Jealous

2.2K 113 11
                                    

I.

"Dito na ba ulit maglalagi ang anak nina Mrs. Bermudez? Tanong ni Aileen sa akin. Gumagawa kami ngayon ng project sa Science. Si Tyson ang tinutukoy niya.

"Hindi ko alam," sagot ko. Hindi ko talaga alam, ang alam ko lang suspended si Tyson sa school niya sa Manila kaya siya nandito.

"Sabi ni mama narinig daw niya kahapon nag-uusap si Tyson at si Lizzy, sabi daw ni Tyson magtatransfer na daw siya dito. Nililigawan niya ata si Lizzy?" Sabi pa ni Aileen. Nagtatrabaho kasi ang mama niya bilang operation supervisor sa isa sa mga restaurant ng mommy ni Lizzy.
Kaya pala halos maghapong wala kahapon si Tyson sa mansion kasi kasama niya si Lizzy?

Bakit nasasaktan ako? Nililigawan ni Tyson si Lizzy? Dapat pa ba akong magtaka, mayaman sina Lizzy tapos maganda pa? Parang pinipiga ang puso ko. Parang ang hirap namang huminga?

"Friend, nagriring ang phone mo. Kanina ka pa tulaley diyan?" Sabi ni Aileen.

Si Tyson ang tumatawag, sinagot ko ito.

"Hello," sabi ko.

"Bat ang lungkot ng boses mo, masama ba ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong ni Tyson sa akin.

"Huwag mo na lang akong sunduin sir, magtatricycle na lang ako pauwe." Sabi ko kaagad.

Siya kasi ang naghatid sakin dito kanina at sabi niya susunduin niya ako kapag tapos na kaming gumawa ng project.

"Anong tinawag mo sakin?" Iritadong sabi niya, "tapos na ba kayo? Susunduin nga kita bakit magtatricycle ka?" Medyo malakas na ang boses ni Tyson.

"Sige kaw bahala, tapos na kami. Hintayin na lang kita dito." Sabi ko na lang, useless din naman kung ipipilit ko pa ang gusto ko.

Naghanda ng meryenda si Aileen habang hinihintay namin si Tyson.

May humintong sasakyan sa harap ng bahay nina Aileen pero si Jerome ang dumating at hindi si Tyson.

"Bat nandito ka?" Tanong ko kay Jerome.

"Baka kasi kamag-anak ko sa mother side si Aileen, baka pwedeng dalawin ko siya?" nakangiting sabi ni Jerome.

"Hala sorry, haha. Nawala sa isip ko." Natatawa kong sabi.

Nagtatawanan kami ng biglang dumating si Tyson.

"Hey bro, kamusta?" Bati ni Jerome dito.

"K, lang," Tipid na sagot nito, tapos ang sama ng tingin sakin. Ano naman kaya ang kasalanan ko?

Naiinis na naman siya. Nagpaalam din ako kaagad kina Aileen at Jerome na uuwe na.

"Kaya pala ha, magtricycle daw?" Bugnot na sabi ni Tyson. Nasa kanyang kotse na kami. "So mas gusto mong si Jerome ang maghatid sayo?"

Sabi ko na nga ba eh, tama ako. Inis nga siya at dahil na naman kay Jerome.

"For your info, wala pa si Jerome nang tumawag ka. Hindi ko nga alam na darating 'yon eh." Depensa ko. Matamlay pa rin ang boses ko.

Apektado pa rin ako ng sinabi ni Aileen tungkol sa kanya at kay Lizzy.

"Ang saya-saya nyo kanina, ah? Bakit ngayong tayong dalawa na lang ang lungkot mo?" Hay naku, maloloka talaga ako sa lalaking 'to. Kung ano-ano ang napapansin.

"Pati ba naman iyon napapansin mo?" Asar kong tanong.

"Tinawag mo na naman ako sir kanina." Sita ni Tyson sa akin.

"Pasensya na, nawala lang sa isip ko." sabi ko. "Hindi naman ako malungkot, ah." Pinilit kong ngumiti.

"Lapit ka nga dito." Utos niya sa akin pero binawe din niya kaagad. "Sige ako na lang ang lalapit ako sayo." Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisnge.

Let It Be Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon