How Can I Not Love You?

2K 105 4
                                    

I.

"Friend, ilang araw na kitang napapansing malungkot, may problema ka ba?" Sabi ni Aileen sa akin.

Nandito kami sa playground ng school, hinihintay na lang naming magbell para umuwe na.

"Hindi naman, medyo sumasakit lang kasi ang migraine ko." Sagot ko sa kanya.

Dahilan ko lang kay Aileen ang migraine ko. Malungkot talaga ako at kita pala iyon sa mukha ko. Hindi ko pala kayang itago iyon.

Kamusta na kaya si Tyson? Three days na siyang wala sa mansion, lumuwas na siya ng Manila. Namimiss kaya niya ako? Kasi ako, miss na miss ko na siya.

Lumuwas siyang hindi man lang nagpaalam. Hindi man lang kami nagkausap. Hindi ko tuloy alam kung okay na ba kami? Siguro hindi pa nga. Nung gabing hinihintay ko siyang pumasok sa kwarto ko hindi niya iyon ginawa. Paggising ko wala na siya, lumuwas na ng Manila. Kagaya lang ng dati. Umalis ng di ko alam. Asa pa talaga ako na importante ako sa kanya para pagpaalaman niya.

Maigi na rin siguro iyon, para matigil na ang kahibangan ko. Hindi ko pa rin kasi maturuan ang puso ko na huwag siyang mahalin. Feeling ko nga mas lalo ko siyang minamahal, at alam kong subrang mali ito.

Naglalakad na kami ni Aileen palabas ng campus dahil uwian na nang mapansin ko ang kotse ni Tyson, nakapark iyon malapit sa main gate ng school. Nandito si Tyson? Kinabahan tuloy ako. Sinusundo ka niya ako, gaya ng dati?

"Friend..." Kalabit sa akin ni Aileen,"Si Tyson Bermudez iyon diba? Kasama ni Lizzy Choy." Sinundan ko ang itinuro ni Aileen.

Si Tyson nga kausap si Lizzy nasa tapat sila ng registrar office.

"Siguro sila na nga, ano?" Sabi ni Aileen." Subrang bagay sila, parehong mayaman, gwapo at maganda."

Tama si Aileen, bagay sila.

"Ganun naman talaga, ang mayaman para sa mayaman." Sabi ko. Hindi ko na lang dinugtungan ba nang, ang lalaki ay para sa babae. Ang kagay ni Tyson ay bagay lamang sa kagaya ni Lizzy.

"Halika na, madami pa tayong gagawing assignment di ba?" Aya ko kay Aileen.

Nakalabas na kami ni Aileen sa school campus.

"O, paano Miks dito na ako ah." Paalam ni Aileen.

Naghiwalay na kami, siya sa kabilang street ako deretso lang. Hapon naman na kaya hindi na mainit, sakto lang kung lalakarin ko pauwe sa mansion.

Nandito na si Tyson at sinundo niya si Lizzy. Ayaw ko na lang isiping napahiya ako, dahil nagkamali ako ng akala. Ang sabi ni Eloisa narinig niyang sinabi ni Tyson na hanggang kaibigan lang ang pwedeng nitong ibigay para kay Lizzy dahil may mahal itong iba? Pero sila ang magkasama ngayon. Baka nagkamali lang si Eloisa nang pagkakarinig. Akala ko pa naman, hindi ko na lang tinuloy ang iniisip ko. Baka mali na naman ako.

Huwag mo na lang iyong isipin, okay lang iyan. Hindi siya talaga para sayo. Imposible maging kayo. Huwag ka nang masaktan. Mas magiging madali ang lahat kong tatanggapin mo ang reality. Dapat positive ka lang.

Paulit ulit kong sinasabi sa utak ko. Kahit mabigat ang mga paa ko sa paghakbang tuloy pa rin ako sa paglakad pauwe sa mansion. Kung may mapupuntahan lamang ako hindi na ako uuwi dun, para hindi ko na makita si Tyson. Para hindi na ako masaktan. Pero saan naman ako pupunta? Wala naman. Kaya kailangang econvice ko ang sarili ko na okay lang ako. Dapat tanggapin ko na lang kung ano ang reality. Dapat positive lang. Para kina Tita Lucia at Tito Ismael, kakalimutan ko na ang nararamdaman ko para sa anak nila.

"Ayyy..!" Napasigaw ako sa subrang pagkagulat nang biglang may yumakap sa akin.

"Ang lalim masyado nang iniisip mo." Bulong ni Tyson sa akin.

Let It Be Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon