Chapter Five

14 4 0
                                    

Ella

Hindi ko alam pero pagkauwi nila mama galing sa lakad nila ni papa noong nakaraang araw ay parang biglang nagbago ang ihip ng hangin sa loob ng bahay.

Napapansin ko na parang hindi nagpapansinan masyado ang mga magulang ko. Sa tuwing tinatanong ko kung tungkol saan 'yung nilakad nila, hindi nila ako sinasagot.

Nararamdaman kong merong kakaibang nangyari pero hindi ko lang alam kung ano 'yun.

"Kanina ka pa parang tanga dyan. Ano ba talagang winawalisan mo? 'Yung paa mo o 'yung dumi?" Natauhan ako sa sinabi ni Adriel. Nakita sa sila mula sa bintana ng kwarto niya.

"W-wala kang pakialam, tsaka 'wag mo nanaman akong simulan." Wika ko at saka ipinagpatuloy nalang ang pagwawalis ng mga kalat.

Nababahala ako sa mga iniisip ko. Nag aalala na rin ako at nag iisip ng mga maaring maging problema ng pamilya namin. Hindi kaya mayroon kaming malaking utang na hindi ko alam? Hindi kaya may naka away sila mama? Nahihirapan ba silang bantayan ang prinsipe?

Wala man lang akong magawa kundi ang mag isip ng kung ano-ano.

Hindi ko man lang namalayan na naapakan ko ang ting-ting ng walis na siyang nagpadulas sa'kin. Bago pa man ako matumba sa lupa, agad nang may nakasalo sa'kin.

"Muntik na 'yun." Tinignan ko ang taong nakasalo sa'kin. Bumungad ang nakabusangot na mukha ni Adriel.

Napatitig ako sa kaniya. Ang ganda talaga ng mga mata niya. Nakaka akit. Parang gusto ko silang titigan nang mas matagal.

"Ano?" Bigla siyang nagsalita at doon ako natauhan.

"P-problema mo?" Kumunot bigla ang noo niya sa sagot ko. Pati ako biglang naguluhan sa sinabi ko.

Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Nasa may bewang ko pa rin ang kamay niya. Hindi ko tuloy alam kung sa kamay ba niya ako nakikiliti o hindi.

Ano ba naman 'yan, Ella! Ano 'yang pinagsasasabi mo?

Agad akong lumayo sa kaniya at saka pinulot ang walis na nabitawan ko. Tinalikuran ko siya para mabawasan ang kabang nararamdaman ko. Sinampal ko rin ang pisngi ko dahil sa mga naiisip ko.

"Ella" Tawag niya sa'kin.

Kinilabutan ako nang binigkas niya ang pangalan ko. Nang lingunin ko siya, agad akong nakaramdam ng konting kirot sa noo nang pinitik niya ako.

"A-anong?-"

"Lumilipad na ang utak mo. Epekto na 'yan ng katakawan mo." Ha?!

"Ano?! Hoy! Kung makapagsalita ka diyan, akala mo kung sino ka!"

"Sinasabi ko lang ang mga bagay na napapansin ko. Walang halong kasinungalingan." Pang aasar niya.

Nakakairita 'tong lalaking 'to! Hindi ko alam kung nananadya siya o ano!

"Sumosobra ka naman! Parang sinasabi mo na rin na matakaw akong tao!" Gusto kong ibato sa kaniya 'tong walis na ito! Gusto ko siyang itapon pabalik sa palasyo!

"Ikaw lang ang nagsasabi niyan." Wika niya habang naglalakad papasok ng bahay. Nakita ko 'yung ngising namumuo sa mukha niya.

Waiting For AdrielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon