Magsisimula na naman ang araw ng tatlong magkakapatid na araw-araw ay gigising na may patong-patong na utos ng madrasta nilang si Zurida.
Si Leandro bilang panganay ay kinakailangang magsibak ng kahoy at pakainin ang mga alagang hayop sa Bukid ng Manlayon. Isang kilometro lamang ang layo nito sa Bayang Alfonso kung saan sila namamahayan.
Inutusan ni Zurida ang pangalawang kapatid na singilin ang upa ni Mang Goryo sa kabilang bayan at sa pagbalik ay magdala ng isang sakong dayami upang ipakain sa mga hayop sa bukid.
Maagang namamalengke ang bunsong kapatid na si Juanito araw-araw dahil kinakailangan nitong kunin ang mga tirang gulay na hindi naubos sa nakaraang mga araw.Kung ituturing,ito'y lantang gulay ngunit dahil dito, sila'y nananatiling buhay.
Naging malupit ang madrasta o pangalawang asawa ng kanilang ama mula nang pumanaw ang tumayong haligi ng tahanan. Naging usap-usapan sa bayan ang pagpapahirap ng kanilang madrasta.
Maraming umaalok sa magkakapatid na sila'y ampunin at pag-paaralin ngunit palagi itong tinatanggihan ng tatlo dahil takot sila kung ano ang maaring gawin ni Zurida.
Tumigil sa pag-aaral sina Leandro at Ignacio ngunit ang bunsong si Juanito ay patagong nakikinig sa labas ng bintana ng mga silid-aralan ng dating paaralang kaniyang pinasukan.
Kahit na alam niyang bawal ay pinagpatuloy niya ito hangga't siya'y nagbinata.
BINABASA MO ANG
Anak ng San Alfonso
FanfictionIsang istorya na hango sa orihinal na mga istorya. Ito'y pinagsasama-samang istorya ng I love You Since 1892 na isinulat ni Binibining Mia at The Lottery na isinulat ni Shirley Jackson. Saksihan ang mga pangayayaring maghahatid sa inyo ng aral. Ara...