CH-4

17 5 0
                                    

Chapter 4

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa hindi ko malamang dahilan. Pero tingin ko ay may kinalaman ito sa nangyari kagabi hihi.

Habang nagluluto ng breakfast ay narinig kong may kumatok sa pinto. Hmm? Sino naman kayo 'yon? May bisita ba ako ng ganitong kaaga?

"Sandali" sigaw ko habang pinapatay na ang kalan. Pagkatapos ay pumunta na ako sa pinto at binuksan ito.

Si Xyrus?! Anong ginagawa nya dito? Binibisita nya ba 'ko? Hihi

"Morning" bati nya pagkabukas ko. Kaya napangiti ako ng pagkalapad-lapad.

"G-good morning din! Bakit nga pala?" untag ko sa kanya na halata mong may bakas na kasiyahan sa boses ko.

"Isasauli ko lang 'to" sambit nya saka ipinakita sa 'kin ang platong pinaglagyan ko ng cake kagabi. Aww akala ko naman kung ano na.

"A-ahh oo nga pala hehe. Sige salamat." sabi ko sa kanya at saka kinuha ang platong hawak nya. Tatalikod na sana sya nang tawagin ko sya.

"Uhm, Xyrus?" lumingon naman agad sya nang tinawag ko sya.

"Yes?" nagtataka nyang tanong sa'kin.

"Uhm,nagbreakfast ka na ba?" nahihiyang tanong ko sa kanya.

"Not yet" simpleng sagot nya sa tanong ko.

"Sakto! Kakaluto ko lang. Dito ka nalang kumain ng umagahan!" masigla kong anyaya sa kanya. Hihi buti pala maaga akong nakapagluto. Nagtaas lang sya ng kilay sa sinabi ko at saka mabilis na pumasok sa loob. W-woah? Totoo?

Pumasok narin ako sa loob at saka isinarado ang pinto. Nakita ko naman syang nakaupo na agad sa upuan at nakatingin sakin. Para naman akong nahiya dahil sa kanyang tingin kaya tinignan ko ang aking sarili at napagtantong nakasuot pa pala ako ng apron kaya hinubad ko ito at ipinatong sa lababo.

Kumuha ako ng isa pang plato at inilagay sa harap nya. Ipinagsandok ko na rin sya. Habang ginagawa ko 'yon ay nararamdaman kong kanina pa sya nakatingin--no nakatitig-- sa akin. Kaya naman nang matapos ako ay umupo na ako. Tahimik lang kaming kumakain at minsan ay tumitingin ako sa kanya pero minsan din ay nahuhuli ko syang nakatingin sya sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin pagnakikita ko syang nakatingin sa akin.

Ang sarap pala ng ganito hihi kagabi,bago matulog ay sya ang huling taong nakita ko. At ngayon naman,sya ang unang taong nakita ko at sabay pa kaming kumakain ng umagahan. Naiisip ko tuloy na para kaming magboyfriend at girlfriend hihi. Kinikilig tuloy ako.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" napabalik ako sa ulirat nang magsalita si Xyrus. Nakakahiya! Nagdedaydream na pala ako dito! Geez.

"A-ahh wala naman" nahihiyang sambit ko pero nakangiti. Hindi naman na sya nagsalita at nagpatuloy na sa pagkain kaya ganun din ang ginawa ko.

Pagkatapos kumain ay hinugasan ko ang mga plato. Si Xyrus naman ay umalis na pagkatapos nyang kumain. 'Hindi man lang nagpasalamat hmp! Pero welcome naman sya hehe'

Nagulat ako nang makita ko si Xyrus na nanonood ng tv at prenteng-prenteng nakaupo sa sofa sa sala. Ohmygosh! Akala ko ba umalis na sya? Napalingon sya sa'kin marahil ay naramdaman nya ang presensya ko, kaya nagsalita ako.

"Uhm,akala ko umalis kana." nahihiya kong sabi.

"Bakit? Ayaw mo ba 'ko dito?" nakakunot noong tanong nya sa 'kin.

"No! Of course not! Ahm,ano lang kasi, ahh okay lang ba sayong dyan ka muna? Maglilinis kasi ako ngayon. O kaya gusto mo ba ng cake?" nahihiya ko paring tanong sa kanya.

"It's okay. I'm fine here. You can do whatever you want to do" sabi nya habang nakatingin sa tv.

Hindi na ako nagsalita at umakyat nagtungo nalang sa kwarto upang magpalit dahil nakapantulog pa ako. Pagkatapos ay lumabas na ako at saka nagsimulang maglinis. Habang naglilinis ay hindi ko alam kung bakit ako naiilang. Tinignan ko si Xyrus pero nakatingin lang naman sya sa tv. Marahil ay hindi lang talaga ako sanay na may ibang tao pagnaglilinis ako.

Lumapit ako sa kinaroroonan ni Xyrus upang kumuha ng isang upuan dahil masyadong mataas ang mga kurtina. Napatingin sya sa'kin.

"Ahm,kukuha lang ako ng upuan." paalam ko sa kanya. Tsaka hinila ang isang upuan para tapakan ko. Nang makatapak na ako ay nagsalita ai Xyrus.

"Anong gagawin mo?" nakakunot noong tanong nya.

"Ahm,tatanggalin ko yung kurtina. Papalitan ko kasi ng bago." sagot ko naman sa kanya. Hindi na sya nagsalita pero tumayo sya at lumapit papunta sa akin. Pinababa nya ako kaya bumaba ako. Nakita kong tinanggal nya isa-isa yung kurtina sa alambre.

"Akin na yung ipapalit mo,ako na maglalagay" utos nya. Kaya kinuha ko yung kurtina at saka ibinigay sa kanya. Mabilis naman nya itong natapos kaya bumaba na sya sa upuan.

"Ang bilis mong mailusot yung alambre" sambit ko. Totoo naman kasi,ang bilis nyang natapos. Samantalang pag ako ang nagpapalit ay limang minuto kada isang kurtina pero sya ay siguro mga limang minuto sa apat na kurtina.

"Nakasanayan lang." tipid nyang sagot. Tumango lang ako at saka nagpatuloy sa paglilinis. Sya naman ay umupo na ulit sa sofa.

Pagkatapos kong maglaba ay naligo narin ako. Natapos ako ng mga 11:05 na ng umaga. Pagpunta ko sa sala ay naabutan kong may kausap si Xyrus sa cellphone. Nakita nya ako kaya nginitian ko lang sya. Dumiretso ako sa kusina para magluto.

Nagluto ako ng sinigang na bangus. Mabuti na lamang ay may stock pa ako sa ref. Nang matapos kong ihanda ang mga plato sa lamesa ay nagpunta ako sa sala para tawagin si Xyrus.

"Xyrus,kain na tayo?"agaw atensyon ko sa kanya. Tumango lang sya at tumayo at saka sumunod sa akin sa kusina. Gaya kaninang umaga ay ipinagsandok ko na rin sya. Habang kumakain ay nagsalita ako.

"Xyrus?" tawag ko sa kanya

"Hmm?" tinignan nya lang ako saglit at saka kumain ulit.

"Ahm, sino yung kausap mo kanina?" nahihiyang untag ko sa kanya.

"Stella" simpleng sagot nya kaya naman ay nagpatuloy nalang ako sa pagkain.

Matapos kaming kumain ng tanghalian ay kumain kami ng natitira pang cake.

As usual, ayun pumunta nanaman sya sa sala at naupo. Ako naman ay niligpit ang pinagkainan namin.

Mga bandang alas dos ay nagpaalam na si Xyrus na babalik na sya sa apartment nya. 'Ayaw na ba nya dito? Hmm'

-

[Naku beshi ah! Madami kang utang na kwento sa'kin! At dapat ay bayaran mo 'yan pag nagkita tayo!]

Halatang-halata sa boses ang kilig nya kaya napangiti ako. Tinawagan ko sya kanina dahil wala naman akong ginagawa. Ikinwento ko kasi sa kanya na naggoodnight sakin si Xyrus at ngayon naman ay dito sya nag-agahan at tanghalian! Syempre hindi ko yata kaya na hindi ilabas yung kilig ko 'no!

"Hihi oo beshi! Basta pagnagkita tayo hihi" kinikilig kong sambit.

[Ay nako bakla ah! Kinikilabutan ako dyan sa hagikhik mong yan!]

What? Something wrong about my giggle?!

"Huh? Ba't naman beshi? Hihi kinikilig lang ako 'no!" agap ko naman sa sinabi nya.

[Kylie! Eto magkano ba 'to?-- ay nako! Beshi mamaya nalang ulit okay? May bumibili e haha--- eh eto?] narinig ko namang medyo umingay sa kabilang linya marahil ay may bumibili na nga.

"Ano ka ba bakla! Haha okay lang. Okay. Byeeers!" sambit ko at saka pinatay ang tawag. Si beshi ay nagtitinda ng ukay-ukay  t'wing weekends. Para na rin daw may panggastos sya sa araw-araw. Sinabi ko naman sa kanyang pwede ko naman syang bigyan dahil parang kapatid ko na sya ngunit ayaw nya. Ang gusto nya ay sariling sikap nya makukuha ang pera nya. Sus! Ang dami talagang arte nun sa buhay! Bat 'di nya ako gayahin? Si Xyrus lang sH4ph4+$ n4! Charought haha.

Anyways, ano kayang ginagawa ni Xyrus ngayon? Hmm. Namimiss ko na agad sya! Huhu pero okay lang nakasama ko naman sya ng kalahating araw hehe

___
Don't forget to vote and comment! ;)

-Mae❤

Loving XyrusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon