I.
Nagising akong nakaakap pa rin si Tyson sa akin. Tulog na tulog pa rin siya.
Hindi ko alam na nakatulog na lang akong umiiyak.
Umalis pa rin kaya siya kagabi para puntahan si Lizzy?
Umiikot ang pakiramdam ko. I can feel severe headache. Dahil sa migraine ko. Gusto kong sumuka kaya kahit nahihilo ay pinilit kong pumunta sa banyo.
Nagising si Tyson. Mabilis niya akong sinundan.
Naramdaman ko ang paghaplos niya sa likod ko habang halos lahat ng laman ng sikmura ko ay inilabas ko na.
Napaiyak ako sa subrang sakit ng ulo ko.
Napaiyak ako sa sama ng loob, ang daming masasakit na salitang nasabi ko kay Tyson at alam kong hindi ko na iyon mababawi pa.
Nasasaktan ako ng subra dahil hindi ko alam kung maniniwala ako sa dahilan niya.
Naalala ko ang gabing sinabi niya sa mga magulang niya. AYAW KO SA KANYA!!! Ayaw niya sa akin.
Baka nga aso lang ang tingin niya sa akin? Inampon at inalaagaan ng pamilya nila.
Hindi ako dapat nasaktan pa. Alam ko naman na ayaw niya sa akin. Kung merong may kasalanan, ako iyon. Dahil nag expect ako. Kahit alam ko ang madalas na sinabi ng iba. Don't expect para hindi masaktan.
Si Lizzy Choy iyon, hindi ka pwedeng lumevel sa kanya. Sabi ko.
Sumuka pa ako ng sumuka. Halos matumba ako pabalik sa kama ko maigi na lang nakaalalay si Tyson.
"Dadalhin na kita sa hospital. Hindi ko kayang makita kang ganyan." Lalo akong naiyak, totoo ba ang concerns niya?
Bubuhatin na niya dapat ako pero tumanggi ako. Kinuha ko ang gamot ko at uminom nito.
Kailangang maghintay ako na umepekto iyon. Nagsimula akong makaramdam ng pagkagroggy. Unti unting nawawala ang malay ko dahil inaantok ako.
"I love you..." Sabi sa akin ni Tyson o hallucination ko lamang iyon? Hinalikan ba niya ako sa noo habang hinahaplos ako pisnge ko? "Tell me please if nahihirapan ka na, pupunta tayo sa hospital. I'm so sorry, alam kong ako ang may kasalanan kung bakit umataki ang migraine mo. I made you stressed. I'm sorry." Malamyos niyang sabi.
Hanggang sa nakatulog na ako.
II.
Alas dies na ng umaga nang ako'y muling magising. Groggy pa rin pero hindi na kasing sakit kanina ang ulo ko.
Wala na si Tyson.
Palabas na sana ako ng makasalubong ko siyang may mga dalang pagkain.
"Bakit tumayo ka na? Hindi ka na ba nahihilo? Kamusta na ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang sabi niya.
Inilapag niya sa mesita ang dala niyang pagkain.
"Kumain ka muna, ang dami mong sinuka kanina. Siguradong gutom ka na." Sabi niya.
Naiilang ako sa kanya dahil sa nangyari kagabi.
"Thank you," Tipid ko lang na sabi.
Maya maya ay dumating si Eloisa.
"Sir Tyson nasa landline po ang daddy niyo, gusto daw po kayong makausap." Sabi niya." Ako na muna ang bahala kay Miks."
Nagpaalam si Tyson sa akin.
"Babalik ako kaagad, kakausapin ko lang si daddy." Sabi niya.
Inilapit ni Eloisa ang pagkaing dala ni Tyson. Tinimpla niya ang hotchoco para sa akin.
"Kumain ka na muna, Miks. Ngayon na lang ulit sumumpong iyang migraine mo, ano? Alam mo bang subrang alalang ala sayo si sir Tyson." Kwento ni Eloisa.
Totoo ba? Nag-aalala ng subra si Tyson sa akin?
"Salamat ha," Sabi ko kay Eloisa."Pasensya na, naaabala ko kayo."
"Ano ka ba, importante magpagaling ka. May ikukwento ako sayo." Tumingin si Eloisa sa may pintuan, tiningnan siguro kung pabalik na si Tyson."Kilala mo ba si Lizzy Choy?" Tanong niya.
Ang bilis kaagad ng kaba ko. Ano ang tungkol kay Lizzy Choy?
Nagpatuloy sa pagkwento si Eloisa. "Andito siya kaninang umaga, narinig ko silang nag-uusap ni sir Tyson." Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko sa sinabi ni Eloisa. "Hindi ko naman sinasadyang makinig pero narinig kong masama ang loob ni Lizzy kay sir kasi hindi daw sumipot ito kagabi. Ang pinapunta ni sir para ihatid sa bahay nila si Lizzy ay si Obet, "si Obet ay tauhan dito sa mansion. "Eto pa, umiyak si Lizzy nung sinabi ni sir na hanggang kaibigan lang ang pwede niyang ibigay kay Lizzy dahil may mahal na siyang iba. Mahal na mahal daw niya ang mahal niya ang sabi ni sir." Kinikilig na naiintrigang kwento ni Eloisa.
Hindi ko alam kung paano magrereact sa kwento niya?
"Sino kaya ang mahal ni sir, as in mahal na mahal niya?" Tanong ni Eloisa.
Sino nga kaya? Iyan din ang tanong ko.
III.
Kanina pa ako nakikiramdam kong may kakatok sa pintuan ng kwarto ko, o di kaya'y magbubukas ito at papasok si Tyson. Pero bigo ako.
Ang sabi ni Eloisa sa akin ay may pinuntahan ito kaninang after lunch at alas siete na ng gabi bumalik.
Pasado alas onse na ngayon, siguro'y tulog na siya. Ano ba ang iniexpect ko? Expected ko bang dito siya matutulog sa kuwarto ko? O di kaya ay kakamustahin niya ako?
Hindi na masakit ang ulo ko. Pero parang ang puso ko naman ang sasakit. Ayaw kong mag-isip pero ang sabi ni Eloisa tumawag si Lizzy dito sa mansion at hinanap si Tyson. Tinanong din daw nito kung nakaalis na ba ito, kung iisipin parang may usapan silang magkikita?
Teka nga lang muna. Hindi ba dapat tanungin ko ang sarili ko kung bakit ako ganito? Kung bakit ako apektado sa kanila ni Lizzy? Kung bakit ako nagseselos? Aaminin ko mahal ko si Tyson. Pero wala pa rin akong karapatang umakto ng ganito. Mahal ko nga siya, pero ano ang karapatan ko? As if okay lang na mahalin ko siya?
Syempre hindi okay. Ano na lang ang sasabihin nina Tita Lucia at Tito Ismael sa akin? Na nag-alaga sila ng isang ahas? Inalagaan nila ako pero tinuklaw ko sila.
Nag-iisang anak nila si Tyson at siguradong ang gusto nila'y magkapamilya ito. Gugustuhin nilang maging maganda ang kinabukasan nito. Magkaroon ng mga apo galing dito. Madagdagan ang lahi ng mga Bermudez.
Samantalang ako, isang ulila lang. Kung hindi dahil sa kanila baka naging palaboy na lang ako.
Nakakahiya sa kanila kung malalaman nilang may gusto ako sa nag-iisa nilang anak. To think na gusto pa naman nila akong ampunin.
Masakit ang nararamdaman ko pero wala naman akong choice kundi ang iaccept ang reality. Walang patutunguhan ang nararamdaman ko para kay Tyson. Kailangang supilin ko ito o mas maiging kalimutan at alisin ko ito sa sistema ko.
Kung kinakailangang umalis ako sa poder nila ay gagawin ko. Baka kailangang tumayo na ako sa sarili kong mga paa? Pwede naman akong lumuwas sa Manila at magtrabaho dun. Sabi ng kachat ko sa Facebook na si Toni ay pwede daw magtrabaho ako sa mga fastfood chain dun. Tutulungan daw niya ako, magsabi lang ako sa kanya. Hindi pa kami magkakilala sa personal pero siguro naman ay hindi siya masamang tao.
Kung hindi mawawala ang nararamdaman ko kay Tyson, luluwas ako ng Manila.
Lalayuan ko siya.
Hindi ko namalayan,.umiiyak na pala ako.
Written by: mikzylove
BINABASA MO ANG
Let It Be Me (Completed)
RomanceMy Love, Please, when they ask. Who was the one?, who did you love? LET IT BE ME... BxB Novel By: mikzylove