Side Chapter

8 4 0
                                    

Third Person Point of View

Masayang umalis si Ella sa music room. Ramdam na ramdam ni Ella ang pag-asang makausap at makita si Prince Adriel, ang lalaking minamahal niya. Sa kabilang banda naman ay may namumuong selos at inis sa kaniyang mga kinakapatid na sina Anastasia at Drisella.

"Mama naman! Bakit mo pinayagang sumama si Cinderella sa atin? Ano pang punto ng pagdalo natin sa sayawan? Ilang minuto lang at makukuha na niya ang atensyon ng lahat." Reklamo ni Anastasia sa kaniyang ina.

"Oo nga mama! Paano pa kami makakahanap ng mayamang mapapangasawa doon kung yung mismong lalaking kaharap ko ay nakatingin sa kaniya?" Inis na sabi ni Drisella.

"Hindi ba kayo nag-iisip? Oo binigyan ko ng pag kakataon si Cinderella na makasama sa pag diriwang ngunit sa tingin mo ba ay makakahanap siya ng masusuot? Matatapos ba siya sa kaniyang mga gawain agad-agad?" Tanong ng ina nila sa kanila.

Doon napag isip-isip ng dalawa ang ibig sabihin ng kanilang ina. Nag bigay ng isang maling pag-asa ang kanila ina sa kanilang kawawang kinakapatid. Hindi matatapos si Cinderella ang kaniya gawain at kung matapos man ay maaari pa nilang dadagdagan pa nila ito. At paano nga naman ba makakakuha si Cinderella ng isang damit na maganda kung wala man lang siyang pambili ng kahit anong damit dahil hindi siya sumesweldo sa kanila. Mauubusan na ito ng oras at tiyak na sa oras na susunduin na sila ay hindi pa siya tapos sa paghahanda.

"Ang talino mo talaga, mama! Hindi ko agad naisip iyon." Sabi ni Anastasia.

"Sana nga! Kung matapos man siya ay di na siya makakapag ayos o makakapag handa sa sayaw! Kawawang Cinderella!" Sabay silang tumawa ni Anastasia.

"Pero papaano kung matapos agad si Cinderella sa kaniyang mga gawain? Ano nang gagawin natin?" Tanong ni Anastasia.

Napa-isip bigla si Emma sa sinabi ng kaniyang anak. 

"Gagawin ang mga bagay na hindi niya nanaisin." Sagot ni Emma.

Nagtinginan ang magkapatid sa isa't isa. Gagawin nila ang lahat para hindi makapunta si Ella sa ball. Hindi hahayaan ni Emma na maging masaya ang anak-anakan niya. Hindi pagkatapos iwan ni Allen ang anak niya sa kaniya. Mas lalo niya lang naaalala ang naging unang asawa nito na si Elena sa tuwing nakikita niya ito. Siya ang naging dahilan kung bakit wala siyang nararamdamang pagmamahal sa pangatlo niyang asawa. 

Hindi man siya naging masaya kay Allen, titiyakin niyang magiging kalbaryo ang buhay ng anak niya.

  ♦♦♦  

Waiting For AdrielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon