Kookie Ko! -10

62 6 36
                                    




[KAYLEE]

Papasok na ako sa school, dapat nga di ako papasok e. Pinilit lang ako ni Kuya, alam niyo namang di ko matitiis si Kuya, siya yung supportive kuya at sobrang caring.

"Baby girl, susunduin daw natin sila Ate Yana mo saka sila Aubrey." sambit sa akin ni Kuya habang nakatingin sa daan at nagmamaneho.

Nanlaki ang mga mata ko, sila Aubrey? Ibigsabihin kasama si Ethan? Bigla akong nakaramdam ng saya at napangiti, pero unti-unting nawala ang mga ngiti ko sa labi nang maalala yung confession na nangyari sa rooftop.

Nandito na kami sa tapat ng bahay nila ate Yana at hinihintay na silang lumabas. Pagka-labas nila ay sumakay na sila, pero wait?! Parang kulang? Parang di kunpleto araw ko? May hinahanap ako.


"Kuya, wala si Ethan. Sinundo si Ashley, sabay daw silang papasok." wika ni Aubrey, na siya namang ikinalungkot ko.





Maybe they really like each other...



Fast Forward


Pumasok na ako sa classroom, napahinto ako sa tapat ng pinto, at awtomatikong hinanap ng mata ko si Ethan. Nang mahanap ko siya ay nagkatitigan kami, but..



It only hurts me to see him like this, all I see in his pair of eyes are coldness and pain. He's not the same old Ethan I met. Dati pag nakita niya agad ko, nag h-hi siya agad, ngumingiti siya diba? Mag h-hi si Ethan sa akin diba? Ngingitian niya ako diba?





Please Ethan, smile.. please.




Hoping that he would smile, iniwas niya lang ang tingin niya sa akin at itinuon ang pansin sa kaninang ginagawa niya. He's not Ethan, he changed.


Nasasaktan ako, knowing na lahat 'to ay kasalanan ko, kung di ko sana siya sinaktan edi sana hindi siya ganito. Sana hindi siya magbabago, sana hindi siya cold, sana hindi siya in pain. Sana mahal niya pa ako.

Bigla nalang akong nakaramdam na mainit na likido sa gilid ng mata ko, agad ko naman iyong pinunasan gamit ang kamay ko. Hindi ako 'to, hindi umiiyak si Kaylee, hindi nasasaktan si Kaylee, I'm strong.

Hayyy ano ba yan, Kaylee! Kay aga-aga umiiyak ka na! Maganda bang simulan ang umaga ng ka-dramahan mo? Malakas ka, Kaylee, diba?

Natinag ako at umupo na sa upuan ko, one sit apart sa upuan niya. Hindi ako interesado makinig sa teacher namin ngayon, ewan ko ba kung bakit ganito epekto sa akin ni Ethan.


Fast Forward

Papunta na ako ng canteen mag-isa, at balak na sanang umupo, gusto ko muna kasing humiwalay sa barkada, alam ko namang kasama nila si Ethan e. Hindi ako bitter ha?! Gusto ko lang lumayo sa kanya, and why would I be bitter, eh wala namang kami? Hahaha.

"Heyyyy! Bakit mag isa ka?" oops, hindi ako nagkakamali na si Aubrey yon, and I'm pretty sure na andiyan din barkada namin.


Hindi nalang ako umimik, at nagpatuloy umupo sa table ko. Then the next thing happens, umupo silang lahat kung saan yung table ko, I should have take the single nalang dapat! Aish! Ang tanga tanga ko!

Kookie Ko! [Jungkook FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon