Kookie Ko! -8

77 8 64
                                    


[ETHAN]

"Kaylee?" sabi ko saka biglang nakaramdam ng kaba, takot, kung ano ano pa. Siya? Kasama ko for the whole night? Kakausapin nya ba ako? Aish, malayo. Kahit kelan di nya ko kakausapin diba?

Sorry for being a negative person, but I'm just being realistic, sorry kung ang drama ko.

"Ate, ayoko. Iba nalang?" sambit ko kay ate Yana saka ngumiting pilit.


Napatingin muli sa akin si Kaylee na kanina ay nagbabasa ng libro, parang nalulungkot sya? Aish! Bat naman siya malulungkot? Kung ano ano naiisap ko, hahaha.

"Ah, eh. Ethan kasi di pwede."  sagot sa akin ni Ate Yana na mukhang naguguluhan na.


"Ah, okay." sabi ko at muling ngumiti ng pilit.


Kung makakasama ko naman kasi siya ay wala ring mangyayari, tiyak ako na hindi nya naman ako kakausapin.


"Ikaw Eunwoo? Sino nakuha mo?" pagiiba ko ng topic nakatingin na kasi silang lahat sa akin e.


"Maxine." tipid nyang sagot.



"WATDA?! Ayoko Ate Yanaaa!!" sigaw ni Maxine saka biglang inirapan si Matthew.


"Ethan?" mahinang sambit ni Ashley na binabasa yung papel na nabunot nya, si kami yung tatlo? Okay na yon, atleast may Ashley na kakausapin ako mamaya.



"Wala nang ayaw ayaw, let's go naaaaa!" biglang sigaw ni Ate Yana na mukhang excited na saka lumabas na ng bahay.

Pagkalabas naming bahay na sobrang bigat ng loob dahil nga ayaw namin sa mga kapartner namin, hindi naman sa ayaw ko kay Kaylee ha? Naiilang kasi ako pag kasama sya. Oo gusto ko sya, pero di nya naman ako kakausapin awkward kami mamaya.

So eto na nga, paglabas namin ng bahay biglang dumating si Kuya Kookie na galing pa sa kotse, napahinto kami bigla.

"Ahm, maguusap kami. Mauna na kayo. Hintayin nyo nalang ako." sambit ni ate Yana na may bakas ng pagkalungkot sa boses.

Wala na kaming choice kundi umalis at mauna na, dahil nga ang kasama ko si Ashley at Kaylee, sila yung kasama kong paalis ngayon.



[BREEYANA]


"Let's talk." wika ni Jungkook.


Alam nyo ba yung nararamdaman ko ngayon? Everytime mag bre-breakdown na ako. Naalala ko kasi mga nasabi ni Jungkook kagabi.


"About what?" Tanong ko sa kanya, kahit alam ko naman kung tungkol saan.



"About what happened last night." sambit nito.



"You know what Jungkook? Let's just forget that it happened. Wag na nating i-open topic yon. Kinalimutan ko na yon." walang emosyong wika ko sakanya.



"No." tipid nyang sagot.



Aalis na sana ako ng marinig ang mga salitang di ko inaasahang marinig mula sa kanya, "Look, I'm sorry. I'm sorry for blaming you all of these."


Kookie Ko! [Jungkook FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon