Third Person Point of View
"Prinsipe Adriel, kumain ka na po muna."
Marahang bumangon sa kama ang prinsipeng may masamang pakiramdam.
"Kumusta ang pakiramdam ng aking alaga?" Tanong ni Madame Lina sa batang Adriel.
"Hindi pa rin mabuti. Kahit na may dumating na mga doktor kanina, wala pa rin silang ginawa kundi ang painumin ng walang kwentang gamot na iyon. Wala namang nangyayari sa akin. Hindi pa rin bumubuti ang lagay ko!" Reklamo ni Adriel.
"Shhh...Hayaan mo, tiyak akong ginagawa ng mga herbalist ang lahat upang maperpekto ang ginagawa nilang bakuna para sa'yo. Sa ngayon, alam kong luto ko lamang ang magpapagaan ng pakiramdam mo." Nakangiti nitong sabi sa batang prinsipe na siyang nagpasigla dito.
"Pahingi! Pahingi! Pahingi!" Nasasabik na sigaw ni Adriel habang naglililikot sa kama. Natawa naman si Lina sa pananabik ng kaniyang alaga. Dahan dahan niyang iniharap sa prinsipe ang paborito nitong lutong porridge. Kita sa mata ng bata ang saya kaya agad nitong kinain ang porridge na inihanda sa kaniya.
Pagkatapos niyang kumain, agad siyang binasahan ng isa sa mga paboritong niyang libro na nakalapag sa tabi ng kaniyang kama. Haplos haplos ni Lina ang buhok ng bata habang tahimik na palingon lingon ang prinsipe sa may pintuan niya na parang may hinihintay.
"Madame Lina?"
"Ano 'yun, mahal na prinsipe?" Tanong ni Lina habang haplos haplos ang buhok ni Adriel.
"Hindi po ba pupunta si mama o si papa ngayong gabi? Ilang araw ko na silang hindi nakikita." Malungkot na wika ni Adriel.
Kahit na isa lamang hamak na pagapag alaga ng prinsipe si Lina, ay tinuring niya na rin na parang anak si Adriel. Sobrang nahihirapan siya sa sitwasyon niya at lalo na sa bata, ngunit kailangan niyang gawin ang isang sikretong trabaho upang mapabagsak nang tuluyan ang kaharian ng Carreaux dahil kung hindi, buhay ng kapatid niya ang nakasalalay dito.
"Hindi po, mahal na prinsipe. Masyadong maraming ginagawa ng iyong mga magulang kaya hindi ka pa nila napupuntahan ngayon."
"Ano bang mas importante para sa kanila? Anak nila ako hindi ba?"
"Oo, ngunit mayroon pa rin silang katungkulan sa mga mamamayan."
"Hindi ba nila ako mahal? Ayaw na ba nila sa akin? Dahil ba sa nalason ako noong nakaraang linggo? Iniisip ba nilang masyadong mahina ang anak nila?" Malungkot na tanong ni Adriel.
Nanikip bigla ang dibdib ni Lina sa binanggit ng kaniyang alaga. Parang piniga ang puso niya lalo na't iniisip ng bata na kasalanan niya kung bakit hindi siya dinadalaw ng kaniyang mga magulang.
Siya ang may kasalanan kung bakit nangungulila at nagdurusa ang alaga niya ngunit hindi niya ito masabi sa kaniya. Para bang nakatali ang dila niya at hindi niya masabi kung ano ba talaga ang nangyayari.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo. Hindi mo naman ginusto ang mga nangyayari. Mahal na mahal ka ng mga magulang mo, Prinsipe Adriel. Ngunit, may mga kailangan lamang silang gawin kaya hindi ka pa nila madalaw. Hayaan mo, papaalalahan ko ang iyong mga magulang para madalaw ka nila bukas."
Huminga nang malalim ang batang prinsipe. Nagsasawa na siya sa mga pangakong napapako ni Lina. Alam naman niyang pinapagaan lang nito ang pakiramdam niya kaya naman napapagod na siya sa mga sinasabi nito.
"Hindi na kailangan. Mukhang wala naman silang pakialam sa akin. Basta ipangako mo na lamang na lagi mo akong bibisitahin, Madame Lina."
Pilit na ngumiti si Lina bago niya sinagot ang prinsipe. Nangingilid na rin ang mga luha niya dahil sa ingay ng kaniyang kunsensya.
"Opo, kamahalan."
"May tiwala ako sa'yo." Wika ni Adriel bago siya natulog.
Tahimik na lumabas si Lina mula sa kwarto ni Adriel nang bigla siyang sinalubong ng mga kawal. Agad siyang tinutukan ng isa sa mga ito ng isang espada sa kaniyang leeg.
Hindi na siya nagulat. Alam naman niya ang dahil kung bakit naririto sila.
"Madame Lina Bernard, hinuhuli ka namin dahil sa kasong pagtangkang pagpaslang at paglalason kay Prinsipe Adriel Le Claire d' Capulet." Madiin na sabi ng isa sa mga kawal na may hawak ng espada.
Huminga muna siya nang malalim bago harapin ang mga kawal.
Mukhang hanggang dito na lamang siya.
"Magpapaliwanag ako."
♦♦♦
BINABASA MO ANG
Waiting For Adriel
Historical FictionElla Tremaine or "Cinderella" was sent to Trefles as a thief, a criminal, and a lunatic. Hindi niya inakala na ang kaninang masayang pakikipag sayaw sa prinsipe ng Carreaux ay may kaakibat na maling paratang. As a girl with nothing but bitter sweet...