Back In His Arms Again

1.8K 88 13
                                    

I.

Mag-aalas quatro pa lamang ng hapon pero napakadilim na. Lalong lumalakas ang buhos ng ulan. Sabi sa weather forecast ganitong oras darating ang bagyo.

Nagpasya na ang store manager namin na mag-early closing na lang kami.

Laking pasalamat ko naman dahil masakit na talaga ang ulo ko. Ininuman ko lang ng pain killer kaya kahit paano ay nabawasan ang pagkirot. Halos umiikot na ang pakiramdam ko.

Mag-isa lang akong uuwi dahil hindi pumasok si Lyka ngayon. Sana lang may masakyan pa ako dahil kapag ganitong malakas ang ulan at bumabaha ay bihira lang ang bumabyaheng jeep.

Basang basa ako kahit pa may gamit akong payong.

Malayo pa ang lalakarin ko hanggang sakayan ng jeep. Gusto ko nang makahiga kaagad sa kama ko. Gusto ko nang ipikit ang aking mga mata.

Hindi ko inaasahang makikita ko siya na nakatayo sa gitna ng malakas na ulan at basang basa din.

Nagkatinginan kami, halos hindi ako makakilos.

Si Tyson.

Nandito siya ngayon sa harap ko.

Sa isang saglit, mabilis siyang lumapit sa akin. Inakap niya ako nang mahigpit, gaya ng madalas niyang gawin.

"Tyson..." bulong ko.

"Oo...ako nga love. Ang tagal kitang hinanap. Ang tagal kong pinagdasal na makita na kita. Love, please huwag mo na akong iiwan ulit." Sabi ni Tyson, hindi siya bumibitiw ng akap sa akin.

Tuliro ang puso ko, subrang miss ko siya.

"Bakit nandito ka?" Tanong ko kay Tyson. Hindi ko namalayan tumulo na pala ang luha ko.

Pero hindi ko na narinig ang sagot niya dahil nawalan na ako ng malay.

II.

Nagising ako sa masarap na amoy ng pagkain. Nakakagutom.

Nakahiga ako sa isang malambot at malaking kama. Nasa condo ako ni Tyson.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko, nawala na ang kirot ng aking ulo.

Lumabas ako ng kuwarto. Nasa kusina sina Tyson at Zurie. Abala sila sa pagluluto, iyon ang naamoy kong masarap.

Tahimik lang na pinagmasdan ko sila. Hindi nila ako napapansin.

"No Tys, we should add first the seasoning before the veges." Natatawang sabi ni Zurie.

"No...believe me Zur...this one should go first before the seasoning." Giit naman ni Tyson. Nakatawa rin ito.

Walang gustong magpatalo sa kanilang dalawa. Hanggang sa pinahiran ni Zurie sa ilong si Tyson ng seasoning. Syempre gumanti si Tyson. Pinunasan din nito si Zurie. Para silang mga bata, ang saya nilang panuorin. Ngayon sigurado na ako, masaya na si Tyson. Okay talaga siya kahit wala ako. Salamat kay Zurie.

Tahimik na bumalik ako sa kuwarto. Naupo ako sa kama na hinahabol ang lakas ng tibok ng puso ko. Ayaw kong makita nila ako na pinapanuod sila at subrang nasasaktan.

Pasensya na, pero hindi ko napigilang hindi masaktan.

Pinigilan kong pumatak ang luha ko. Hindi ako dapat nagkakaganito, ginusto ko ito kaya dapat lang na tanggapin ko.

Gusto ko nang umuwi. Paano ba ako magpapaalam sa kanila?

Nine o'clock pa lang naman ng gabi. Hindi na masyadong umuulan. Pwede pa akong umuwi.

Naalala ko ang mga gamit na iniwan ko dito ng araw na umalis ako. Dadalahin ko na lang siguro ito dahil nagtitipid ako at iilang piraso lang ng damit ang pinagsasalitan kong isuot.

Ayaw ko nang manatili dito, dahil pakiramdam ko makakaabala ako sa kanila.

Dahil nasasaktan ako.

"Love..." Sabi ni Tyson. "How do you feel? Okay ka na ba? Nag-alala ako sayo nang subra." Sabi niya. Tumabi siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

Pasimple kong binawi ang kamay ko sa kanya, nakakahiya dahil nakatingin si Zurie sa amin. Si Tyson naman parang apektado sa aking ginawa. Nasaktan ba siya sa ginawa ko?

"Okay na ako. Salamat. Uuwi na ako, okay lang ba kung dalahin ko ang mga gamit ko?" Tanong ko kay Tyson. Ayaw ko siyang tingnan dahil ayaw kong makita niya sa mata ako na malungkot ako.

"What do you mean na uuwi ka? Love, you're already home. Please, don't go again. Don't leave me again." Mahinang sabi ni Tyson. Dinig ko sa boses niya na malungkot siya.

Tiningnan ko si Zurie pero wala na siya, lumabas siya kasi narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Hindi ko alam kung hindi iyon napansin ni Tyson o hindi lang niya pinansin.

"Tyson si Zurie, baka nahurt siya kasi," hindi ko masabi na, kasi tinawag niya akong love."Sundan mo siya." Sabi ko.

"Don't worry about her, uuwi na siya sa unit niya. She's safe naman here." Sabi lang ni Tyson.

"Pero, unfair naman sa kanya. Tyson, uuwi na ako. Okay naman na ako. Please be fair to Zurie, I'm sure nahuhurt siya, huwag mo na akong tatawaging love, nakakahiya sa kanya." Sabi ko.

"Why not? Wala namang pakialam si Zurie kahit tawagin kitang love. She knows how much I love you. Alam niyang ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay ko, sa loob ng two months na wala ka hindi kita pinagpalit sa kanya Miks, alam niya ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko. Alam niyang kahit anong mangyari hahanapin at hahanapin kita." Sabi ni Tyson.

Tinitigan ko siya. Napalunok ako nang sunod sunod. Bakit ko ba nagawang iwan siya gayong alam kong mahal niya talaga ako?

"Pero, Tyson iniwan kita kasi iniiisip kita. Ayaw kong masaktan ka dahil sa akin kapag hindi tayo natanggap ng mga taong mahal natin. Ang parents mo, ayaw kong mapagalitan ka nila. Tyson, tanggapin na lang natin, kailangan nating itigil ito. Minsan may mga bagay na kailangang masaktan muna tayo tapos sa bandang huli makakabuti naman sa atin." Sabi ko.

"No...no...hindi kailanman magiging okay kapag nagkalayo tayo. It will never be. Two months is too much agony sa akin. Kung alam ko lang kung bakit kita mahal sana sasabihin ko sayo, pero ang alam ko lang I love you so much. Bakit ikaw, you can't love me back as much as I love you. Nasasaktan ako Miks, mas pinili mong lumayo instead of be with me forever. Hinarap ko sina mommy at daddy. You don't have to worry, sila ang umupa ng tao para hanapin ka. They're coming na here kasi sinabi ko nang nandito ka na. Kakausapin nila tayo. Please stay. Please stay forever with me...please." Umiiyak na sabi ni Tyson.

Sa totoo lang hindi ako makapaniwala na may ganitong lalaking magmamahal sa kagaya ko.

"I'm sorry if I hurt you. Natakot kasi ako na dumating iyong araw na kailangang maghiwalay tayo kaya inunahan ko na. Natakot ako na ikaw ang sumuko, masasaktan ako ng subra. God knows mahal na mahal kita. Kayo lang ang pamilya ko, ikaw. At natakot akong mawawala din kayo sa akin dahil minahal kita. Believe me, I love you so much too." Hinawakan ko ang mukha niya at saka hinalikan.

"All I want is lagi tayong magkasama. Love, it's a part of a plan kung bakit napunta ka sa amin. Dahil we are destined for each other. Love moves in mysterious ways. May mga pagkakataon daw talaga mararamdaman mo ang love sa pinaka hindi mo ineexpect na tao." Sabi ni Tyson.

Yes...I'm back in his arms again.

Written by: mikzylove

Let It Be Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon