Third Person Point of View
"Magiging ano ako?" Di makapaniwalang sambit ni Adriel sa kaniyang amang hari na si Roi Julius.
"Magiging isa kang panauhin ng pamilya Tremaine sa loob ng tatlong buwan. Kailangan mong manuluyan sa labas ng palasyo upang makipagsalamuha sa ibang tao." Sagot ni Julius sa kaniyang anak habang nag pipirma ng mga dokumento.
"I clearly object. Hindi ko gagawin ang gusto mo." Pag pupumilit ni Adriel.
"I don't take no as an answer."
Napatikom ng bibig si Adriel. Mukhang mahihirapan siyang kumbinsihin ang tatay niya upang hindi ituloy ang planong ito.
"What about my studies? Hindi ba't mapapabayaan ko iyon kung lalabas ako ng palasyo?"
"You will learn from the people around you. You are going to deal with their stressors and their strengths. You will improve your performance after hearing their concerns."
"Ayoko. Hindi ako aalis ng palasyo."
"Alam kong sasabihin mo iyan." Hinubad ni Julius ang suot niyang salamin at saka tinitigan ang anak niya. "Alam kong hindi ka papayag sa ganitong usapan kaya naman tatanggalan kita ng titulo. Magiging isang normal kang mamamayan sa panahon ng panunuluyan mo sa pamilya Tremaine."
Napakuyom ng kamao si Adriel. Tila nauubusan na siya ng pasensya sa harapan ng ama niya.
"Hindi mo pwedeng gawin iyon-"
"At bakit hindi? Hanggat ako ang hari, masusunod lahat ng sinasabi ko." Sagot ni Julius sa anak niya.
Padabog na lumabas ng opisina ng hari si Adriel. Hindi siya makapaniwala sa desisyon ng ama niya, lalo na't hindi niya inaasahan na kaya niyang gawin ito sa kaniyang anak.
Alam niyang marami siyang pagkukulang lalo na't siya ang susunod na magiging hari ng kanilang kaharian, ngunit sa buong buhay niya, ngayon pa lamang siya maninirahan sa labas ng palasyo. Alam niya sa sarili niyang may mga pagkakamali siyang ginawa pero sa tingin niya ay hindi tama ang desisyon ng kaniyang ama na palabasin siya.
Pumasok siya sa kwarto niya at doon niya binuhos lahat ng sama ng loob niya. Kating kati ang kamay niyang magkalat sa paligid at sirain ang mga gamit. Malakas niyang sinuntok ang pader, dahilan upang magkaroon ng kakaunting galos ang kaniyang kamay.
Natigilan siya sa ginagawa niya nang marinig niyang may kumakatok sa pintuan niya. Hindi niya ito pinansin kung kaya't nagkusang pumasok na lamang ang bisita niya.
"Ipinagbigay alam sa akin ng hari na lalabas ka raw ng palasyo." Umiwas ng tingin si Adriel sa babaeng kaharap niya.
"Hindi ako lalabas. Hindi ako aalis." Pagmamatigas pa rin ng prinsipe.
"Kahit na ipinag uutos na ito ng iyon ama?" Tanong nito sa kaniya.
"Bakit ako makikinig sa kaniya. Walang katuturuan ang paglabas ko ng palasyo."
Napabuntong hininga si Eglantine sa inaasal ng kaniyang alaga. Kahit na binata na si Adriel, hindi pa rin talaga nagbabago ugali niya. Matigas pa rin ang ulo niya.
Nagtungo sa Eglantine sa mesa at nag empake ng gamit nito. Nagulat naman si Adrien sa ikinikilos ng court maid niya.
"Mukhang tahimik ang susunod na tatlong buwan para sa akin."
"Eglantine!"
"Hindi mo ako mapipigilan, Adriel. Layas ka na." Biro ni Eglantine.
"Lapastangan!" Sigaw ni Adriel dahilan para tumawa ng malakas si Eglantine.
"Sa pamilya Tremaine ka maninirahan, hindi ba?" Tanong ni Eglantine sa alaga niya. Tumango ito bilang sagot.
"Isang pamilya ng panadero. Mukhang tataba ka na ng husto, Adriel." Namula sa hiya ang prinsipe. Hindi man halata ngunit pinahahalagahan ng maayos ni Adriel ang katawan niya.
"Eglantine!"
"Pasensya na. Matagal nang panahon noong huli kita nakitang mataba. Nakakamiss tuloy."
"T-tumahimik ka na nga!"
Mas lalong tumawa si Eglantine. Sa tuwing nakikita niyang namumula si Adriel, nakikita niya din ang kakaibang mannerism nito. Tinatakpan niya ang ilong at bibig niya sa tuwing namumula siya. Hindi pa talaga siya nagbabago.
"Nasa maganda kang kamay, Adriel. Wala ka dapat ipag alala. Mabubuting tao ang mga Tremaine."
"Paano ka nakakasiguro?" Tanong ng prinisipe sa kaniya.
"Nakausap ko na dati ang gumawa sa cake ni Princesse Juliet. Mabait siya tao. Sobrang buti niyang ama."
Naalala ni Eglantine si Allen Tremaine. Masyado siyang mapagpakumbaba at masipag. Tamang tama ang pamilya niya para kay Adriel. Nakita na niya rin ang anak nitong babae. Nakakatuwa siyang tignan lalo na kapag tinututukan niya sa trabaho ang ama niya.
"Hindi ko na kailangang malaman iyan. Agad din akong makakabalik dito. Wala akong dahilan para mamalagi doon." Desididong wika ni Adriel.
Lihim na napangiti si Eglantine sa kaniyang alaga. Naalala niya ring madalas kainin ni Adriel ang mga salita niya. Mukhang isa na ito sa mga kakainin niyang salita kalaunan.
"Sana nga lang." Sabi ni Eglantine habang sinasara ang bagahe ni Adriel.
Hindi siya makapaghintay sa mangyayari sa prinsipe sa loob ng tatlong buwan.
"I wonder kung makakasundo niya ang munting prinsesa ng pamilya Tremaine." Wika ni Eglantine sa utak niya.
♦♦♦
BINABASA MO ANG
Waiting For Adriel
Historical FictionElla Tremaine or "Cinderella" was sent to Trefles as a thief, a criminal, and a lunatic. Hindi niya inakala na ang kaninang masayang pakikipag sayaw sa prinsipe ng Carreaux ay may kaakibat na maling paratang. As a girl with nothing but bitter sweet...