Kabanata 5

4.1K 74 2
                                    

Ilang taon din siya naghirap at nagsikap sa ibang bayan. Ang San Lorenzo.

Pag-lipas ng isang dekada ay bumalik si Juanito sa San Alfonso dala ang solusyon upang maayos ang kanilang estado buhay.

Gustong-gusto na niyang ibahagi ang kaniyang plano sa lahat pero nang nakita niya ang bayang sinilangan niya ang napa iyak na lamang siya dahil hindi mamukhaan ang nangyari sa buong bayan.

Wasak ang lahat ng pamamahay,makapal ang usok na nakapalibot sa lugar at kakaunti na lamang ang mga tao.Una niyang pinuntahan ay ang bahay nila noon.

Nakita niyang halos haligi nalang ng bahay ang nakatayo.Nalaman niyang wala na ang kaniyang mga kapatid dahil sumabak ito sa giyera at napatay.

Ang ina naman ay naging volunteef nurse ngunit namatay din dahil pinasabog ng mga hapon ang hospital kung saan siya nagtatrabaho nang mga oras na iyon.

Nagdadalamhati sa sakit ang natitirang Silang sa San Alfonso.Dahan-dahang pumatak ang mga luha niya sa sahig at nagpabuntong-hininga na lamang.

Hinanap niya ang mansion ng mga Alfonso dahil umaasa siyang makikita pa niyang muli si Don Alejandro.

Sirang-sira na ang bahay ma muwebles dahil pina-ulanan ito ng bomba.Kaya nawalan siya mg pag-asang makakausap pang muli ang dating gobernador.

Napaupo na lamang siya at nakatunganga dahil para sa kaniya,huli na ang lahat nang may nakita siyang kinang ng isang ginto at ito'y kaniyang sinundan hanggang bumungad sa kaniyang harapan ang pamilyar na pintuan.

Ang gintong pintuan na pinagtataguan ng kayamanan ng San Alfonso.Buo pa rin ang silid na iyon kaya't pinasok niya ito at sumalubong sa kaniya ang parehong silid na nakita niya isang dekada na ang nakaraan.

Hindi natinag ang kayamanan sa Alfonso. Ito'y nanatiling buo at kompleto.Nakita niya ang isang baul at ito'y nilapitan.Binuksan niya ito at may papel na may nakasulat:

------------------------------------------------------
Juanito Silang,ang kayamanan na ito ay para sa iyo ay para sa buong San Alfonso. Gamitin mo ito para maibangon ang bayan na ito. Batid kong hawak mo ang solusyon sa lahat. Ikaw ang tinutukoy na muling magpapatuloy sa nasimulan ni Fidel Santos.

Nagbibilin,
Don Alejamdro Alfonso

------------------------------------------------------


Pinulong niya ang lahat nang mga natitirang tao sa bayan at saka binahagi ang plano.Ginamit niya ang kayamanan ng Alfonso upang maipatayo ulit ang pundasyon ng bayan.

Di nagtagal ay nakabangon na nga ang San Alfonso at nagpalit na rin ng apelyedo si Juanito.

Dumami ulit ang mga naninirahan sa bayan dahil dito tumira ang mga mamamayan ng Bayang San Lorenzo.

Lumawak ang lupain ng bayan at di kalaunan ay naging sentro ng palayan at maisan sa bansa.

"Ipinakikilala ko sa inyong lahat ang bagong hirang na Gobernador ng San Alfonso, si Juanito Alfonso."

Tumayo si Juanito at ipinasok ang kamay sa kahon. Itinaas niya ang kaniyang kamay hawak ang isang papel na may nakasulat at ito'y kaniyang binasa. "Carmelita Montecarlos?"

------------------------------------------------------
CARMELITA MONTECARLOS

San Alfonso,
Barona #117
ZGV6046
------------------------------------------------------

<<<<<<<<<< W A K A S>>>>>>>>>>

Anak ng San AlfonsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon