Kabanata 13

2.5K 54 9
                                    

Naghihilaan ang dalawa sa banig nang matumba sila sa kama at nagtapat ang kanilang mga mukha. Hindi naka imik ang dalaga sa ilang segundong pagtigil ng paligid.

Tumayo ang binata at inayos ang sarili at tinulungang makabangon ang dalaga.

"Paumanhin sa aking inasal." ,napayuko si Carmelita.

"Ako ang dapat humingi ng paumanhin. Sige na matulog ka na."

Nagpahinga na ang dalawa at tila nahihiyang sa isa't -isa. Bago pumikit at tuluyang nakatulog ay pinatay nila ang nga lamparang nagpapa-ilaw sa gabing hindi inaasahan ng dalawa.

Maagang nag-ingay ang mga manok sa Gawisan kaya maaga ring nagising ang dalawa.

Naghanda ng almusal si Carmelita habang nag-iigib si Jaunito ng tubig.

"Kumain ka na muna gobernador" ,tawag ng dalaga.

Pumasok si Juanito sa loob dala ang dalawang baldeng pinag-igiban ng tubig.

"Sapat na ang limang balde sa isang araw, gobernador. Makakahinga ka na. "

"Maraming salamat, Carmelita. Ako'y nasisiyahan dahil kahit nasa ibang lugar tayo ay di mo naiaalis ang responsibilidad mo bilang tagapagsilbi ngunit, huwag mong kalimutang bigyan ang iyong sarili ng oras at tamang pag-aalaga." ,paalala ng binata at ininom ang kapeng nakahanda sa mesa. Sabay nang kumain ang dalawa pagkat may nakahandang pandesal sa hapag-kainan.

"Ang tunay na tagapagsilbi ay hindi inilalaan lahat ng oras sa kanyang amo o tagautos. Karapatan niyang magkaroon ng oras upang magpahinga." ,patuloy na paalala ng binata.

Si Carmelita naman ay hindi maka-imik at kumain.

"Oo nga pala, magbihis ka pagkatapos at tayo ay babayo na." ,utos ni Juanito.

Nagligpit na ng pinag-kainan si Carmelita matapos silang mag-almusal at agad na naghanda sa kanilang paglalakbay.

"Di ba natin hihintayin si Mang Eping na bumalik dito bago umalis nang sa gayon ay makapagpaalam tayo nang maayos?" ,tanong ng dalaga.

"Nakapag-paalam na aki kagabi kaya wala ka nang dapag ipag-alala"

"Mabuti kung gayon, gobernador."

"Maglilibot tayo sa mga karatig lugar at sa buong San Lorenzo nang makakuha tayo ng impormasyon sa kinaroroonan ng pamilya ni Helena."

Agad na umalis ang dalawa at lumisan ng Tribo Gawisan.

"Una nating pupuntahan ang lugar kung saan sila unang nakatira para magtanong. Baka may nakakakilala sa kanila."

"Sana nga ay may makapagturo sa atin doon."

Inabot ng tatlong oras ang dalawa upang maabot ang maliit na pamayanan ng Samapaguita.

"Ano ang lugar na ito, gobernador at napakatahimik ng paligid." ,kinikilabotan ang dalaga pagkat malamig ang simoy ng hangin.

"Narito pa rin tayo San Lorenzo ngunit malimit na dinadayo ang lugar na ito pagkat maraming sabi-sabi na kapag mag-isa kang maglalakad sa kalsada ng Sampaguita ay hahabulin ka ng mga engkanto hangga't ika'y maligaw." ,kuwentk ni Jaunito.

"Kung ganoon ay babalik na lamang po ako sa dinanaan natin at maghihintay nalang po ako doon." ,nanginginig na sabi ng dalaga.

"Ano ba Carmelita, umaga pa naman ngayon. Natutulog pa ang mga engkanto." ,biro ni Juanito.

"Ayos lang po ako. Maghihintay na lang po ako."

"Di ba't nangako kang sasamahan mo ako kahit anong mangyari,Carmelita? Tila may pangakong masisira ngayong araw na ito.Hmmmm" ,pang-aasar ng binata sa dalagang natatakot maglakad.

"Oh sige... maiiwan ka ditong mag-isa at maglalakad pabalik nang mag-isa at sisigaw ka nang mag-isa.Pumili ka." ,tumatawang tanong ng binata habang tinatakot so Carmelita.

Hindi na nakapagsalita ang dalaga at sumama nalang.

"Ayan. Masunurin naman pala." ,ngumiti ang binata at naasar ng kaunti si Carmelita.

Napadaan sila sa isang palengke na dati nang pinagtrabahuan ni Juanito.Di kalakihang palengke ngunit maraming paninda at malinis ang kapalagiran kaya't hindi mabaho kahit sari-saring karne ang nakasabit. May baboy,manok, baka at isda. Nakapuwesto rin ang mga prutasan at gulayan.

May kakilala siyang tindera kaya nagtanong ito.

"Pamilyar ang iyong wangis , binata. " bati ng isang ale na nagtitinda ng makikintab na mga kuwintas.

"Ako nga po ito, Aleng Isabel." ,pangiting bati Juanito sa tindera.

"Naku! Kay tagal na kitang di nakikita dito, ijo. Ikaw ba ay nag-asawa na? Kumusta na si Helena. Iilan na ba ang anak ninyo." , pahingal na tanong ni Aleng Isabel.

Nagtinginan sina Jaunito at Carmelita at nagpaliwanag ang binata.

"Hindi niyo po ba nabalitaan?Matagal nang sumakabilang buhay si Helena. Kaya nga po kami naririto at nais kong humngi ng tawad sa pamilyang naulila niya."

"Kay bilis ng panahon. Di ko man lang namalayang wala na ang bunsong anak ni Paula. Kaya ka ba naparito dahil baka may nakakaalam kung saan sina Rosing at ang kaniyang pamilya?" ,tanong ni Aleng Isabel.

"Siya pong tunay." ,sagot ng dalaga.

"At sino naman itong napakasuwerteng babae na iyong mapapangasawa, Juanito?" ,biro ng tindera.

"Nagkakamali po kayo, Aling Isabel. Siya po si Carmelita, ang aking kaibigan." ,sagot ng binata.

Nagulat ang dalaga sa sinabi ni Juanito.

"Ahhh... Oo nga po. Kasama niya po ako sa paghahanap ng pamilya ni Helena."

"Napakandang dilag. Masuwerte ang lalaking makakatuluyan mo,ija. Baunin mo ang handog na ito bilang aking basbas sa sinumang lalaking magpapatibok ng iyong puso. "  ,kinuha ng ale ang maliit kahong nakatago sa ilalim ng mesa at inabot sa dalaga.

"Ano po ito?" tanong ni Carmelita.

"Huwag mong bubuksan ang kahong iyan hangga't di mo pa nakikilala ang lalaking mamahalin mo habang buhay. Ipangako mo sa akin iyan." ,bilin ni Aling Isabel.

"Pinapangako ko po. "

"At ikaw ijo, hindi ko alam kung saan lumipat sina Rosing ngunit may alam akong makakatulong sa inyo. "

"Saan po namin matatagpuan ang taong ito?"

"Sa Tribo Gawisan. Hanapin niyo ang pinuno nila na si Elpidio."

"SI MANG EPING!?" , sabay na pasigaw na tanong ng dalawa.

"Siya nga. Pero bakit kilala niyo siya at paano---" ,hindi natapos ang pagsasalita ni Aling Isabel dahil kumaripas ng takbo ang dalawa at nagmamadalimg makabalik ng Gawisan. "Mag-ingat kayo! Naku! Mga batang 'to."































Anak ng San AlfonsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon