Now That I'm Gone

1.7K 87 7
                                    

I.

"Miks, halos araw araw na lang nag-oovertime ka, hindi ka ba napapagod?" Tanong sakin ni Lyka. Girlfriend siya ni Toni.

Naglalakad na kami pauwe sa boarding house namin. Katatapos lang naming mag-out sa foodchain na parehas naming pinagtatrabahuhan.

"Kailangan mars eh, kailangang makaipon ako. Gusto kong mag-aral ulit. Isa pa alam mo na, nag-iisa lang ako sa buhay. Wala akong ibang aasahan kundi ang sarili ko." Sabi ko.

"Kunsabagay mars, bilib nga ako sayo. Imagine mag-isa ka lang sa buhay, pero andito aman kami ni Toni. Mga kaibigan mo kami." Sinserong sabi ni Lyka.

Pagdating ko ng kuwartong inuupahan ko'y hinubad ko kaagad ang uniform ko sa trabaho. Kailangang labahan ko iyon para isuot ulit kinabukasan.

Kamusta na kaya siya? Sana okay lang siya. Sana masaya siya ngayon.

Dahil kung okay siya ngayon saka ko lang masasabing tama ang naging desisyon ko.

Miss na miss na kita Tyson. Halos dalawang buwan na pala?

Ayaw ko na sanang isipin pero tandang tanda ko pa ang araw na iyon. Ang araw na nagpasya akong lumayo sa kanya.

Magla-lunch kami ni Tyson sa labas, nasa lobby na kami nang maalala niya na naiwan niya ang kanyang wallet.

Nagpaiwan na ako sa lobby at sinabing hihintayin ko na lamang siya dito.

Tamang tama namang nakita ko si Zurie.

"Hi Zurie." Bati ko.

"Hi Miks," bati din niya sa akin." Bakit andito ka? Where's Tyson?" Tanong niya.

"Bumalik sa taas, may nakalimutan lang." Sabi ko.

"Ahmmm...okay, may lakad kayo?" Tanong ni Zurie.

"Magla-lunch lang...ikaw?" Tanong ko din.

"Maglalunch din..." Natatawang sabi ni Zurie.

"Sumabay ka na lang sa amin. Tamang-tama pala magla-lunch din kami." Aya ko sa kanya. Hindi ko na inisip kung okay lang ba kay Tyson o hindi na magsama kami ng iba? Isa pa si Zurie naman siya. Saka magaan ang loob ko sa kanya.

"Ohmmm...are you sure? Hindi ba ako makakasira sa lakad nyo?" Alanganing sabi ni Zurie.

"Oo naman okay lang. Kakain lang naman kami at masarap kumain kapag may kasabay." Sabi ko.

"Okay sige...I think it's a good idea." Masayang sagot ni Zurie.

Tiningnan ko si Zurie. Maganda talaga siya. At lalo siyang gumaganda dahil sa personality niya. Lagi siyang nakangiti. Iyong ngiting sincere, hindi plastic.

Kahit ako sa sarili ko, hindi ko maisip na iniwan siya ni Tyson para sa akin.

Hindi na ako magtataka na gusto siya nina tita Lucia at tito Ismael para sa kanya.

Abala si Tyson sa kanyang laptop nang magmessage alert ang cellphone niya.

"Love, can you please check my phone." Sabi ni Tyson sa akin.

Kinuha ko ang cellphone niya na nasa center table.

"Nagtext si tita." Sabi ko. Hindi ko pa inoopen, unless sabihin niyang basahin ko na.

"Can you please open and read it for me na lang?" Sabi pa rin niya na busy pa rin sa laptop niya.

Anyway nagbo-book siya para sa mga papasyalan namin habang narito kami sa Manila.

Baby hijo, ingat kayo ni Miks dyan. Huwag kayong magpapagabi sa pamamasyal. Huwag mong pababayaan si Miks. Make him enjoy the city. Anyway son, please say my regards to Zurie. I think it's a good idea na isama nyo siya ni Miks...ingatan mo rin syempre si Zurie. Ingatan mo ang mamanugangin ko. Siya ang gusto ko para sayo. Bagay na bagay kayo. Nagkausap kami ng parents niya sa isang business party dito sa Davao. We have great plans for you guys.tc. mommy.

Let It Be Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon