"Matagal na pala nating nakakasama ang taong may alam sa kinaroroonan ng pamilya ni Helena, Carmelita." ,nagmamadaling makabalik ang dalawa sa Tribo upang kausapin si Mang Eping.
Sa dalang salapi ni Juanito ay nakapag arkila ang gobernador ng masasakyan upang mapabilis ang pagbalik sa tribo.
"Wala na bang ibibilis itong sasakyan niyo, Ginoo?" ,nagmamadaling tanong ni Juanito sa nagmamaneho.
"Mang Hulyo, kung akoy kanilang tawagin. Ang sasakyan kong ito ay isa sa mga pinakamabilis na maari mong masakyan. Ilang opisyales na ang aking nahatid at silang lahat ay nasiyahan sa aking serbisyo. Sana ay kayo rin" ,kinuwento ng mama ang kanyang mga naging alaala nang siya ay nagsilbi sa mga matataas na opsiyales na minsan nang nagsilbi sa bansa.
"Ipagumanhin niyo ang aking kasama,Mang Hulyo. Talagang nagmamadali lang talaga kaming makabalik dahil sa wakas ay masasagot naa rin ang mga katanungan ng aking kasama." ,pinaliwanag ni Carmelita ang naging asal ng binata.
"Maari ko ba makilala ang kasama mong iyan, binibini?"
"Siya si Gobernador Juanito ng San Alfonso"
Nabigla ang matanda at napahinto sa pagmamaneho. Tiningnan nito mula paa hanggang ulo ang binata at nanliksi ang mga mata.
"Mukha ka lamang ordinaryo na mamamayan,goberndaor. Paumanhin at uminit ang iyong ulo."
"Ayos lang,Mang Hulyo. Ang mahalaga ang makarating kami kaagad sa Tribo Gawisan."
Kumuha ng tigdadalawang suman at puto si Mang Hulyo sa kahon at iniabot sa dalawa.
"Kumain kayo nang mahimasmasan kayo sa pagod. Malinis ang mga iyan. Kakabili ko lang ng mga iyan kanina sa bayan." ,mabait na alok ng matanda.
"Matagal na rin akong di nakadalo sa mga kamag anak kong nasa Tribo Gawisan. Mahigit dalawampung taon nang maghiwalay kami ng aking asawa. Siguro nga ay hindi kami para sa isat isa. Pero nabiyayaan kami ng isang supling na bababe." ,nangungulilang pag aalala ng matanda.
"Hindi niyo po ba nakita kahit kailan ang iyong anak?" ,tanong ni Carmelita na hindi namamalayang nakahawak sa kamay ni Juanito.
"Bumalik ako kung saan kami nakatira noon ngunit matagal na daw naubos ang mga naninirahan. Usap usapan ay nakahanap ng ibang lalaki ang tanging babaeng inibig ko noon. Kung nasaan man sila ng anak ko, nawa ay maayos at masaya ang aking mag ina."
Bumuhos ang malakas na ulan sabay sa pagpatak ng luha ni Carmelita.
"Huwag kayong mag alala, matibay ang ating sinasakyan. Ilang bagyo na ang hinarap nito at di ito kailanman umurong." ,tinaggal ni Mang Hulyo ang tali ng panakip upang hindi mabasa ang mga sakay nito.
Napabuntong hinginga na lamang ang dalawa at nagtitigan na para bang may nais sabihin na hindi masabi. Tila nag uusap ang kanilang mga mata at mga nag niningning na mga ngiti. Sa lamig ng ihip ng hangin ay napayakap ang dalawa at di namalayang nakatulog.
Dumadagundong ang kidlat at mas lalong mubigat ang buhos ng ulan. Naging mahirap ang pag akyat ng sasakyan sa mabatong daan. Sa lakas ng hangin ay nagliliparan na ang mga bubong ng mga bahay. Nahirapang makakita si Mang Hulyo sa dinadaanan kaya't dumideretso lang ito nang sumalpok ito sa malaking puno.
Malakas ang pagtama kaya nabasag ang mumurahing salamin ng sasakyan. Nagising ang dalawa at natagpuan si Mang Hulyo na walang malay na nakahilata sa daan.
"Mang Hulyo!!!" , sigaw ng dalawa at pilit na binubuksan ang pintuan ngunit hindi ito magalaw dahil nakaharang ang malaking sanga at sa kabila naman ay pader.
"Paano tayo makaklabis ngayon!?" ,natatarantang hiyaw ng dalaga habang pinipilit na itulaa ang pinto sa kabila.
Hindi napigilan ng dalaga na umiyak at humagulgul kaya niyakap siya ni Juanito at pinatahan.
"Shhhhh, huminahon ka. Makaklabas tayo. Tingnan mo ako." ,nagtitigan ang dalawa at naglapit ang mga labi. Sa isang halik ay tumigil ang buong paligid at tumigil sa pag iyak ang dalaga.
"Makakalabas tayo,Carmelita. Nakikita mo ang mga basag na bintanang iyan? Diyan tayo dadaan. Mauuna kang lalabas.Ngunit kailangan nating maging mabilis dahil di tatagal at guguho na rin ang bubong ng sasakyang ito sa bigat ng mga batong nasa itaas." ,paliwanag ni Juanito.
"Paano kung hindi ka makalabas?"
"Makakaya natin to."
Sinipa ng binata ang mga bintana nang tuluyang mabasag ang salamin ng sa gayon sila ay makalusot.
Dumugo ang paa at binti ni Juanito dulot ng mga basag na salamin ngunit ininda niya ito dahil konting oras na lang ay guguho na ang bubong. Inangat ng dalaga ang kaniyang mga paa at inunang ilabas ngunit nahirapan itong gumalaw dahil sumabit ang kaniyang kasuotaan sa bintana. Umabot ng minuto bago ito natanggal.
Mas lalong bumigat ang puno sa ibabaw at gumalaw ito at upang mas lalong mahirapan ang binata sa paglabas. Tinulungang makalabas ni Carmelita si Juanito ngunit mas lalo lang ito nahirapan dahil nanghihina ang kaniyang katawan sa bigat ng punong nakapatong na sa kanyang katawan.
Sinubukang iangat ni Carmelita ang puno ngunit hindi ito kinaya. Sa pangatlong subok na iangat ang puno ay nagulat ang dalaga sa lalaking tumulong sa kaniyang likuran. Buong lakas ay naialis nila ang puno at tuluyang nakalabas si Juanito sa bintana.
Sa gitnaa ng pagyayakapan ay nakita ni Juanito ay lasog lasog naa katawan ni Mang Hulyo na naiipit sa punong inangat. Nagsisigaw ang dalawa upang may makahingi ng tulong ngunit may napansin si Carmelita habang lumilinaw ang paligid.
"Juanito..." ,bulong ni Carmelita.
"Ano iyon?"
"Tribo Gawisan na ito"
"Mabuti kung ganoon"
"At hindi tayo nag iisa..."
"Ano pa ang hinihintay mo ?Humingi ka ng tulong."
"Hindi sila mga Gawis."
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"Napapaligiran tayo ng mga rebelde."
Sa buhos ng ulan ay sumasabay ang agos ng mga dugo sa lupa ng kanilang kinatatayuan.
BINABASA MO ANG
Anak ng San Alfonso
FanfictionIsang istorya na hango sa orihinal na mga istorya. Ito'y pinagsasama-samang istorya ng I love You Since 1892 na isinulat ni Binibining Mia at The Lottery na isinulat ni Shirley Jackson. Saksihan ang mga pangayayaring maghahatid sa inyo ng aral. Ara...