Chapter 9
MAGANDA ang gising ko ngayon dahil sa natanggap kong text kaninang umaga.
From: Xyrus
Good morning. Eat your breakfast before anything.
Kinikilig parin ako hanggang ngayon sa t'wing naiisip ko yung text ni Xyrus at yung sinabi nya nung nakaraang araw. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula ng dumating si Xyrus. At mahigitbisang linggo na rin simula ng maging mabait sya sa'kin.
"Nako Beshi! Baka sa susunod ay malalaman ko na lang ay jowa mo na iyang si Fafa Xyrus ah! Nako!" kinikilig na sabi ni Beshi sa akin. Nandito ako ngayon sa tindahan nya. Tinutulungan ko syang magtinda at para narin maikwento ko ang mga napakagandang nangyayari sa aking buhay! Hihi
Walang masyadong bumibili kaya nagkwekwentuhan muna kami ni Beshi. Kaya daw matumal ang benta ngayon ay dahil hindi weekends.
"Ano ba Beshi! Hihi pero anong malay mo! Hihi" humahagikhik kong sabi sa kanya.
"Ay ang loka! Wag kang kiligin masyado! Etong babaeng 'to! Kay landi-lande! Jusmiyo! Pero Beshi! Patigin kasi ng pictures nyo ni Fafa Xyrus! Hihi" sabay irap nyang sabi. Sinimangutan ko sya.
"Beshi naman e! Sabi na kasing ayoko! It's for me and Bebe Xyrus only!" nakasimangot kong sabi sa kanya. Pero ang bakla,inirapan lang ako.
Kanina nya pa kasi pinagpipilitang tingnan yung pictures namin ni Xyrus pero hindi ako pumapayag.
"Sus! Kadamutan mong babae ka! " sabi nya nalang. Tinawanan ko lang sya at hindi na nagsalita pa.
-
"Sige Beshi! Bye!" paalam ko kay Beshi dahil aalis na sya. Andito kasi kami ngayon sa apartment ko.
Beep.
Napatingin ako sa cellphone ko dahil may nagtext.
From: Aivan
Hi Ally! How are you? Sorry I'm busy masyado.
Napangiti ako sa nabasa ko. Oo nga, ilang araw din kaming hindi nakapag-usap ni Aivan.
To: Aivan
I'm fine Aivan. It's okay. U?
I replied. After a few minutes he texted already.
From: Aivan
I'm fine too. I didn't see u dis past few days.I miss u ya know.
Uminit ang pisngi ko sa nabasa ko. Argh! Aivan!
To: Aivan
Aww. I miss u 2.
From: Aivan
Got to go. Sorry.
To: Aivan
It's ok. Ingat.
After non ay hindi na ako nakatanggap ng reply mula kay Aivan. Marahil ay busy talaga sya.
Mayamaya ay nakarinig ako ng katok galing sa pinto kaya tumayo ako para tignan kung sino ang nasa labas. Nagulat ako ng makita kung sino ang nasa tapat nito.
It's Xyrus!
"Ahm, bakit?" nagtataka kong tanong.
May ipinakita naman sya sa'king plastic bag at saka sya dire-diretsong pumasok papuntang kusina. Anong problema nito?
Sumunod ako sa kanya at nakita ko s'yang inilalabas ang mga pinamili nya.
"Bumili ako ng mga kakailanganin para sa sinigang. Can you cook for me?" aniya habang inilalabas isa-isa ang mga pinamili nya. Nagulat man ay tumango lang ako.
