ay masolusyunan ang problema nito sa eskwela.
Sayang naman ang pinaghirapan niya. Ang isasakripisyo niya. Buo na ang desisyon na pumayag sa kondisyon ni Harry.
Para rin naman yon sakanilang magkakapatid,maahon sila sa hirap.
"Keniji, alam ko ang nangyayari sayo kung bakit ka nagkakaganyan. Nakita kita nung isang gabi, may ginagawa kayo ng gf mo siguro iyon no? Pero pinili kong Hindi ka pagalitan o komprontahin. Kasi alam kong alam mo ang ginagawa mo kahit mahirap para sakin na nagagawa mong magdala ng babae dito, alam mong pagod ako sa trabaho .Okay lang naman kasi nasa edad ka na, Pero.. Sana naman, mag open ka sakin ha? Ano ba talagang problema? "umpisa ni Mayet sa kapatid. Nasa sala ito at nakatunganga na para bang ang lalin nang iniisip.
Pinilit niyang uminahon.Para hindi naman matakot ang kapatid sakanya.
"Sorry ate kung nagawa ko sayo. "Bigla itong yumakap sakanya at saka umiyak.
"Sshh tahan na. "hinagod niya ang likuran ng kapatid.
"Sorry ate..Nag break kami ni Elisa. Ang Gf ko talaga. Napakasakit sakin nun ate. Halos sakanya ko na tinuon ang buong buhay ko, Siya ang naging inspirasyon ko sa pag aaral. Hindi ko siya sinabi sayo kasi alam kong hindi mo siya matatanggap. Pangit ang kinagisnan ng kanyang pamilya. Kaya nagsusumikap siya. Ako din ang nag aalaga, nagaalo sakanya tuwing nalulungkot. Nag break kami kasi, nalaman ng kanyang tita na umaalaga sakanya, napaka mortal nun ate. Simula noon, hindi ko na siya nakita. Nalulong ako sa bisyo. "mahabang kwento nito. Gusto na din umiyak ni Mayet pero pinigilan lang niya.
"Hangga sa nakilala ko si Myka. Siya ang babaeng, kaya akong paligayahan. Sorry ate kung pinapapasok ko siya dito tuwing gabi. Ginawa ko lang naman siyang libangan... At sadyang, mabilis ang karma, Nabuntis siya ate. Nagbunga lahat ng iyon.. 1month na siyang buntis pero ayaw niyang dalhin ang bata. Gusto niyang ipalaglag. E syempre, ayaw ko naman ate. Ayaw niyang matakwil sa pamilya, ayaw niyang tumigil sa pag aaral. Kaya ako, bumagsak ate kasi, lagi ko siyang dinadalaw. Kinokomusta. Gusto niyang ipa abort. Ate.. Sorry sa lahat. "Napayakap siya ng mahigpit sa kapatid. Matindi pala ang pinagdadaanan nito kesa sakanya.
Kung pwede lang sana, na akuin niya ang lahat.. Gagawin niya para sa kapatid niya.
"Kakausapin ko si Myka. At ako na rin ang kakausap sa mga magulang niya. "presenta niya. Alam niyang, nagtatapang tapangan lang siya para sa kapatid.
"Ate, ang mga magulang ni Myka ay isang makapangyarihang pamilya. Mahirap silang kalabanin. Lalo na't kapatid niya yung isang sikat na Modelo. Si Sophie. "
Tila bumagal ang tibok ng kanyang puso.
BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY
Teen FictionHirap si Mayet sa buhay nilang magkakapatid. Ulila na sila at wala ng inaasahang pamilya. Kaya doble raket siya kung triplihen mo na hangga't kaya ng katawan! Pero tuloy tuloy pa rin pala ang kamalasan sa buhay niya. Nagkaroon siya ng atraso sa is...