Kookie Ko! -4

112 10 1
                                    

[JUNGKOOK]



Nagising na ako, Hays ang sakit ng ulo ko. Ano nga ulit nangyari kagabi? Wala akong matandaan.


Gagalaw na sana ako para makaalis na ng kama, Pero...




“AHHHHHHHHHHH! BAKIT KA ANDITO SA KWARTO KO?! LUMAYAS KA NGA DITO!” sigaw ko kay Breeyana, saka tinulak siya papalayo sa akin.



“Hutaness! Ikaw nang hiltak sa akin kagabi dito sa kama mo kagabi! Tinawag mo pa nga akong Kaea—”





“UMALIS KA NA DITO!” sigaw ko sa kanyang galit na galit.






“Fine! Tsk.” sigaw niya saka lumabas ng kwarto ko.







Shit. Makaligo na nga! Buti naman Sabado ngayon, aalis ako ng bahay ayokong kasama si Breeyana ngayon! Takte, lagi niya nalang sinisira ang araw ko!





Naligo na ako, saka umalis na ako ng bahay. Huta, nang makapag-pahinga naman ako sa kakakulit ni Breeyana. Pupunta muna ako kila Jimin.




[BREEYANA]



Hays, nakakaboring kainis! Buti naman umalis si Jungkook ng bahay! Wag niyo na tanungin kung bakit, dahil sure naman akong alam niyo na! Text ko nalang kaya sila Mame ko? Punta ako sa kanila!



To: Gorgeous Mame Ko!

Hi mame! Pwede ba akong pumunta diyan sa bahay? Umalis kasi si Jungkook ng bahay e, ang boring kasi e.



11:15 AM

From: Gorgeous Mame Ko!

Sorry dear daughter, Hindi pwede ngayon eh, next time nalang. Tiisin mo nalang muna yung boredom mo. Marami kasi kaming ginagawa ni Daddy mo eh.


Hays! No choice ako nalang mag-isa dito! Psh. Si Ayesha naman may project daw siyang gagawin this Saturday and Sunday kaya magiging busy siya. So ano gagawin ko ngayon? Gosh! Nakalimutan ko nga pala may Hideaway dito sa likod ng bahay! Dun nalang ako pupunta!





Naglakad na ako papuntang Hideaway dito sa bahay, alam niyo naman na siguro yun diba? Yung maliit na manmade lake dito sa bahay, ang ganda nga eh manmade lake na garden. Ang sayang tumambay dito, ang tahimik kasi eh.



Umupo ako dun sa tabi ng lake, saka nilubog ko yung paa ko dun sa tubig. Ang lungkot ko talaga ngayon. Bakit kasi kailangan pa ako i-arrange marriage? Hays. Nami-miss ko tuloy sila Mame ko, nakakainis! Minsan iniisip ko nalang na nasa abroad sila Mame para hindi na ako malungkot, Pero ganon parin naman yun eh, walang pinagbago. Kasi masakit rin isipin na nasa abroad sila Mame, paano pa kaya yung hiniwalay na nila ako sa kanila? :'( Ang hirap. Ayoko na! Sumusuko na ako sa set-up na 'to! Bakit ganon? Bakit kailangan? Bakit kailangang ganito?! Inaantay ko nalang na sabihin ni Mame na ‘Itigil na natin itong set-up na to’ aasa pa ba ako, kung hindi naman mangyayari? Aasa pa ba ako kung imposibleng mangyari? Kilala ko si Mame, pag nag desisyon na siya buo na ang desisiyon niya. Kaya hindi na ako aasa, hahayaan ko nalang na maging miserable ang buhay ko para sa kanila :) kahit mahirap kakayanin ko.




Kookie Ko! [Jungkook FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon