I.
Hindi na ako umuwi sa boarding house ko, masaya ako na magkasama kami ni Tyson ngayon.
Nagluluto ako ngayon ng ginatang halo halo. Pagkatapos kong masigurong tama na ang timpla nito ay naglagay na ako sa microwaveable container para dalan ko si Zurie.
Lutong probinsya ito at maaaring hindi pa siya nakakatikim.
Namalengke talaga ako kahapon para dito.
Si Tyson, ayon subrang himbing, nakatulog siya pagkatapos niyang tulungan akong magprepare ng mga ingredients sa pagluluto.
Kinakabahan ako habang papunta kay Zurie. Tinanong ko talaga kay Tyson kung saan ang unit niya. Sa totoo lang gusto ko siyang makausap. Gusto kong magthank you sa kanya at magsorry na rin kung kinakailangan.
Nagbuzzer ako ng dalawang beses pagdating ko sa harap ng pinto ng unit ni Zurie.
"Hi..." Sabi ko sa kanya nang pagbuksan niya ako ng pinto.
"Miks...hi. Pasok ka." Aya niya sa akin kaya pumasok ako. Maganda at moderno ang unit ni Zurie. "Nadalaw ka?" Nakangiti niyang tanong sa akin.
"Nagluto kasi ako ng ginatang halo halo, dinalhan kita.Sana magustuhan mo." Sabi ko.
"Really? Gusto ko 'yan. Nakatikim ako niyan when I was at Pampanga. That was long ago pa." Kinuha ni Zurie ang dala ko. Kita ko sa mukha niya na masaya siya.
Nakatikim na pala siya pero nagustuhan pa rin niya ang luto ko. Nakakatuwa lang dahil mas nasarapan siya sa luto ko. Tinikman nya din kasi kaagad ito.
"Ang sarap mong magluto Miks, kaya pala nainlove nang todo sayo si Tys." Kinikilig na sabi niya.
"Naku, salamat naman kung nagustuhan mo." Nahihiya kong sabi ko."Zurie, thank you ha." Nag-aalangan din kong sabi sa kanya. Nagblush siguro ang mukha ko.
"I know what you mean Miks, you don't have to thank me. Friend nyo ako. Alam mo, all I wish ay makita ka niya kaagad. Kung alam mo lang kung paano gumuho ang mundo nya Miks. I never tried na tulungan siyang buoin iyon dahil alam kong ikaw lang ang makakabuo nun. Nakasupport lang ako sa kanya. At subrang happy ko na finally you're together again. Huwag mo na siyang iiwanan ulit dahil subrang kawawa niya." Sincere na sabi ni Zurie sa akin.
Naglalakad na ako pabalik ay inulit ulit ko pa rin sa isip ko ang sinabi ni Zurie.
Nagpaalam din ako kaagad sa kanya dahil dumating ang boyfriend niya. Ipinakilala niya ako dito. Hindi ito kasing gwapo ni Tyson pero mukhang inlove sila. Bagay din silang dalawa.
Nagulat ako dahil pagpasok ko sa unit ni Tyson ay hindi ko inaasang madadatnan ko sina tito Ismael at tita Lucia.
Nandito ang mga magulang ni Tyson. Nag-uusap sila. Kinabahan ako nang todo. Ano ang gagawin ko? Paano ko sila pakikiharapan?
Kailangang harapin ko na ang galit nila. Kung sakaling susumbatan nila ako ay maiintindihan ko. Kung palalayasin nila ako ay maayos akong aalis.
Bahala na. Huminga ako nang malalim at inihanda ko ang sarili ko.
Si tita Lucia ang unang nakapansin sa akin.
"Oh Miks, hijo. Kamusta ka na? Me and your tito Ismael were so worried when we heard na umalis ka." Mainit na inakap ako ni tita. Ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin." Huwag mo nang gagawin ulit iyon, please." Sabi pa nito.
"Hello po, tita." Nagmano ako dito. Nahihiyang ngumiti ako. Nagmano rin ako kay tito Ismael. "Hello po, tito."
Marahang tinapik ako sa balikat ni tito Ismael, "huwag mo nang uulitin iyon Miks, alalang ala sayo ang tita mo. Lalo na itong si Tyson." Kumindat pang sabi ni Tito.
BINABASA MO ANG
Let It Be Me (Completed)
RomantikMy Love, Please, when they ask. Who was the one?, who did you love? LET IT BE ME... BxB Novel By: mikzylove