Prologue

18 4 0
                                    

Wala na akong hihilingin pang iba.

Pakiramdam ko ay umaayon na ang aking tadhana na maging masaya ako. Hindi ko naririnig ang utos ng aking ina at mga kapatid, tahimik ang buhay ko, at kasama ko ang aking prinsipe Adriel. Kahit sa ilang oras lang ay nakaramdam ako ng kapayapaan at pagkakuntento. I wish I could stay longer though. 

Malapit nang mag alas dose ng madaling araw at sa mga oras na to, malapit nang matapos ang pangarap ko. Babalik nanaman ako sa dati kong buhay. Buhay ko na walang prinsipe, walang magarang damit, saksakan ng mga gawaing bahay at walang Ella. Mayroon na lamang isang Cinderella. 

"P-pasensya na pero k-kailangan ko nang umalis." Umalis ako mula sa pagkakayakap ni Prince Adriel sakin.

"May problema ba, m'lady?" Nagtataka at nag aalala na tanong sakin ni Prince Adriel. Those green eyes...I wonder kung may iba nang titingin sa mga ito bukod sa akin.

"W-wala. Aalis na po ako, mahal na prinsipe." Wala sa loob akong lumayo mula kanya.

"Teka saan ka pupunta? Anong pangalan mo?" Ngunit hindi ko na siya nasagot. Nag simula na akong tumakbo papalayo sa kaniya. Hoping na sana ay hayaan niya akong makaalis.

Habang tumatakbo ay hinubad ko ang aking glass slippers para mapabilis ang aking pag kilos. Niyakap ko ito at iningatan upang hindi sila mabasag. Mananatili itong magandang alaala sa akin. Sila ang patunay sa aking magandang panaginip. Araw araw ko itong pahahalagahan dahil nakatitiyak ako na sa oras na maikasal na ang Prince sa Princesse (Princess) Aurora, hindi ko na siya muling makikita pa ng malapitan.

Ginawa ko ang lahat para lang di ako maabutan ng mahal na prinsipe. Kahit anong tawag niya sa akin ay hindi ko siya nilingon pang muli. Alam ko sa sarili ko na mas mahihirapan akong iwan siya pag nakita ko ang mukha niya. Iniisip ko na ngayong tinatakbuhan ko palang siya at iniiwasan siya ay sapat na para madurog ang puso ko.

Sinubukan kong makipagsiksikan sa mga nagkumpulang mga bisita. Naisip ko na mas madali ko siyang maliligaw at malilito kapag nakipagsiksikan ako sa kanila. Pero doon ako nagkamali.

Mayroon akong nabanggang isang babae at dahil doon, nabitawan ko ang isa sa mga glass slippers. Bago ko pa ito mapulot ay sinipa ito ng isang taong kinakatakutan ko. 

Nahuli ako.

"Cinderella. Sinasabi ko na nga ba!" Sigaw ng aking ina at biglang hinila ang aking braso.

"Ang lakas ng loob mong pumunta dito! Sinasabi ko na nga ba at ikaw ang kasayawan ng prinsipe!" Bulyaw sakin ni Anastasia.

"At saan mo galing ang damit mo? Ang alahas mo? Hindi ko alam na kaya mo palang magnakaw para lang mag mukhang disente!" Paninisi ni Drisella sakin.

Mag kahalong kaba at takot ang aking nararamdaman. Nahuli ako ng mga taong tumutol sa kagustuhan kong makapunta rito sa ball. Hindi ko alam ang aking gagawin. Mahigpit kong niyakap ang natitirang glass slipper. Pinag papawisan ako at sobrang bilis ng pag tibok ng puso ko. Nung mga oras na 'yun ay hinihiling kong mag laho nalang na parang bula.

Malakas na tunog ang pinakawalan ng malaking orasan ng palasyo. Ang oras! Hindi dapat ako maaabutan ng madaling araw!

"K-kailangan ko na pong umalis." Paalam ko at pinilit kalasin ang pagkakahawak ni ina sa aking braso ngunit isang sampal ang inabot ko.

"Para ano? Para puntahan ang mahal na Prince? Para mag patulong? Para ipilit ang iyong sarili na maging isang concubine niya?" Madiin na wika ni ina sakin na siyang ikinagulat ng aking mga kinakapatid.

"Walang hiya ka! Hindi ko alam na ganito pala ang plano mo, Cinderella! Ganito ka na pala kadesperada para sa pera!" Sigaw ni Drisella na naka agaw pansin sa iba't ibang mga tao sa ballroom.

"Napakaimoral! Napaka landi mo!" Sigaw ni Anastasia sakin.

"N-nagkakamali kayo! Hindi ninyo po naiintindihan! Kailangan ko nang umalis! Parang awa ninyo na!" Hindi. Hindi ito maaari! Pag hindi ako nakaalis ay mahuhuli na ako ng Prince, makikita na din nila ang mahikang ginamit sakin.

Pinilit kong makaalis mula sa mga kamay nila ngunit huli na ang lahat. Nawala na ang bisa ng mahika at nakita nila ako, suot suot ang isang damit na punit punit. Nakatingin ang lahat ng tao sakin nang may halong pandududa. Kung kanina lang ay may halong saya at hanga ang kanilang mga titig sa akin, ngayon ay napupuno na ito ng inis at pandidiri.

"Gumamit ka ng mahika ng masamang diwata!" Biglang sigaw ng isa sa mga bisita na sinabayan naman ito ng iba.

"Labag ito kay Princesse Aurora sapagkat ito ang nag sumpa sa kaniya!"

"Marahil ay isa siyang kasangkapan ng masamang diwata na iyon upang mabilog ang utak ng ating mahal na Prince!"

"H-hindi! W-wala po akong kinalaman sa masamang diwata! Wala po akong ginagawang masama! Nagkakamali po kayo ng hinala sa akin! M-maniwala po kayo sakin, ina!" Pandedepensa ko sa sarili ko dahilan upang makatanggap ako ng isang malutong na sampal mula sa aking kinakapatid.

"Huwag ka nang mag mamaang maangan pa, Ella! Nahuli ka na! Kulang pa ba ng ibinibigay naman sa iyo?!" Hinila nila ang aking buhok. Sunod kong nabitawan ang isa pang glass slipper dahil sa sakit. Pinilit kong tanggalin ang kamay nila sa buhok ko pero hindi ko magawa. 

Pakiramdam ko ay pinaparusahan ako. Pakiramdam ko ay pinag tutulungan ako. Kapalit ba ito ng sayang naramdaman ko kanila? 

Sa huli ay pinadampot ako nina ina sa mga kawal at ikinulong. Hindi ko na nakita pang muli ang pamilya ko. Kinasuhan ako ng treason at pagnanakaw kahit na wala akong nilalabag na batas at sinasaktan na kahit na sino. Hindi ako nakakain ng maayos at tanging tubig lamang ang madalas nilang iabot sa akin. Nang ilipat nila ako sa kabilang selda, doon ko pa lamang nalaman na ibebenta na ako. Ipapatapon sa kabilang kaharian na malayo sa lupang kinonsidera kong tahanan.

Ako si Ella Tremaine. Ang may-ari ng glass slippers at ang babaeng tinatawag nilang Cinderella.

   ♦♦♦   

Waiting For AdrielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon