Can't Stop Loving You

1.7K 84 14
                                    

I.

"The patient needs to avoid so much stress. Kapag nagising na ang pasyente we will do some examinations sa head niya. As of now let him rest, makakatulong iyon sa kanya." Sabi ng doctor.

Gising ako pero hindi ko ipinaalam sa kanila na gising na ako. Nakikinig ako sa sinasabi ng doctor. Andito pala ako ngayon sa ospital.

"Pero doc, hindi po ba malala ang sitwasyon niya?" Nag-aalalang sabi ni Tyson.

"We can only determine that kapag ginawa natin ang mga lab test na kailangan nating gawin sa pasyente. By the way, asan po ba ang magulang ng pasyente? What is your relationship with the patient?" Sabi ng doctor.

"Nasa Davao po ang parents ng pasyente, nainform ko na po sila. I'm his love po. Boyfriend niya po ako." Walang pag-aalinlangang sabi ni Tyson sa doctor.

Subrang touch ako sa sinabi niya. Ganun siya kaproud na sabihin sa doctor na boyfriend ko siya? Mahal niya nga talaga ako. Paano si Lizzy? Ginagamit lang ba niya?

Nagpaalam na ang doctor, naiwan na lang kaming dalawa ni Tyson kaya naman gumising na ako sa pagpapanggap kong natutulog ako.

"Gusto ko nang umuwi. Hindi naman na masakit ang ulo ko." Sabi ko sabay tayo mula sa kama.

Naalarma naman si Tyson.

"Kailangan mong magpahinga sabi ng doctor. Hindi tayo uuwi hanggang hindi niya sinasabi." Sabi ni Tyson.

"Bahala ka kung ayaw mong umuwi, maiwan ka dito. Uuwi na ako, sa bahay na lang ako magpapahinga. Magagastusan lang tayo kung mag stay ako dito. Dapat hindi nyo na lang ako dinala dito. Gaya nang sabi ng doctor, pahinga lang ang kailangan ko." Sabi ko.

Baka nakakalimutan niya kung ano ang ipinamukha niya sa akin kanina, akung gaano siya kasweet kay Lizzy? Bakit ngayon nag-aalala siya sa akin?

"Bakit ba ang tigas na ulo mo?" Medyo mataas ang boses ni Tyson. Alam kong galit siya."Kelan ka ba makikinig sa akin? Kailan ba magkakaroon ng halaga sayo ang mga sinasabi ko?" Sumbat niya sa akin.

At hindi ko inaasahang iiyak siya.

"Bakit ka umiiyak?" Mahina kong tanong. "Gusto ko lang naman talagang umuwi na. Baka pwede nating kausapin ang doctor na sa bahay na lang ako magpapahinga." Mahina pa rin ang boses ko. Naguilty kasi ako na umiyak siya.

"Okay," Pinunasan ni Tyson ang luha niya."You wait me here, kakausapin ko ang doctor. We'll go home na in one condition, sa room ko ikaw magpapahinga." Iniwan na ako ni Tyson kahit hindi pa man ako sumasang-ayon sa kondisyon niya.

Pagdating namin sa mansion ay kaagad akong kinamusta nina nanay Cynthia at Eloisa.

"Katatawag lang nina mam Lucia, kamusta ka na daw?" Sabi ni nanay Cynthia.

"Kailangan ho niyang magpahinga sabi ng doctor." Si Tyson ang sumagot.

Gaya ng gusto niya sa kwarto niya ako tumuloy.

"Kailangan talagang dito ako matulog?" Tanong ko.

"That's my condition kaya kinausap ko si doc na umuwi na tayo. Ang bilin niya alagaan kang mabuti, and I promised I will take care of you. Kaya huwag ka nang magreklamo dyan, kapag nainis ako sayo, kahit kagagaling mo pa lang sa hospital I will make love to you hanggang sumikat ang araw." Nang aasar na sabi niya.

Shemayyy...kinilig ata ako dun.

II.

"Sino yan?" Tanong ni Tyson na nasa likod ko, hindi maipinta ang mukha.

Kaagad akong nagpaalam sa kavideo chat ko na si Toni.

"Kaibigan ko." Sagot ko.

"Are you sure, kaibigan mo lang siya?" Kunot nuong tanong ni Tyson.

"Ano bang iniisip mo dyan? Kaibigan ko lang iyong tao. May kailangan ka ba?"

"Kailangan kita..." bulong ni Tyson. Hinapit niya ako sa bewang. "Kailangan kita makita at maakap. Gusto kitang maamoy. Ako, sino ba ako sayo?" Sabi niya.

"Ikaw? Teka, sino ka ba para sa akin? Syempre, ikaw si Tyson Bermudez para sa akin." Sagot ko.

"Ano!? Iyon lang ako sayo? Si Tyson Bermudez lang? Tapos yong lalaking kachat mo kanina na nakatopless na mukhang unggoy, ano mo ba siya talaga?"

"Ewan ko sayo! Ano bang gusto mong sabihin ko?" Kunwari'y inis kong tanong sa kanya.

"Sabihin mong boyfriend mo ko? Mahirap bang sabihin mo iyon?" Sabi ni Tyson.

"Hoy, Mr. Bermudez. Kahit balikan natin mula ng bumalik ka dito hindi natin nagpag usapan na boyfriend kita. Pakiremind nga ako kung kailan kita naging boyfriend?" Nang-aasar kong sabi pa.

Biglaan pero maingat akong hinaklit ni Tyson papalapit sa kanya. "Are you sure you want me to remind you kung boyfriend mo ko? Hindi na ba masakit ang ano mo? As far as I remember we made love last night as if it was our last night on earth because we're lovers. If I make love to you right now para lang maremind ka hindi kaya mawasak na iyan." Maharot na sabi ni Tyson.

Hindi naman ako naoffend sa sinabi niya kasi alam kong hinaharot lang niya ako.

Kaya naman gusto ko siyang gantihan.

"We'll Mr. Bermudez sad to inform you na hindi ako nag enjoy kagabi. Mukhang kulang ka pa sa practice." Pigil ko ang tawa kong sabi ko kay Tyson.

Kita ko ang pagka-asar sa mukha niya, naniningkit tuloy ang mata niya.

"Really huh, kaya pala you scream to death habang I'm coming in and out at your back. Kaya pala you scream for more, kaya pala you beg to me not to stop. Nakalimutan mo ba kaagad ang paborito mo'ng line kagabi? Faster...faster...faster please." Bulong ni Tyson.

Omaygad...subrang pula na siguro ng mukha ko.

"Ay naku... Ang yabang mo, ah. Last na 'yon. Hinding hindi na 'yon mauulit." Sabi ko.

"Oppsss...hey...hey...I'm just joking. I want you forever. Huwag ka nang magalit. I can't stop loving you, and hindi ko kayang mawala ka sakin." Balisang sabi ni Tyson.

Sa totoo lang sa mga ganitong pagkakataon gusto kong kalimutan ang mga alalahanin ko, kagaya ng what if hindi ito magtagal? What if hindi kami matanggap ng parents niya?

Inakap ko ng mahigpit si Tyson. Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Hindi ko naman na kailangang sabihin kung ano o sino siya sa buhay ko. Totoo siya si Tyson Bermudez ang nag-iisang Tyson Bermudez sa buhay ko.

"Gusto kong dito ka matulog mamaya sa kwarto ko." Malambing kong sabi sa kanya.

"Are you sure? Baka gahasain mo ko?" Biro niya.

"Ako talaga?, sino bang makulit? Sino bang hindi tumigil hanggang hindi ko pinagbigyan?" Sabi ko.

Sabay kaming nagkatawanan habang mahigpit na magkaakap.

Sana lang...hindi ito matapos...sana lang hindi dumating ang time na kailangan naming maghiwalay.

Dahil alam kong masasaktan ako ng subra.

Written by: mikzylove

Let It Be Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon