Hurtful Night

2K 109 10
                                    

I.

"Saan ka pupunta? Stay." Sabi ni Tyson.

"Sa baba, hindi naman ako chismoso na gustong makinig sa pag-uusap niyo." nakasimangot kong sagot.

As if naman gusto kong makinig sa conversation nila ni Lizzy. Pupuntahan ko na lang si Jerome.

"You don't go anywhere, dito ka lang sa tabi ko." Sabi ni Tyson.

Inakap ako ni Tyson mula sa likod. Hawak niya sa isang kamay ang cellphone niya at nakaakap naman ang isang kamay niya sa bewang ko. Nakapatong ang baba niya sa balikat ko.

"Hello, Tys." Malambing ang boses ni Lizzy.

Iniloud speaker ni Tyson ang volume kaya naririnig ko.

"Oh, Liz. You call?" Sabi ni Tyson.

Ganun sila kaclose? As in Liz ang tawag niya? Bakit ba ang lakas ng kabog ng dibdib? Sana lang hindi ko nararamdaman ang ganitong pakiramdam.

"Ohhh, I love the way you call me Liz...I miss you so dearly." Malambing na sabi ni Lizzy. "Hmmmm...are you free tonight?"

"What about tonight? Anong meron?" Tanong ni Tyson?

Sa totoo lang sana hindi na lang niya ako pinigilang lumabas. Sana lang hindi na niya ipinarinig sa akin ang usapan nila.

"My friend Soffie, nag-aaya siyang lumabas. Gusto sana kitang ipakilala. Lagi kasi kitang nakukwento sa kanya?" Sabi ni Lizzy.

Kinakalas ko ang kamay ni Tyson sa pagkakaakap sa bewang ko pero mas lalo lang humigpit ang pagkakaakap niya sa akin. Ayaw ko na talagang makinig sa usapan nila.

"Ohmm, Liz I'm sorry but I can't make it tonight. Gusto ko kasing magpahinga ng maaga. Pasensya ka na. I'll hang up na ha, may gagawin pa kasi ako. Thanks for the invite, enjoy na lang sa inyo." Sabi ni Tyson.

Nagbye si Tyson kay Lizzy. Nanatiling siyang nakaakap aa akin.

"Ang bango mo..." bulong niya sa akin.

"Bakit hindi ka sasama mamaya sa kanila?" Tanong ko. Pero sa totoo lang kung sasama siya siguradong masasaktan ako.

"Hindi mo ba narinig? Gusto kong magpahinga. Saka dito ka matutulog mamaya di ba, palalampasin ko ba iyon para lang sa kaibigan niya?" Sabi ni Tyson.

Kahit papaano ay kinilig ako sa sinabi niya.

II.

Pagkatapos naming maghapunan ay pumasok na ako sa kuwarto ko para maglinis ng katawan.

Nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko ba ang gusto ni Tyson na sa kwarto niya matulog.

Ano ba ang ginagawa namin? Iyong mga kilos niya, ano ba ang meaning ng mga 'yon? Ano ba kami?

Hindi kaya sa huli ay masaktan lang ako?

Ano bang meron sa kanila ni Lizzy? Ang sweet naman nilang mag-usap. To think na Liz lang ang tawag ni Tyson sa kanya? They're must be so close.

Hindi mo naman tatawagin ang isang tao sa palayaw lang kung hindi kayo close.

Tumunog ang phone ko. Nagmessage sa messenger ko si Tyson. Asan ka na? Pero hindi ko iyon nireplyan, seneen ko lang.

Dito na lang ako matutulog sa kuwarto ko. Kahit papaano ay nakakaramdam ako ng pagrerebelde.

Nakahiga na ako at nakabalot na ng kumot nang kumatok si Tyson. Hindi naman iyon nakalock kaya pwede siyang pumasok na lang.

"Hey, what are you doin?" Tanong niya. I can sense the disappointment in his voice, hindi niya syempre gustong makitang natutulog na ako.

"Dito na lang ako matutulog, inaantok na ako." Sabi ko.

Let It Be Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon