Chapter 6
Lumipas pa ang mga araw ay wala paring Xyrus akong nakikita. Hay. Kailan kaya babalik yun? Miss na miss ko na sya! Huhu Nakakainis talaga!
After nung last text ko ay hindi na muling nagtext si Xyrus. Ganun ba sya kabusy kahit ang pagreply ay hindi nya magawa? Nakakalungkot.
"Baby girl!" napaigtad ako dahil sa sigaw ni Mommy sa 'kin. Andito ako ngayon sa mansyon nina Mommy. Pinapunta nya ako dahil miss na miss na daw nya ko.
"Po?" untag ko agad. Kasi naman e! Magkatabi lang naman kami tapos sinisigawan nya ko? Huhu
"Hindi ka naman nakikinig eh. Bakit ba nakabusangot ka dyan? Haha" asar ni Mommy sa'kin. Nagpout ako kaya lalo syang tumawa.
"Mommy naman e! Eh kasi si Xyrus..." ipinakita ko kay Mommy na nalulungkot ako. Totoo naman e.
"Ano si Xyrus?"nagtatakang tanong ni Mommy sa akin.
"Eh Mommy naman e! Alam mo namang gusto ko si Xyrus!" pagkasabi ko nun ay nagpout ako. Narinig ko namang tumawa si Mommy kaya sinimangutan ko sya.
"Gusto nga lang ba baby girl? Baka mahal mo na? Haha" nang aasar na untag ni Mommy.
"Mommy naman e! Basta! Namimiss ko na po si Xyrus, Mommy..." nalulungkot kong sabi. Ang gusto ko lang naman kasi ay payagan ako ni Mommy na pumunta ng France para sundan si Xyrus! Aba malay ko kung nagpakasal na 'yon doon?! Hindi pwede! Baka nakakalimutan nyang may pamilya sya dito!
"Hmm? Baby girl? I know that tone. Don't use that to me!" banta agad ni Mommy sa'kin kahit na nga ba ay wala pa akong sinasabi. Sumimangot ako lalo kaya napabuntong hininga siya.
'Payagan mo na ako Mommy! Please!'
"Mommy..." nagpuppy eyes pa ako kau Mommy baka kasi tumalab hehe
"Alright, I'll call him. Just behave okay?" tumango agad ako sa tanong ni Mommy. Tinawagan nya nga si Xyrus pero hindi nito sinasagot. Nakailang ulit pa si Mommy pero wala paring sumasagot kaya naman ay tinigilan na nya.
"Ayaw sagutin baby e" sabi ni Mommy at saka inilapag ang cellphone nya. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.
"Okay lang Mommy! Hehe ay hala! Maggogrocery pa pala ako Mommy! Aalis na po ako. Bye Mommy. I love you po!" paalam ko kay Mommy at saka tumayo.
"Aww,okay baby. I love you too. Take care. Bisitahin mo ako ulit next time okay?" kiniss nya ako sa noo saglit saka nagpaalam na.
-
NANDITO ako ngayon sa super market at tinitignan kung may nakalimutan ba akong kunin? Hm? Ano pa ba? Para kasing may nakalimutan ako e.
Ahah! Fresh milks ko! Bakit yun pa yung muntik kong makalimutan? Hay. Iniwanan ko muna saglit sa tabi ang mga kinuha ko na nasa cart. Dali-dali akong nagtungo kung saan naroon ang mga milks at kinuha ang favorite kong brand. Pabalik na sana ako kung saan ko iniwan ang cart ko ng biglang may nakabangga ako.
"Ouch" daing ko dahil nautog ako sa kanya.
"Oh, I'm sorry Miss. Okay ka lang ba?" he asked while checking me out.
"Ahh okay lang. Sorry din" hingi ko mg paumanhin sa kanya dahil alam kong may kasalanan din naman ako 'no!
"Nasaktan ka ba?" tanong nya ulit. Umiling ako agad bilang sagot. Nginitian ko sya at saka nagsalita.
"No worries. I'm perfectly fine. Excuse me" sabi ko na lang dahil gusto ko ng umuwi.
"I'm sorry talaga. By the way I'm Aivan. Aivan Go, and you are?" pakilala nya sa'kin at saka inabot ang kamay nya. Nung una ay nag-aalinlangan pa akong abutin yun pero inabot ko rin naman.