CHAPTER FOUR

1.3K 43 1
                                    

Hindi pa pala naikwento ni Mayet sa mga kapatid ang tungkol sa masamang nangyari  sakanya. Wala pa silang ka alam alam.

"Basta! Kaya natin to okay? Kakausapin ko muna si Myka. Habang kinukumbinsi ko siya, ikaw naman mag aral ka ng mabuti ha? Panindigan mo ang ginawa mo. Alam ko naman hindi binigay ng Diyos ang problema kung di mo rin kaya lutasin okay? At saka, alam ko ang mayayaman.Mapanghusga.Alam ko wala tayong maipagmamalaki.Pero isa lang ang kaya natin silang tapatan, sa pamamagitan ng edukasyon. "

"Tama ka ate. Salamat talaga. "yumakap uli ito sa kanya. Masaya siya, at least, nakapagkwento na rin sakanya sawakas ang kapatid.

Kinabukasan, agad bumangon sina Mayet at Keniji upang makapag almusal na agad. Maagang umalis si Kenji dahil may group works pa daw hindi natapos.

Pupunta sila ngayon  sa isang park kung saan nandoon si Myka. Handa daw makipag usap ang babae sakanila.

Sana naman magawa ni Mayet ang tungkulin niya bilang nakakatanda sa dalawa.

"Ate sa totoo lang natatakot ako. "sabi ni Keniji. Ngitian lang ni Mayet ang kapatid. Kailangan positibo ang lahat.

"Tara na. "agad na silang kumain para makaalis na agad.

Pagdating nila sa nasabing lugar, napakasariwa ng hangin, hindi niya maiwasang mamangha sa kapaligiran. Parang nakakawala ng stress ang kapaligiran na iyon. Puno ng puno, maraming taong nakalatag sa damuhan ang pads at masayang nagpipicnic. Ang mga bata naman ay masayang nagtatakbuhan. Napakaaliwalas ng lugar.

Mayroon din sa side na swing  at simpleng playground  para sa mga bata. May bench din sa bandang dulo kung saan ang mga magkasintahan ay pwedeng magkwentuhan doon.

Masyado na yata siyang namangha sa paligid ng kalabitin siya ni Keniji.

"Ate ayan na siya. "pag angat niya, halos hawig nga ni Sophie  ito, "Malamang kapatid. "sabi nito sa isip.

Kita ang kalungkutan nito sakanyang mata.

"Halika maupo muna tayo. "anyaya ni Mayet sa dalaga. Nang maupo na sila saka na siya humugot ng lakas loob para masahi ang dapat sabihin sa dalaga, para maconvince na huwag ng ituloy ang nasa isip nito.

"Ah Myka, siya ang ate ko si Mayet. "pakilala naman ng kapatid sakanya.

"Keniji ,Ate Mayet please spill it. Ayoko ng magtagal dito sa park. "malamyang tugon nito.

"Heto ang pinunta natin dito, Myka. Tungkol sa bata. "halatang ayaw na nitong makinig pa pero alam niyang hindi bastos ang dalaga kaya nanatiling nakinig sakanya.

"Huwag mo sanang mamasamain. Pinili mo na gawin niyo ito gabi gabi, Prangka akong tao, Myka. At sabi nga nila, malaya ang tao sa gustong gawin pero may kaakibat na responsibilidad. Kung ayaw mo ito simula palang, edi sana hindi kana pumayag na may gawin kayo nitong si Keniji? Eh gusto mo rin, kaya tanggapin kung ano man ang kahihinatnan nito. "napayuko si Myka.

"Ayaw ko lang kasi matakwil. Alam mo naman ang mga parents ko, they are cruel.Ayaw lang nila na masira ang pangalan nila kaya mas pipiliin na itakwil ako. "

"Kinaya niyong gawin. Kaya may kaakibat iyong  gampanin. Alam mo, kung talagang mahal mo si Keniji? At kung mahal mo ang bata? Paninindigan niyo yan. Alam kong, mahirap lang kami. Walang estado sa buhay pero kaya nilang ipagmalaki na may pinag aralan sila. Masipag si Keniji, makakapagtapos siya ng pag aaral. Basta, ayusin niyo lang sana ang sitwasyon. Pananagutan namin yang bata, basta.. Wag mo lang gagawin yung balak mo. Isa iyong malaking pagkakamali sa Diyos. Bagkus, gawin niyo pang Blessing yan sa buhay niyo. "

ACCIDENTALLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon