Sa gabing pinulong ni Juanito ang mga pinuno sa bawat sulok ng San Alfonso ay nagpaiwan si Ca-tapang habang ang iba ay nagsiuwan na sa kani-kanilang pamamahay upang kausapin ng masinsinan si Juanito at linawin ang mga hinuha nito.
"Tila may ibig kang ipahiwatig na hindi mo masabi, gobernador.Kung ano man ito ay siguradong patungkol ito sa kababalaghang nagaganap.Tama ba ako?" ,tanong ni Ca-tapang.
"Kay hirap mag bintang nang walang matibay na ibensya. Sa katunayan nga'y maaring pagsimulan ito ng hindi pagkakaunawaan namin ni Don Castillano." ,pahiwatig ni Juanito.
"Sinasabi na nga bang pareho tayo ng iniisip.Pareho nating pinagdududahan ang mga taga San Lorenzo na sila ang may gawa nito." ,ngiting tagumpay ni Ca-tapang habak tumatawa ng konti at nagpatuloy siyang magsalita, "Alam mo Juanito, ako naging tumayong ama mo mula nang ika'y magbalik sa San Alfonso at noong una kitang nakita ay agad kong nasabi na magiging matalino at magaling kang pinuno. Nakita kong maganda ang layunin mo para sa bayang ito ngunit nakipagsundo ka kay Don Castillano ng San Lorenzo." , pagbabalik-tanaw ni Ca-tapang habang dahan-dahan silang naglakad-lakad.
"Sa pagkaka-alam ko'y magaling na pinuno si Don Castillano at di niya hahayaang may naghihirap na mamamayan at----" ,paliwanag ni Juanito ngunit nagsalita si Ca-tapang.
"Diyan nagsisimula ang lahat. Kunwari tinutulungan niya tayong bumangon pero sa bandang huli, sila rin ang magpapahirap sa atin."
Kumunot ang noo ni Juanito at akmang sisigawan si Ca-tapang "Ngunit kung hindi ako nakipagsundo ay hindi sana tayo nagkaroon ng lakas na magsimulang muli."
Binigyan ni Ca-tapang ng ngiti si Juanito at huminga ng malalim at tiningnan nito ng diretso sa mata si Juanito. "Ang lakas na tinutukoy mo ay na s'ating lahat.Nasa kaibuturan ito ng ating mga puso at naghihintay ma gamitin upang magbago. Ang lakas ay wala ninuman."
"Si Don Castillano ay matulungin sa mata ng mga mamamayan ngunit naidawit siya sa kasong pagpatay ng sariling anak at pagnakaw ng libo-libong halaga ng tabacco sa ibang bansa.Sa tingin mo,ano ang pakay niya sa pagtulong sa bayang ito?" , tanong ni Ca-tapang.
Kahit na may pagdududa si Juanito ay pinipilit nitong hindi mambintang ng walang ibedensiya."Ang pagtira nila dito ay kapalit ng pagtulong nila sa atin."
"Hanggang kailan ka magpapalinlang Juanito?Ang pananatili nila dito nakakasiguro ako na pinalano nila ito upang dahan-dahan nila tayong sakupin hanggang magiging karugtuong na ng San Lorenzo ang lupain ng San Alfonso.Sa madaling salita, balak nilang palawakin ang kanilang lupain sa pamamagitan ng pagpapahina ng ating ekonimoya at ang pag-ubos ng mga tao sa San Alfonso." , pagtatanto ni Ca-tapang.
"Pero...."
"Ako'y magpapaalam na sa iyo,gobernador at ako'y hinahanap na ng aking pamilya. Malalim na ang gabi at medyo malayo pa ang aking lalakarin.Maraming Salamat." ,dali-daling paalam ni Ca-tapang kay Juanito. Nang papalabas na ito sa mansyon ay lumingon itong muli kay Juanito "Mag -ingat ka Juanito, kahit sinuman ay hindi mo maaring pagkatiwalaan."
****
"Bukas aalis ako ng maaga at mawawala ako buong araw dahil hating gabi na ako uuwi.Sabay na kayong lahat kumain dito,wag kayong mahiya. Lahat ng tao sa mansyon ay sabay-sabay kayong kumain.Pag may maghahanap sa akin sabihin mong ----" hindi pa natapos magbilin si Jaunito ay nagsalita na ang tagapagsilbi.
"Sasabihin kong may pinuntahan kang pagpupulong at hindi ka makabalik agad.Tama po ba ako, gobernador?" ,masayahing tanong ng tagapagsilbi.
"Tama. Kaya siguraduhin niyong hindi magkakagulo dito. Ikaw ang inaatasan kong mamuno habang wala ako. Ang mga kasambahay papauwiin mo muna sa kani-kanilang bahay at sa lunes na pababalikin."
"Opo. Makakaasa po kayo."
Inabot ng tagapagsilbi ang sombrero ni Jaunito at ngumiti. Sinuot ito ni Juanito at kinuha ang maletang malaki at saka umalis. Bago pa man makalabas ng pintuan ang gobernador ay lumingon ito muli at tinanong ang tagapagsilbi.
"Paumanhin ngunit marami akong tagapagsilbi sa mansyong ito at mga taong dumaan sa pamumuno ko ngunit,ano muli ang iyong pangalan?"
"Carmelita,gobernador.Carmelita Montecarlos." ,ngumiti siya at nakipag kamay kay Juanito.Naalala na niya na sa nakalipas na mga araw ay parating sumasagap sa isipan niya ang pangalan na iyon.
"Carmelita.Kay gandang pangalan,binibini."
********************************
Iyan muna sa ngayon mga ginoo't binibini.
Paumanhin at masyadong natagalan bago ako nagsulat ng bagong kabanata dahil nagipit ako sa mga gawain sa esuwelahan.
Nawa'y patnubayan niyo ang kuwentong ito.
Huwag kalimutang iboto at ibahagi sa iba.
Maraming Salamat.
BINABASA MO ANG
Anak ng San Alfonso
FanficIsang istorya na hango sa orihinal na mga istorya. Ito'y pinagsasama-samang istorya ng I love You Since 1892 na isinulat ni Binibining Mia at The Lottery na isinulat ni Shirley Jackson. Saksihan ang mga pangayayaring maghahatid sa inyo ng aral. Ara...