Chapter Four

7 4 0
                                    

Ella

Tatlong araw matapos ang insidenteng iyon, bumalik kami sa normal na gawain ni Adriel. Hindi ko pa rin sinasabi sa mga magulang ko yung nangyari kaya naman pareho silang walang kamalay malay na pareho kaming lumabas ni Adriel habang natutulog sila.

Ganun pa man, hindi ko maiwasang hindi isipin yung nangyari. Hindi pa rin naaalis sa isip ko ang takot na naramdaman ko noong mga oras na iyon. Mas lalo tuloy akong naging paranoid sa paligid ko.

"Bakit orange juice nanaman ang nasa hapag kainan? Araw araw nalang bang ganito?" Napatingin ako sa prinsipe na nagrereklamo nanaman sa nakahapag sa mesa.

Nakita kong nagtinginan ang magulang ko bago nila sinagot ang isip batang prinsipe. Ilang beses ko na nga ba sila nakitang napabuntong hininga?

Hindi ko na pinansin pang muli yung 'alaga' namin at nagpatuloy na lamang sa pagkain ng almusal.

"Nga pala, Ella." Tawag ni papa sa akin.

"Po?"

"Aalis muna kami sandali ni mama,"

"May ihahatid po ba kayong mga tinapay?" Tanong ko.

"Hindi, anak. May aasikasuhin lang kami saglit ng mama mo." Hindi ko alam kung bakit pero parang ang lungkot ng pagkakasabi ni papa doon. Hindi naman umiimik si mama habang nag bibilin sakin si papa.

"Inaasahan ko na magkakasundo kayo ng prinsipe habang wala kami dito."

"Opo" Ano ba 'yan. Napilitan pa akong mag sinungaling.

Paano ba kami nito magkakasundo kung siya na mismo yung hindi nag a-adjust at nakikisama sa akin?

Pagkatapos naming mag almusal, agad ding umalis sila mama at pumunta sa lakad nila ni papa. Hindi pa rin umiimik si mama hanggang sa pag alis nila. Ano kayang meron?

Pagkasarado ko ng pinto, napansin kong wala na si Adriel sa kusina. Nakita ko siyang paakyat na sa kwarto niya.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko dito.

"Sa kwarto ko, malamang."

"A-alam ko! Pero hindi mo man lang ba ako tutulungan mag linis ng mga pinagkainan?"

Blanko niya akong tinignan. Mukhang alam ko na yung sagot niya kahit hindi na siya magsalita pa. Nagpatuloy na lang siya sa pag akyat at pumasok sa kwarto niya. Napabuntong hininga nalang ako at tinignan ang mga kalat sa mesa.

Ang dami kong lilinisin.

♦♦♦

Matapos kong mag punas ng mesa at mag hugas ng pinagkainan, umakyat ako papunta sa may harapan ng kwarto ni Adriel.

Balak ko kasing magwalis sa labas at hindi ko hahayaang hindi niya ako tutulungan.

"Adriel? Si Ella ito."

"Anong kailangan mo?" Sagot niya mula sa kabilang kwarto.

"Maglilinis tayo sa labas. Magwawalis ka ng mga nalaglag na dahon."

Waiting For AdrielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon