Chapter 10
Nagdaan pa ang ilang linggo ay ganun pa rin si Xyrus sa akin. Halos araw-araw na nya akong tinetext o tinatawagan. Minsan pa nga ay pumupunta sya sa bahay ko.
Nagtataka man ay masaya ako. Masaya ako dahil hindi ako tulad ng dati. Tulad ng dati na laging nagpapapansin kahit na hindi naman kapansin-pansin. Na tulad ng dati na laging nangungulit kay Xyrus. Dahil ngayon sya pa nga mismo ang nangungulit sa'kin. Minsan pa nga,nagugulat nalang ako bigla syang sumisimangot pag sinasabihan ko syang makulit, natatawa nalang ako dahil bihira kong makitang ganun si Xyrus.
Nandito ako ngayon sa apartment ni Xyrus. Mag-isa lang ako dahil umalis saglit si Xyrus dahil may aasikasuhin labg daw saglit sa opisina nya. Ayaw ko man wala naman akong magagawa kaya pumayag na ako. Nililibang ko na lang ang sarili ko gamit ang cellphone.
Mahigit kalahating oras na nang umalis si Xyrus at hanggang ngayon ay hindi parin sya bumabalik. Tinext ko sya kanina at tinanong kung matatagalan ba sya pero wala naman akong nakuhang reply sa kanya.
'Pinaghihintay talaga ako ng lalaking yun! Hmp! Kung hindi ko lang sya gusto!'
Minsan napapaisip ako kung ano ba ang nararamdaman sa'kin ni Xyrus. Kung pareho ba kami ng nararamdaman o hindi. Pero umaasa ako na kahit papano ay may nararamdaman sya para sa'kin. Hindi naman sya magiging ganito sa'kin kung wala diba?
Ang sabi sa'kin ni Beshi ay mutual understanding ang tawag sa relasyon namin ni Xyrus. Hindi man kami, parang kami naman. At tama naman sya dahil para kaming magkasintahan sa bawat ginagawa namin. Merong sabay kaming kakain,laging may text, may tawagan, at may lambingan hihi
Tinitigan ko ang cellphone ko na ngayon ay wallpaper na ang picture naming dalawa ni Xyrus. Napangiti ako. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala. Dati ay pinapangarap ko lang ito,pero ngayon nangyayari na talaga.
Nagulat ako ng may bigla nalang may yumakap sa akin mula sa likod. Napangiti ako ng makitang si Xyrus ito.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong ko agad sa kanya. Hindi nya ako sinagot. Hinigpitan nya lang ang yakap nya sa'kin. Humarap ako sa kanya para makita sya ng tuluyan. Hinawakan ko ang dalawa nyang pisngi at saka sya nginitian.
"Okay ka lang?" nag-aalala kong tanong sa kanya.
"Yeah." tipid nyang sagot. Umalis na sya ng pagkakayakap at saka pumasok sa kwarto nya. Marahil ay magbibihis. Hindi ko alam pero parang may mali kay Xyrus. May problema ba sya?
Paglabas nya ay nakita kong nakashorts at nakasando lang sya. Lumapit sya sa'kin at saka umupo sa tabi ko. Tahimik lang sya habang nanonood sa tv kaya naman ay nagsalita ako.
"Xyrus?" agaw pansin ko sa atensyon nya. Tumingin sya sakin saglit at saka itinuon muli ang atensyon sa tv.
"Xyrus? Galit ka ba?" pagsasalita ko muli.
Hindi man lang tumingin sa'kin o nagsalita. Nakatuon parin abg seryoso ng mukha sa tv.
Lalapit sana ako lalo sa kanya kaso lang ay napansin kong umurong sya palayo sa'kin.
Kumunot ang noo ko sa ginawa nya. May problema ba? Nanatili nalang ako sa pwesto ko at hindi na umusog pa.
"Xyrus..." mahinahong sambit ko. Pero sa loob loob ko ay nagsismula ng manikip ang dibdib ko. Bakit hindi nya ako pinapasin? May nagawa ba ako?!
"Xyrus...pansinin mo naman ako oh..." nagsusumamo kong sabi.
Tumingin sya muli sa akin at nakita kong blanko na ang kanyang mukha. Wala na akong nakikitang emosyon dito. Kung tumingin sya sa akin ay katulad na ng dati. Naiiyak na ko!