Chapter 2
"Allyzon!" narinig kong tawag sakin ni kuya Adrian. Andito nga pala sya sa apartment ko dahil wala naman syang pasok. Sabado ngayon kaya siguro ay nabobored sya at naisipan nyang pumunta dito.
"Ano?" naiinip kong tanong. Nakakainip naman kasi. Wala akong ginawa dito kundi kumain ng kumain hays. Bat ba kasi wala dito sa Bulacan si Xyrus? Waaaah!
"Nakikinig ka ba sa sinasabi ko huh?"
Mahigit isang linggo na nung umalis si Xyrus at isang linggo narin ang nakalipas nang ireject nya ko. Asan ba kasi yun?*PAK*
"Araaay~" nakita ko si kuyang nakatingin ng masama sakin.
"Bakit ba nangbabatok ka kuya?! Eh kung batukan din kaya kita gusto mo?!" angal ko sa kanya dahil binatukan ako ng bakulaw. Whahaha
"Tss. Di ka kasi nakikinig. Kanina pa ako salita ng salita dito. Asan ba yang utak mo? Na kay Xyrus na naman?" sermon nya sakin.
"Kuya naman e hehe sowii na hehe" nagpiece sign pa ako sayo.
"Tss. Hanggang kailan ka ba magkakaganyan Allyzon ha? Simula first year gusto mo na yang si Xy. Nakagraduate na tayo ng college lahat lahat gusto mo parin sya?!" asik ni kuya sa akin. Oo, tama sya. Simula palang high school ay gusto ko na si Xyrus. Maski naman ako ay napapaisip kung bakit hanggang ngayon ay gusto ko sya. Gusto ko kung nasaan sya ay nandun din ako. Gusto kung gusto ko sya ay gusto nya rin ako,pero ayaw naman nya sakin. Huhu. Pero ano bang magagawa ko eh sya lang ang gusto ko? Hihi
"Eh kuya naman ihhhh, alam mo namang masaya ako kay Xyrus. Tsaka isa pa kailan ka pa nagkapake aber? Bat nanenermon ka dyan?" nagpout ako sa kanya pagkatapos kong sabihin yun.
Totoo naman kasi e. Hindi naman nya ako pinakikielaman pero ngayon nangingialam na sya? Ano bang nahithit nito? Charot hihi
"Tss ang akin lang naman Ally, tigilan mo na yang kahibangan mo. Nag aaksaya ka lang ng oras. Alam mong walang wala ka sa standards ni Xy sa mga babae pero nagpupumilit ka parin? Tsaka ano 'tong nabalitaan kong niyaya mo syang makipagdate huh? Ganyan ka na ba ka desperado?" halatang naiinis nyang sabi sa akin.
"Eh kuya naman! Bat ba kasi nakikielam ka pa? Buhay ko naman to e!" hindi ko narin mapigilang mainis. Dahil una sa lahat ay ano ba kaseng ginagawa niya dito? Bat ba sya nagpunta dito? Para sermunan ako?
"Ally? Sinisigawan mo na ko?Ganyan ka na ba? Wala ka ng respeto sakin?" hindi makapaniwalang tanong nya sa akin.
"Kuya naman eh hindi naman ga---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nagsalita ulit sya
"Kahit na. Dahil lang kay Xy nagkakaganyan ka na? What happen to my baby Allyzon?" tila dismayado nyang sambit sa akin at nagtungo papunta sa kusina. Sinundan ko naman sya dun.
"Kuya..." sinubukan kong tawagin sya ngunit hindi nya man lang ako binalingan.
Nakatayo sya ngayon sa harap ng ref at may hawak na baso.Lumapit ako sa kanya tsaka sya niyakap sa likod.
"Kuya...sorry na~" malambing kong sambit sa kanya habang yakap sya.
"Sorry na kuya ko. Ako parin naman yung baby Allyzon mo e. Sorry na nasagot kita. Sorry po" may bahid ng lungkot ang pagkakasabi ko.
Tinanggal nya ang pagkakayakap ko sa likod nya tsaka humarap sakin.
"Tss. Forgiven. Sorry din baby girl." niyakap niya ako ulit saglit at iniharap akong muli sa kanya.
"Basta laging mong tatandaan na hindi lahat ng oras mo ay dapat na kay Xy. Minsan nakakatanga ang pagiging tanga okay? Haha" sabi nya saka ginulo ang buhok ko.