CH-7

4 1 0
                                    

Chapter 7

Linggo ngayon at niyaya akong kumain sa labas ni Aivan. Buti pa si Aivan niyayaya ako samantalang si Xyrus hays ako na nga yung nag-aaya sa kanya tapos ayaw nya pa ! Hmp!

Mamaya nya pa ako susunduin pero nakaayos na ako. Hays si Xyrus! Bakit ba kasi hindi sya umuuwi? Nakailang text na ako o tawag pero hindi naman nya sinasagot,buti pa si Aivan pagkatext ko magrereply agad kahit busy daw sya sa office nya! Tapos si Xyrus hindi man lang ako mareplyan! Hmp! Bahala sya! Magsama sila nung babaeng mangkukulam na yun!

-

"Anong gusto mong kainin,Ally?" tanong sa akin ni Aivan dahil nandito na kami ngayon sa mall. Kakain muna kami at saka manonood ng movie. Pagkatapos ay quantum.

"Kahit ano,ikaw na ang bahala" nakangiti kong sagot.

Tumayo na sya at saka pumunta ng counter. Habang naghihintay ay naisipan kong itext si Xyrus.

To: Bebe Xyrus <3

Hi! Kailan ka ba kasi uuwi dito Xyrus?

Pagkasend ko nun ay itinago ko na ulit yung cellphone ko sa bag ko. Sakto namang dumating na si Aivan kaya kumain na kami.

Nang matapos ay nanoood kami ng movie,hindi ko na masyadong idedetalye dahil sa totoo lang parang hindi ako nasiyahan d'on. Pagpunta namin ng quantum ay narami kaming nilaro,kumanta pa nga kami,ay hindi sya lang pala. Bakit ganun? Nandito nga kami para magsaya pero hindi ko magawang magsaya?

-

"Ally may problema ka ba?" napatingin ako kay Aivan dahil sa tanong nya. Ngumiti ako ng tipid at saka sumagot.

"Wala naman,may namimiss lang ako."

Tumango lang sya at saka ako hinila patayo. Nandito kami ngayon sa isang parke.

"Bili tayo ng ice cream?" alok nya.

"Sige ba!" excited kong sagot. Paborito ko kasi ang matatamis. Tulad ng cake,ice cream, chocolate at marami pa.

Natawa naman sya sa sinabi ko. Pumunta kami sa nagtitinda aat bumili.

"Para kay Princess Allyzon, isang chocolate ice cream" nakangiting bigay nya sa'kin ng ice cream. Natawa naman ako sa inakto nya.

"Ano ba! Haha halika na nga ulit dun" pagyaya ko sa kanya pabalik sa inupuan namin kanina.

"Alam mo ba, masaya ako ngayon Allyzon." nakangiti nyang sabi sa'kin kaya nginitian ko rin sya.

"Ako rin naman. Thank you nga pala"

"Saan naman?" nagtataka nyang tanong.

"Sa libre! Haha" natatawa kong tugon.

"Haha ano ka ba! Para yun lang e. Pero seryoso,salamat talaga Ally dahil pumayag kang makipagdate sa'kin" nakita kong ngumiti sya ng  nakakaloko kaya inirapan ko sya.

"Anong date ka dyan!" narinig kong tumawa sya sya kaya hinampas ko sya.

"Oo date 'to 'no! Haha" lalo syang tumawa sa sinabi nya. Nako! Nababaliw na yata ang isang 'to!

"Hmp! Sige na nga! Pero friendly date! Haha" tumawa na lang din ako sa pinag-uusapan namin.

"Alam mo ba dati sa kanya ko lang nagagawang tumawa. Sa kanya ko lang nagagawang ipakita yung tunay na ako." pagkwekwento nya.

"Kanino?" nakakunot noong tanong ko.

"Kay Maica" ngumiti muna sya at saka nagpatuloy.

"Nakilala ko sya since high school,naalala ko pa nga, nung una ko syang makita ay binubully sya ng mga school mates ko. Pinagtanggol ko sya nun at dun nagsimula yung pagkakaibigan namin. At dun din nagsimula yung pagtingin ko sa kanya. Araw-araw lagi na kaming magkasama,magkasabay kahit saan. Bestfriend na nga kami e haha. Tapos one time, umamin ako sa kanya. Inamin ko sa kanya na nagkakagusto na ako sa kanya. Pero ang sabi nya hanggang kaibigan lang ang maibibigay nya. Then after that day naging ilang sya sa'kin.Ang sabi ko nun sa kanya, kalimutan nalang namin yung pag-amin ko sa kanya wag nya lang akong iwasan. Pumayag sya nun haha pero alam mo ba? After one week nabalitaan kong may boyfriend na sya! Ang saya diba? Nasaktan ako nun,pero hindi ko ipinakita sa kanya dahil ayokong lumayo sya sakin. Nakita ko kung gaano nya kamahal yung lalaki na yun,kaya nagparaya ako. Pero nakakaputangina lang,wala pang one month niloko na sya nung lalaki! Nakita ko kung gaano nasaktan si Maica nung mga oras na yun, Ally. Nakita kong kung paano sya umiyak,gaya nung pag-iyak ko sa kanya. Nasaktan ako nun dahil nasaktan sya. Alam mo kung anong ginawa ko dun sa lalaki? Binabugbog ko! Pinabugbog ko Ally! Alam kong masama iyon pero gago kase sya e! Nung una palang binalaan ko na sya na wag na wag nyang sasaktan si Maica pero tangina lang! Sinaktan nya! Anong karapatan nyang saktan yung mahal ko?! Gago ba sya?!" niyakap ko na sya dahil habang kinukwento nya 'yon ay umiiyak na sya. Halata kong nasasaktan sya.

"Shh. Everything happens for a reason, Aivan." hindi sya umimik at humikbi lamang.

"I love her so much, Ally" sambit nya sa pagitan ng  hikbi nya.

"Let's go home?" anyaya ko sa kanya. Marahil ay napagod sya. Tumango lang sya at tumayo kaya tumayo narin ako.

--

From: Aivan

I'm home. Thanks for the day.

To: Aivan

No problem. U rest ok? I know ur tired.

From: Aivan

Yeah. Thanks. Sorry for the drama :)

To: Aivan

Haha. Eat before rest. I'll take a bath.

From: Aivan

Okay. U too. Goodnight btw.

To: Aivan

Goodnight.

Hindi na sya nagreply pagkatapos marahil ay napagod talaga sya. May pagkaemo rin pala ang isang yun. Akala mo kung sinong laging nakangiti haha. Pero,ang saya talaga 'no? Nakakilala ako ng katulad ko? Na may ibang mahal yung mahal namin. Saklap </3

Pagkatapos kong maligo ay nahiga na ako sa kama. Naisipan kong i log in ang facebook ko dahil matagal-tagal ko na itong hindi nachecheck.

Xyrus Villaroman accepted your friend request...

Nagulat ako sa nakita ko sa notif ko. Ohmygosh! Nag online si Bebe Xyrus kanina?! Base kasi sa nakalagay dun ay kaninang umaga nya lang in-accept.

Tinignan ko ang timeline nya at nakitang may bago syang post kanina.

I'll be back! Very soon!
165 likes and reacted to this post.

Nagmadali akong ichat sya.

Message to: Xyrus Dela Fuente

Hi Xyrus! Bakit hindi ka nagrereply sa mga text o tawag ko? Nakakainis ka! Imy btw :*

Pagkasend ko nun ay naglog out na ako.

Hmp! May pafacebook facebook pa sya! Samantalang itext ako di nya magawa! Katampo na 'no! Kahit bilang kapit bahay lang! Hmp!

Loving XyrusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon